Chapter 8

917 88 16
                                    


LAHAT kami maagang gumising para makapag handa ng lulutuin namin para sa second challenge.

Ang plano ni Smith, may kanya-kanyang toka ang bawat isa. Si Will at Dan ang taga handa at hiwa ng mga ingredients. Kami ni Jengjeng ang magluluto. Si Rocky at Smith naman ang bahala sa pagtikim at sa presentation.

Ang naisip namin na mga pagkain ay chicken omelet, lemon steamed fish, fried rice at ang bestseller namin na La Guerta's coffee na toka kay Rocky.

Good thing na may mga dalang sibuyas, bawang, asin at paminta kahit nga lemon meron si Will. Hindi rin niya pinalagpas ang herb and spices na ipinagmamalaki ng La Guerta. Sabi ko nga parang dala niya lahat ng bagay sa bahay nila. Mahilig kasi silang kumain na magkapatid kaya siguro dinala niya lahat 'yan.

"Hinihiwa ko pa lang 'yong bawang at sibuyas, nagugutom na ako," sambit ni Dan. "Paano pa kaya kapag naluto na natin 'to?"

Tinignan namin ni Jengjeng ang recipe na ginawa ni boy genius Smith. Medyo komplikado ang pagluto pero mukhang magiging kakaiba ang lasa niya kumpara sa simpleng paggawa ng itlog.

"Kailangan tamang tama lang pagkakaluto dahil kapag nasobrahan, iitim ang itlog at papangit para sa presentation." Paalala ni Smith. "Ako na mag papakulo ng chicken para tamang tama lang ang lambot."

Nanlaki ang mga mata ni Jengjeng habang pinagmamasdan si Smith. Siniko ko siya, "Huy, kalma lang."

"Ha? Grabe ka naman Legs. Natuwa lang ako kasi ang talino na niya tapos magaling pa sa pagluluto." Depensa niya.

Totoo ang sinabi ni Jengjeng. Wala ka ng hahanapin kay Smith dahil bukod sa matalino at magaling pa sa kusina. Pero para sa akin, mas gusto ko pa rin 'yong mga kagaya ni Rocky na sobrang responsable.

Hindi naman sa sinasabi kong hindi responsable si Smith pero dahil sa sobrang paghihigpit sa kanya ni Will, minsan hindi na siya nakakapag desisyon para sa sarili niya.

Malapit na namin maluto ang mga pagkain. Tinulungan na kami ni Smith para mas lalong mapabilis dahil baka dumating na sina Mayor at ang mga judges. Si Rocky naman ay busy sa paggawa ng kape.

Tulong-tulong na kami maglagay sa plato ng mga pagkain. May mga design pang ginawa si Smith para mas lalong maganda tignan at kaaya ayang kainin mamaya.

Pagkatapos ng kalahating oras, dumating na ang mga organizer. Pinadala nila ang mga pagkain sa gate ng Summer Camp kung nasaan sina Mayor at ang media.

Isa-isa namin inilapag sa mahabang mesa ang niluto namin. Sa kabilang mesa ay nandoon sina Macoy. Ang nakakapagtaka, may baboy at lobster sila sa niluto nila. Kasama ba 'yon sa box na pinamigay nila sa gubat?

Nagkaroon ako ng konting kaba. Mukhang masarap din kasi ang niluto nila at mukhang katakam-takam din.

"Magandang umaga Team Walwal at La Guerta's Finest! Ngayon pa lang ay natatakam na kami sa mga inihanda ninyong pagkain. Goodluck sa inyong lahat!" Sambit ni Mayor.

Nauna nilang tikman ang gawa nina Macoy. Ang laki ng ngiti nila at parang siguradong-sigurado na sila na sila ang mananalo.

Isa-isang tinikman ni Mayor at judges ang gawa nila.

"Masarap ang pagkakaluto! Sabihin niyo, paano niyo ginawa ang recipe na ito? Ano-ano ang mga ingredients?"

Biglang hindi makapagsalita sina Macoy.

"Uh... 'yong pagluto namin is nilagay lang namin sa kawali 'yong baboy then lobster then nilagay na namin 'yong mga ingredients."

Bakit parang hindi nila alam kung paano nila niluto 'yong hinanda nila? H'wag mong sabihin na nandaya sila at hindi talaga sila ang nagluto ng mga 'yan?

Nagbulungan ang mga judges pati na rin si Mayor.

Nawala bigla ang ngiti sa mukha ni Macoy, parang kinabahan siya nang sobra dahil kitang kita namin na pinagpapawisan siya.

Kahit gaano pa kasarap ang ihain nila ngayon, kung hindi naman sila ang gumawa no'n ay baliwala lang ang lahat. Well at least, sana iyon ang makita nina Mayor at ng judges. Imposible naman na ni-isa sa kanila ay walang nakakaalam ng proseso ng pagluluto ng hinanda nila.

"Ngayon tikman naman natin ang inihanda ng Team La Guerta."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kung titignan mas bongga talaga ang pagkain nina Macoy kaya sana kahit papaano magkaroon pa rin kami ng chance sa mga judges.

Isa-isa nilang tinikman ang niluto namin. Dahan-dahan ang pagnguya nila at hindi namin mabasa kung nasasarapan ba sila o hindi.

"Team La Guerta, kakaiba ang lasa ng pagkain na ito. Ngayon ko lang natikman ito. Paano niyo ito niluto at ano ang ingredients ng mga ito?"

Humarap agad si Smith sa kanila.

"Magandang umaga po sa inyong lahat. Ang mga ito ay ang aming own recipe gamit ang herb and spices sa La Guerta..."

Inexplain isa-isa ni Smith ang proseso kung paano namin ito niluto at kung ano-ano ang mga ginamit namin. Sinabi rin niya ang kanya-kanya naming toka. Pinagmalaki niya na lahat kami ay nagtulungan para mailuto lahat ito. Manghang mangha ang mga judges sa kanya dahil panay sila tango at ang laki ng ngiti sa labi nila.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Itong kape, kakaiba rin siya? Paano niyo ito ginawa?"

Si Rocky naman ang nag-explain kay Mayor. Ipinagmalaki niya na galing sa La Guerta ang kape na ito. Inubos nilang lahat ang pagkain at pagkatapos ng ilang minuto ay isinulat nila ang scores nila sa papel.

Nag-tally ang organizers at doon na sila nag-announce ng winner.

Naghawak-hawak kami ng kamay habang hinihintay iyon. Bumalik ang kaba ko pero malaki ang tiwala ko sa grupo namin kaya kahit anong mangyari, magiging masaya ako.

"Lahat ng mga niluto niyo ay masarap pero kasama sa points sa challenge na ito ay ang pagkakaisa niyo para matapos lahat ng pagkain. At sa challenge na ito, ang Team... La Guerta ang nanalo!"

Sumigaw kami at tumalon-talon sa saya. May pag-asa pa kaming manalo! At nagbunga lahat ng paghihirap namin!

Nag group hug kaming anim.

"Go team La Guerta!" Sigaw ni Rocky.

"Ngayon... para sa ikatlo at huling pagsubok."

Ito na ang moment of truth, mananalo ba kami o uuwing talunan?

Summer Camp (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon