Chapter 9

969 88 18
                                    


LAST and final challenge.

Ito na rin ang last day namin dito sa camp. Kung ano man 'yong mangyari, masasabi kong mas naging malapit kami sa isa't isa.

"Para sa last challenge," panimula ni Mayor. "Ito ay tatawagin kong All Aboard!"

Gumuhit ang mga organizers ng dalawang bilog sa stage.

"Ang challenge, sa bawat round ay liliit ang bilog na ito at kailangan na lahat kayo at manatili sa loob hanggang sa dulo. Ang grupo na kayang mag-stay sa huling bilog na pinakamatagal ang siyang mananalo sa challenge at sa Summer Camp!"

Nagkatinginan kaming anim. Lahat kami tinuon ang tingin kay Smith.

"Pareng Smith, ikaw na bahala sa atin ha. Ikaw ang makakaisip ng way para magkasya tayo sa bilog," sambit ni Dan.

"Ako ang bahala sa strategy pero lahat tayo magtutulungan para mag-stay tayo nang matagal sa loob."

Pinaakyat na kaming dalawang grupo sa stage. Parehong anim kami per team. Apat na lalaki at dalawang babae.

"Ready na ba kayo two teams?" Tanong ng organizer.

Sabag-sabay kaming sumigaw ng, "Ready na!"

Sa unang bilog ay malaki pa ito kaya madali lang namin naisiksik ang mga sarili namin.

Sa pangalawang bilog ay niliitan na nila 'to. Ang strategy ni Smith ay mag-form na rin kami ng bilog at habang nasa gitna si Smith na siyang nagtuturo sa amin ng gagawin. Nag-group hug kaming lima para hindi kami ma-out of balance. Nasa likuran ng bawat isa ang mga namin.

Todo cheer din sa amin si Smith.

Habang sa kabila ay naririnig namin si Macoy na panay sigaw at reklamo sa kagrupo niya. Kabaligtaran sa amin na panay suporta sa isa't isa para hindi kami ma-out of balance.

Sa pangatlong bilog ay sobrang liit na niya. Binigyan kami ng isang minuto para mag-isip kung paano namin pagkakasyahin ang sarili namin sa bilog.

Naisip ni Smith na hawakan namin ang kamay ng isa't isa na nakatutok sa loob habang isang paa lang ang nakapasok sa bilog at ang isa ay nakaangat lang. Para hindi kami matumba ay kailangan na mahawakan namin ang kamay ng isa'it isa at walang bibitaw.

Nagawa namin ang sinasabi ni Smith.

Nakatapat ako kala Macoy at hindi nila alam ang gagawin pero nang makita nila kami ay agad nila kaming ginaya.

"Focus tayo sa team natin, okay? Walang bibitaw pero kung hindi niyo na kaya magsabi kayo sa akin para ako 'yong sasalo," sambit ni Rocky. "Legs at Jengjeng, magsabi kayo sa amin ni Will at kami ang bahala."

Mag iisang minuto na pero hindi pa rin nagpapatalo sina Macoy. Medyo sumasakit na ang kamay ko kaya nagsabi na ako kala Rocky.

"Kailangan ko lang magpahinga sandali."

Nagkaroon ng bigat sa side ko sandali pero si Rocky at Will ang sumagot sa akin. Nakabalik din ako agad dahil ayokong mahirapan sila dahil sa akin.

"Ano ba! Walang magpapahinga sa grupo na 'to! Hindi tayo pwedeng matalo!" Sigaw ni Macoy.

Isa-isa silang sumigaw sa pagod. Pero sabi nga ni Rocky kailangan mag-focus kami sa grupo namin.

Pagod na ang kamay ko at tingin ko pati na rin sila ay pagod na pero walang bumibitaw ni isa sa amin. Walang nagrereklamo kahit isa. Lahat kami tahimik para makapag-focus.

Maya-maya ay may narinig kaming natumba sa kabilang grupo. Si Macoy! Siya ang natumba.

Hindi pa rin kami bumitaw hanggat wala pang sinasabi ang mga organizers.

Bumangon si Macoy pero nag-walk out na siya sa stage. "Mga wala kayong kwenta!" Sigaw niya pa.

Paano siya naging lider ng grupo nila kung ganyan siya umasta? Ang layo niya kay Rocky na isang responsableng lider.

Biglang tumunog ang pito ng isang organizer.

"Ang nanalo sa huling challenge, ang Team La Guerta!"

Dahan-dahan kaming bumitaw at niyakap ko si Jengjeng. Sobrang saya na kami ang nanalo.

"Congrats sa ating lahat!" Sambit ni Rocky. "Proud na proud ako sa inyong lahat, guys!"

Nag-group hug kami ulit. Proud na proud din ako sa grupo namin, bawat isa amin nagpakahirap para manalo kami sa Summer Camp.

Umakyat si Mayor para isabit sa amin ang mga medalya at para ibigay ang cheke na nagkakahalaga ng limang libo.

"Lubos kong ikinagagalak na ibigay ang Summer Camp award sa Team La Guerta's finest. Nagpakita sila hindi lang ng galing sa mga pagsubok, pinakita rin nila na isa silang grupo. Pinakita nila na kung magsasama sama sila ay wala silang hindi magagawa. Ito ang gusto kong ipakita sa mga kabataan ngayon. Walang imposible kung magtutulungan kayong lahat."

Nagpalakpakan ang mga tao. Ang sarap sa pakiramdam. Parang tinitingala nila kami.

Lumapit si Rocky para tanggapin ang cheke. Isa-isa rin sinabit ni Mayor ang medalya sa amin.

Ipinagsalita ni Mayor si Rocky. "Tayo ay makinig sa mensahe ni Rocky na lider ng La Guerta's Finest."

"Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Summer Camp lalo na kay Mayor. Malaking tulong ang premyo na ito sa amin. Pero higit sa lahat gusto kong kunin ang pagkakataon na 'to para ipagmalaki sa inyo ang lugar namin, ang La Guerta."

Muli silang nagpalakpakan.

"Mayaman ang La Guerta lalo na sa mga tanim namin at sa mga taong nandoon na mahal na mahal ang lugar namin. Kaya gusto ko kayong imbitahan lahat na dumalaw sa amin at tumingin ng mga ani naming pagkain. Masarap din ang kape sa amin kaya minsan po ay dumalaw kayo roon para mag-agahan."

Nagpalakpakan kaming lahat. Kahit papaano ay nai-angat naming muli ang lugar namin. May bonus pang premyo at pangako ni Mayor na tulong.

Ngayon panahon na para umuwi sa La Guerta dala ang bagong pag-asa at saya na sa wakas, babalik na muli ang sigla ng aming lugar.

Summer Camp (Completed)Where stories live. Discover now