Chapter 6

1K 80 12
                                    



KITANG-kita mo ang pag-aalala sa mata ni Smith kahit hindi siya magsalita.

"Malapit nang mag gabi pero wala pa rin si Will, saan naman siya pupunta?" Tanong niya.

Tinignan ko ang mga gamit namin at kumpleto pa rin naman lahat at walang nawala. May naka-ready na ngang fire pit na ginawa ni Will pero nasaan siya?

"Mabuti pa hanapin natin si Will, dahil pagsapit ng gabi magiging delikado na sa camp lalo na kung mag-isa lang siya. Kilala naman natin siya, hindi gaanong katalino ang kaibigan natin at palagi siyang nakakagawa ng bad decisions." Sambit ni Rocky.

Sang-ayon namin kami sa sinabi niya pero, "Paano ang paggawa ng cabin? Bukas ng umaga dapat tapos na natin 'to?" Tanong ko.

"Legs, mas importante si Will kesa sa challenge. Bahala na kung anong mangyari. Baka naman makita natin siya agad at magawa pa rin natin ang cabin."

Napangiti ako. Kahi anong sitwasyon, hindi ka talaga iiwan ni Rocky at alam kong gano'n din sina Smith, Jengjeng at Dan.

Ito 'yong tropang walang iwanan sa ere.

"Tara, hanapin na natin si Will." Pag-aaya ni Smith.

Mahal na mahal ni Smith ang kuya niya kahit na minsan nag-aaway sila. Masyado kasing protective si Will sa kanya na minsan pakiramdam ko nasasakal na rin siya.

Gano'n naman siguro ang magkakapatid, nag-aaway pero at the end of the day, mahal pa din nila ang isa't isa.

Naglakad lakad kami para hanapin si Will. Magaling si Smith sa Math dahil ayan ang forte niya at favorite subject niya. Two years nga siyang accelirated dahil sa sobrang talino niya. Minsan wish ko, kasing talino ko siya.

"Mataas ang probability na nasa malapit lang si Will. Sa tyansa ko sa lugar nasa four to five hectars 'to pero knowing Will, hindi siya lalayo dahil alam niyang hahanapin natin siya." Sambit ni Smith.

Lumapit sa akin si Jengjeng, "Nag-aalala ako kay Will pero nag-aalala rin ako kay Smith. Kanina pa siya hindi mapakali tapos pinagpapawisan pa siya." Bulong niya sa'kin.

Kahit ako na kaibigan lang ni Will ay nag-aalala, paano pa si Smith?

"Okay ka lang ba, Smith? Makikita rin natin ang kuya mo." Pag-comfort pa ni Jengjeng.

Huminto sandali si Smith at nagbuntong hininga.

"Bumalik lang sa alaala ko 'yong mga panahon nagkahiwalay kaming dalawa ni Will. Gusto ko pang patunayan sa kanya na hindi na niya ko kailangan bantayan. Na dapat magkaroon din siya ng sarili niyang buhay at hindi lang iikot sa pag-aalaga sa'kin. Kaya ko na ang sarili ko."

Pakiramdam ko na gu-gilty si Smith dahil masyado nag-focus sa kanya ang kuya niya. Minsan nga halos buong araw siyang nakabantay sa kanya.

"Ayoko lang magkahiwalay ulit kaming dalawa."

Ramdam namin siya. Natatandaan ko pa 'yong pag-iyak niya noon noong ibigay siya ni Will sa kamag-anak nila.

"Hahanapin natin siya pareng Smith, h'wag kang mag-alala. Malakas 'yon kaya for sure kung may panganib man, makakaya niya." Assurance ni Dan sa kanya.

Malayo-layo na rin ang nakalakad namin pero wala pa ring bakas ni Will. Sigaw kami nang sigaw pero walang Will na sumasagot. Lumubog na rin ang araw pero hindi pa rin namin siya nahahanap.

"Mabuti pa i-report na natin 'to sa organizers? Baka mas madaling mahanap si Will kapag tumulong na sila?" Alok ni Smith.

May point siya, mas makikita nga namin si Will kung tutulong sila. Bahala na kung hindi kami manalo sa Summer Camp na 'to. Ang importante ay ligtas ang kaibigan namin.

Bumalik na kami sa camp pero malayo pa lang kami may nakikita na kaming usok sa malayo.

Tumakbo agad si Smith at doon namin nakita si Will na nag-iihaw na ng isda.

Agad siyang nilapitan ng kapatid niya, "Saan ka galing ha?" Inis niyang tanong. "Kanina ka pa namin hinahanap!"

"Ha? Hindi ba kayo 'yong nagtakip ng mata ko tapos nagdala sa'kin sa kweba?"

Nagtakip ng mata at nagdala sa kweba? Bakit naman namin gagawin 'yon? Unless...

"Sila Macoy, sila ang gumawa no'n sa'yo!" Sigaw ni Rokcy. "Kinidnap ka nila!"

"Kidnap? Akala ko naglalaro tayo ng tagu-taguan? Ang tagal ko sa kweba kaso nagutom na ako kaya bumalik na ako rito tapos may nakita akong mga isda kaya niluto ko na." Sabay-sabay kaming napakamot ng ulo.

Minsan talaga, o sabihin na nating madalas, mahina umintindi 'to si Will. Pero despite naman no'n, madami siyang kayang gawin na ibang bagay. Katulad ng pagiging mapagmahal na kapatid at kaibigan.

"Alam mo Will, minsan hindi ko alam kung ikakahiya ba kita bilang kapatid ko, e." Pagbibiro ni Smith. "Pero nakahinga ako nang maluwag na nakita ka na namin. Kanina pa kami nag-aalala sa'yo."

"Ano ka ba Smith, walang mangyayaring masama sa'kin. Kayang kaya ko 'tong sarili ko. Superman kaya 'to." Pagyayabang niya. "Pero salamat ha, talagang hinanap niyo ako. Pasensya na, akala ko talaga gano'n 'yong nangyari."

Lahat kami nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil safe si Will. Pero lahat kami gutom na kaya buti na lang nakapagluto na siya.

Pagod na kaming lahat at madilim na din kaya naisipan namin na bukas ng umaga na lang namin gawin 'yong cabin.

"Sige matulog na kayo pagkatapos babantayan ko kayo. Mahirap na baka umatake na naman 'yang sila Macoy," sambit ni Will.

"Sasamhan kita, mahirap magising kapag wala kang ka-kwentuhan." alok ni Smith.

Natulog na muna kaming apat nina Rocky, Jengjeng at Dan. Maaga na lang kaming nagising ni Rocky para palitan 'yong dalawang magkapatid para makatulog din sila.

Nagsimula na kaming buohin 'yong cabin. Sa totoo lang kulang-kulang pa 'yong mga kahoy na nakuha namin at hindi namin mabubuo nang maayos 'tong cabin. Gayon pa man, sinimulan na lang namin kung anong pwede pang gawin.

"Ang importante naman walang nangyaring masama kay Will. Bumawi na lang tayo sa ibang challenge," sambit ni Rocky. "Kaya natin 'to, Legs."

"Oo basta sama-sama tayo, kakayanin natin lahat."

Dumating ang umaga. Nagising na din kaming lahat at sinubukan pa namin na kumuha pa nga mga kahoy at mga dahon para gawing suporta sa bubong ng cabin.

Kahit papaano nakabuo pa rin naman kami.

Dumating ang mga organizer para tignan at i-judge ang gawa namin. Doon nila sinabi ang result since nakita na nila ang kina Macoy.

"Team La Guerta's Finest, salamat sa effort niyo sa paggawa ng cabin na 'to. Alam namin na lahat kayo nagtulungan para gawin at buohin 'to. Pero base sa score na binigay namin, ang Team Walwal ang nanalo sa unang challenge."

Nakakalungkot pero masaya pa rin naman kasi kumpleto at masaya pa rin kaming magkakaibigan.

Natalo man kami sa unang pagsubok, babawin kami sa susunod.

Second challenge, bring it on!

Summer Camp (Completed)Where stories live. Discover now