Chapter 4

1.3K 97 12
                                    



HINDI ko maintindihan dito kay Will pero parang dinala na niya 'yong buong bahay nila papunta sa camp. Tatlong backpack ang dala niya at hindi ko alam kung ano-ano ang mga laman no'n.

Samantalang kami ay tig isang bag lang ang dala.

"Will, tatlong linggo ka ba sa camp?" Barong tanong ni Rocky. "Parang dala mo na lahat ng damit mo."

Inakbayan niya si Rocky, "Kap, hindi para sa'kin 'to. Para kay Smith 'tong dalawang bag dahil ayokong magkakasakit 'tong genius brother ko."

Noon pa man sobrang protective na ni Will sa nakababata niyang kapatid na si Smith. Pareho na silang ulila sa magulang. Noong namatay ang mga ito, pinilit ni Will na ibigay sa mayamang kamag-anak nila si Smith.

Tanda ko pa nga 'yong grabeng pag-iyak ni Smith na kahit ako naawa na pero talagang nagmatigas si Will. Para sa kanya hindi siya ang makakapagbigay ng magandang buhay para sa kapatid niya. Nanatili siya sa puder ng tita Jada niya habang Smith nasa malayo.

Pero isang araw nalaman na lang namin dahil sa mga balita sa sitio na ginagawa palang katulong, pinabayaan at ang masama pa sinasaktan si Smith ng kamag-anak nila.

Galit na galit noon si Will na sumugod sa kamag-anak nila. Syempre kasama kami nina Rocky para may resbak siya kung sakali. Buti naman at nabawi din naman ni Will si Smith.

D'yan nagsimula na maging overprotective si Will. Kahit nga ata lamok, hindi makakadapo may Smith. Para kasi sa kanya, kasalanan niya kung bakit naghirap ng ilang taon si Smith. Nangako rin sila na hindi na sila maghihiwalay pa.

"Balita ko may falls daw doon kaya baka mas malamig pa roon kesa dito. Kaya kung ako sa inyo, dagdagan niyo pa 'yang mga dala niyo."

Malamig sa La Guerta kaya sa araw-araw ko rito, talagang dalawang patong ng damit ang suot ko. Minsan nga nagsusuot pa ako ng jacket at bonnet. Hindi ko alam kung ganoon din sa camp pero dahil nabanggit ni Will na may falls doon, mukhang mas malamig nga roon.

"Legs, okay na ba 'yang dala mo? Gusto mo kuhanan pa kita ng jacket sa aparador ko?"

Umiling ako pero grabe ang ngiti sa labi ko. Natutuwa kasi ako tuwing nag-aalala sa'kin si Rocky. Although maalalahanin naman talaga siya sa lahat pero pakiramdam ko iba 'yong pag-aalala niya sa akin.

"Kap, h'wag na! Nagdala na ako para sa inyong lahat at meron na si Legs dito," ito na naman si Dan na parang kabute. Mas gusto ko pang suotin 'yong jacket ni Rocket kesa sa kanya. "Isa pa parating na 'yong sasakyan ni Mayor na susundo sa atin."

"Oo nga, mabuti pa maghanda na tayong anim."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. As if naman na hiningan ko siya ng jacket.

"Alam mo kabute ka ba?" Tanong ko.

"Bakit kasi sumusulpot na lang ako bigla sa isip mo?"

Tindi pa talaga ng mga ngiti niya kaya labas na labas 'yong mga dimples niyang malalalim.

"Ew, hindi no! Bigla kang sumusulpot kahit hindi ka naman kailangan! Tse!"

Nilayasan ko siya. Baka akalain niya na katulad ako ng mga naging babae niya na easy to get. At isa pa, hindi ko naman talaga siya type. Ayoko sa mga cassanova.

Dumating na 'yong sundo namin. Nagpaalam kami isa-isa sa mga magulang namin at tiyahin namin. Malungkot sila dahil tatlong araw kaming mawawala pero masaya sila dahil sa wakas, may pag-asa na ulit ang La Guerta na makilala sa Tuktok.

Lahat kami may ngiti sa mukha. Kabado man pero sa totoo lang excited din ako sa mangyayari sa summer camp. Bukod sa goal namin ang manalo, magiging bonding din namin 'tong anim.

Summer Camp (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon