Part 1

589 15 2
                                    

Lexa

Nakangiting pinagmamasdan ko sina Nanay at Tatay na tila ba mga teenagers na miss na miss ang isa't isa kung magyakapan. Kakauwi lang kasi ni Nanay galing sa trabaho niya sa mansyon ng mga Hernandez. Tatlong araw din siyang mamalagi dito sa bahay.

Isang dakilang kasambahay ang Nanay ko. Karpentero naman ang Tatay ko. Tatlo kaming magkakapatid kaya doble kayod ang mga magulang ko. Pero kahit simple ang pamumuhay namin, masaya ang Pamilya namin.

Ako ang panganay, Lexa Rose Garcia ang buong pangalan ko. 20 years old at thirdyear College sa kursong Business Administration. This course is flexible in terms of pursuing a career. Kailangan ko makapag tapos para tulungan ang mga kapatid ko.

Si Lily ang sumunod sakin, 15 years old. Saka si Lavi short for Lavender dose anyos, ang pinaka bunso .

May napansin ba kayo sa mga pangalan namin?

Malamang meron.

Anak kami ni Daisy at Jamie Garcia. Obsess ang Lola namin sa side ni Mama sa mga bulaklak, mabuti nalang at naisipan ng Lola ko sa side ni Papa na lagyan ng Lexa ang pangalan ko. Pero hindi naging kasing swerte ko ang dalawa kong kapatid lalo na si Lavi na nagkataon paman ding kaisa-isang lalaki. Ikaw ba naman pangalanan ng Lavender.

" Pasensiya na kayo mga anak' ha. Ngayon lang nakauwi si Nanay. Alam niyo namang hindi basta basta pwedeng iwanan si Senyorita Maze lalo na at nag out of the country na naman ang mga magulang niya." naiinis na naman ako, narinig ko na naman kasi ang pangalan niya.

Hindi si Nanay ang kasambahay ng mga Hernandez dati, ang Tita ko pero dahil nagkasakit ito at hindi na makapagtrabaho si Nanay ang pumalit sa kanya. Si Tita ang halos nagpalaki kay Maze.

Kaya bata palang ako madalas ko na marinig ang pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal siya ni Tita samantalang napakasutil naman niya habang lumalaki.

Bunso siyang anak nina Ma'am Kiera at Mazon Hernandez. Ang pinagpalang mag asawa na tila may mahika ang utak pagdating sa negosyo.

May tatlo pa siyang kapatid. Ang panganay si Eros, matagumpay na businessman gaya ng mga magulang na kamakailan lang ay kinasal na at naninirahan sa Italy. Si Apolo, magaling na Doctor, namamahala ng Hospital na pagmamayari nila.

Si Hera ang pangatlo at isang sikat na modelo.

At ang demonyitang bunso gaya ng pangalan niya si Mazekien.

" Anak, tignan tignan mo si Maze ha, alam mo naman ang batang iyon. Madalas mapaaway dahil sa kamalditahan." bilin sakin ni Nanay. Bagay na ikinaiinis ko. Bukambibig niya palagi ang Maze na yon. Lalo na nang malipat sa araw lahat ng schedules ko buong semester.

Pareho kami ng University na pinapasukan. Isa ako sa maraming scholar ng Foundation nila. Bagay na ipinapapasalamat ko sa mga magulang niya.

" Malaki na siya Nay, kaya na niya ipagtanggol ang sarili niya. " kung magalala si Nanay sa babaeng yon parang anak niya.

" Lexa yang nguso mo pwede na sabitan ng martilyo ko." si Tatay na naghahanda narin pumasok sa trabaho. " Sige na pumasok na."

Kung pwede lang sanang night class nalang ulit ang kunin kong schedule para maiwasan kong makita ang demonyitang alaga ni Nanay. Kaso hindi na pwede masyadong mabigat ang mga subjects ko at walang available sa Night class.

" Lexa! " napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Valerie pala ang bestfriend ko.

Sabay kaming pumasok para hanapin ang room ng unang klase namin sa araw na yon.

Pinili namin ni Val na maupo sa may bandang sulok.

" Sayang din yong day job natin Lex. Bakit kasi masyado tayong loaded this Sem." ang tinutukoy niya ay ang part time job namin sa hapon. Sayang naman talaga kung iisipin, kahit paano ay nakakaipon ako mula doon para sa pamasahe ko araw araw. May kalayuan kasi ang Uni mula sa bahay namin.

Naputol ang usapan namin ni Val, when she entered, kasama ang mga minions niya. I'm already aware na baka maging kaklase ko siya one of this days given na pareho kami ng kurso pero napaaga naman yata. I know her face, she's all over social media but the good thing is, she doesn't know me and I'd like it to stay that way.

" Bes, ang ganda niya pala talaga sa malapitan." bulong ni Valerie sa akin. Siniko ko siya.

Muli ko siyang pinasadahan ng tingin, she's wearing jeans saka tank top na green. May maong na jacket din siyang nakasabit sa isang balikat niya. She's screaming luxury. But still kontra ng utak ko, just because she was born wealthy she's entitled to be a bitch. Usap usapan kahit sa night classes ang pagiging brat niya.

Napansin niya yata na pinagmamasdan ko siya, tinaasan niya ako ng isa niyang kilay. Agad kong binawi ang tingin ko sa kanya.

Sa dami ng upuan sa harapan ko pa talaga ang napili niya.

Masamang tinignan niya ang isang kaklase naming naunang umupo sa kanya. " Move!" wala lang na sabi neto sa isa.

Agad namang lumipat ng upuan ang kaklase namin para pagbigyan siya. Brat! sigaw ng utak ko.

Nagsitahimik ang lahat ng pumasok ang Prof namin. Nagpakilala siyang Mrs. Mirasol Peralta. Nagcheck muna siya ng attendance. Pagkatapos ay sinulat niya sa white board ang " Business Ethics".

" Does any of you know the meaning of the word Ethics? We know business and its meaning. But what is Ethics? "

Walang sumagot kay Prof.

" Hernandez.." tawag ni Prof sa kanya. Napansin marahil niya na busy ito sa pakikipag-usap sa katabi.

" Wow Prof, I'm flattered, you already know me. " nagtawanan ang ilan sa mga kaklase namin. Sino ba ang hindi makakakilala sa bratenelang anak mayaman na gaya niya?

" Answer the question Miss Henandez." ma autoridad na sabi ni Prof.

" I think it concerns with our behavior." maikling sagot niya saka umupo. Kudos to her for answering.

" I need some further ideas. how about you.." tila tumingin ito sa class record na hawak.

" Garcia." kinalabit ako ni Val. Tumayo ako, napatingin sila lahat sakin pati na siya.

" Ethics is called moral philosophy it concerned with what is morally right and wrong." sagot ko. I did read about it when they give us the subjects for this semester.

" Well done, Miss Garcia." napangiti ako sa papuri ni Prof.

" Nerd!" narinig kong sabi niya kasama ang pag-irap. The devil is pissed.

Isa isa na kaming nagsitayuan pagkatapos ng discussion ni Prof. Hinila ako ni Val palabas.

" Nainis yata sayo si Maze, wag mo kasi masyadong galingan. " natatawang sabi ni Valerie. Nagpaalam na ito sa akin. Magkaiba kasi kami ng major kaya hindi pareho lahat ng klase namin.

Papunta na ako sa sunod kong klase ng makita ko si Xavier sa Hallway. Ang gwapo niya sa suot na varsity jacket na may putting stripes sa leeg. Siya ang lalaking papangarapin mong maging tatay ng mga magiging anak mo balang araw. Matangkad, good looking, mapungay na mata, perfect eyebrows, tila nasa kanya na lahat.

" He's handsome right?" nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko. " But he..., belongs to me! So, do you mind and stop gawking at my Boyfriend." narinig kong nagtawanan ang mga kasama niyang minions.

Nabigla ako kaya hindi ako nakasagot. Napatingin ako sa mga mata niya. Ang ganda, Blue iyon kagaya ng langit. Napa atras ako ng itulak niya ang noo ko. " Out of my way!" saka niya nilapitan si Xavier at siniil ng halik.

I rolled my eyes saka umalis.

Itutuloy.




Loving Miss VixenWhere stories live. Discover now