Part 3

173 8 1
                                    

Lexa

The week pressed forward swiftly, thank God Friday na bukas. Iniiwasan ko na lang madalas, ang demonyitang alaga ni Nanay. Pero kahit anong iwas ko sa kanya, she's all over the campus. Halos kaklase ko siya sa mga major subjects ko. Pakalat kalat siya lagi sa hallway. Tapos ngayon nandito din siya sa Gym.

Malamang Captain siya ng volleyball team, sabi na utak ko.

Nangako ako sa bestfriend ko na papanoorin ko ang kauna- unahang game niya with the WIU Angels. Nakakatawa ang team nila diba?, given na demonyita ang lider nila.

But hands up, they looked good on their navy blue uniform. Kinawayan ako ni Val. Kinawayan ko din siya pabalik. I'm proud of my bff.

Then I saw her. Nakakainis dahil parang nagslowmo ang mundo pagdating niya. Napa "Wow" pa ang mga taong katabi ko.

" She's really gorgeous, mukhang anghel talaga yang si Maze. Mas naging attractive siya tignan sa Jersey nila. " komento pa ng katabi ko.

Mukha lang siyang anghel pero anak yan ni Lucifer, sagot ko sa isip ko. Kahit e Google niyo pa ang pangalan niyan.

Pero fairness bumagay nga sa kanya ang kulay ng Jersey nila. Napansin ko din na ang haba pala talaga ng biyas niya. She has this instagramable body. That legs, Wow!

Tinampal ko ang noo ko. Bakit ko ba siya pinupuri?

" Go WIU! Go WIU." chant ng mga cheerleader ng school namin.

Panay ang hiyaw at palakpak ko mula simula hanggang matapos ang game nila. Supportive bff yata ako. Our team played damn well.

Masaya ako para kina Val sa pagkapanalo nila laban sa taga kabilang University. Malaki ang lamang ng team namin sa visitors team. Hinayaan ko muna siyang magsaya kasama ang mga team mates niya. Kahit ang malditang si Maze ay bakas ang saya sa pagkapanalo.

Iniabot ko kay Val ang towel at tubig niya ng lumapit ito sa akin.
"Ang galing mo bess. Kahit may paggulong at pagdive kapa kanina." yayakapin niya sana ako kaso umatras ako. " Pawis eww!!" saway ko sa kanya.

" Si Maze ang magaling Bes. Halimaw talaga siya sa field. Yong blocking palang niya waley na kalaban. Dagdag pa yong mga killshots niya. Ang galing niya magcontrol ng bola. " sumimangot ako.

" Magaling ka din naman, pati yong ibang kasama mo. Para namang mananalo yong babaeng yon kung mag isa lang siya naglaro. " tinulak tulak ko na si Val papasok ng locker nila.
" Ang baho mo na, bilis na. Magpalit kana ng damit. "

" Baliw ka talaga." iling iling na pumasok ito ng locker room.

Mula noong unang encounter namin ng demonyita, hindi na ako nagtangkang pumasok sa locker room nila. Kahit anong pilit sakin ni Val. Saksak ni Hernandez yang locker sa baga niya.

Speaking of the she-devil. Pero fairness kahit pawisan siya mukha parin siyang fresh. Sana all.

" You're here again." anya. Hindi ko siya pinansin.

" Hoy ikaw!" turo niya sakin. Makaturo naman ang isang to.

" Ako?" I sarcastically said sabay turo ko sa sarili ko. " Ako ba kausap mo?"

Tinaasan niya na naman ako ng kilay. Ahitin ko kaya yang kilay niya.

Bakit ba ako pinagkakaabalahan ng bruhang to?

" Like duhh, may ibang tao pa ba dito? Magpasalamat ka nga kinakausap kita." she eyed me from head to toe.

" Bakit naman ako magpapasalamat? Sinabi ko bang kausapin mo ako?" tila nabigla ito sa pagsagot ko.

" You're here because of me right? Admit it girl, you're stalking me. " seryoso ba siya?

" Don't flattered yourself, hindi lang sayo umiikot ang mundo Hernandez. " inirapan ko siya, nakita kong palabas na si Val.

" Tara na nga bess, ang lakas lakas ng hangin dito, baka tangayin tayo, mahirap na. " hinukbit ko ang isang kamay ko sa braso ni Val saka ito hinila.

" Mauna na kami Cap. " paalam niya sa bruha." Anong ginawa mo don kay Maze at hindi maipinta ang mukha. " curious na tanong ni Val.

" Wala naman, binawasan ko lang ang hangin sa ulo, baka lumubo, kawawa naman." ang yabang yabang.

" Ikaw ha, napapansin ko mainit lagi ang ulo mo don kay Maze, baka iba na yan. " sinamaan ko ng tingin si Val.

" Anong ibig mong sabihin' Valerie?" kunot noong tanong ko sa kanya. Pumara na kami ng jeep saka sumakay.

" Sabi nga nila, the more you hate, the more you love. " hinampas ko siya sa braso.

" Gago ka ba? Anong palagay mo sakin tibo? Kilabutan ka nga dyan sa sinsabi mo. " iling na tumawa si Val.

" Nako Lexa Rose, maraming magagandang member ang bahaghari. Malay mo' kaya ka hindi pa nagkakaboyfriend hanggang ngayon kasi babae talaga ang para sayo." batok naman ang natanggap niya mula sakin.

" Heh!! Walang kinalaman dyan ang hindi ko pagboboyfriend. At kung magsalita ka parang may jowa ka ah. " nagbayad na kami ng pamasahe, malapit na kaming bumaba.

" Feeling ko dadami na ang manliligaw ko ngayong kasali na ako sa volleyball team Bess.." pinitik ko ang ilong niya.

" Aray naman! " aniya.

" Wag kang feelingera, nakakaisang game ka palang don sa team mo." saka nako naglakad pauwi samin.

" Thanks ha, napakasupportive mo talaga. " pahabol na sigaw ng loka loka kong bestfriend.

Pagdating sa bahay ay nadatnan ko ang dalawa kong kapatid. Busy si Lily sa homework at si Lavi naman ay nanonood ng tv.

" Wala ka bang homework Lavender?" sinamaan niya ako ng tingin. Ang pinakamagandang way para makuha agad ang atensiyon niya ay ang tawagin siya sa pangalan niya.

" Tapos na Ate. Nakapagsaing na nga din ako." nginisihan ko siya saka nagpeace sign.

Maya maya ay dumating na si Tatay. Nagmano kaming tatlo. May dala itong karne ng manok. Sumahod na siguro si Tatay.

" Ako na po ang magluluto niyan Tay." kinuha ko iyon saka dinala sa maliit naming kusina.

" Adobo Ate' please." nakangiting sabi ni Lily. Paborito niya kasi iyon.

" Lexa anak.." kinabahan ako sa tono ni Tatay. Ganyan kasi ang simula niya kapag seryoso ang paguusapan.

" Tumawag sakin kanina ang Nanay mo. Hindi daw talaga maganda ang pakiramdam niya, alam nyo naman kahapon na masama ang pakiramdam niya nong umalis siya, trangkaso daw yata. Sabi ko sa kanya magpaalam at umuwi nalang ulit dito para makapagpahinga. Pero nag aalala siya kung uuwi siya, pinalayas daw kasi ni Maze yong isang katulong na marunong magluto kaya kung uuwi siya baka gutom yong alaga niya.." agad na naman akong nayamot.

" Kaya naisip namin ng Nanay mo. Pansamantala ikaw nalang muna ang papalit sa kanya doon sa mansyon. Kakausapin niya daw ngayon si Maze. " muntik ko na mahiwa ang daliri ko sa halip na ang sibuyas.

" Tay naman? Bakit ako pa? " hindi din naman lingind sa kanila na ayaw ko sa babaeng yon.

" Pansamantala lang naman anak, kawawa naman ang Nanay mo kung magtatrabaho pa, may sakit na nga. " hinugasan ni Tatay ang kakahiwa kong karne ng manok.

" Pero Tay.. " angal ko pa din. Hindi ko talaga maatim na makasama sa isang bubong ang Hernandez na yon. Malawak naman ang bubong nila, kontra ng utak ko.

" Pasensiya ka na anak. Isa pa sayang din ang sasahurin mo doon, alam mo naman mahina ang trabaho ni Tatay sa ngayon. Malaking tulong din yon sa atin." nakonsensiya naman ako bigla.

" Sige na nga ho' Tay. Basta hanggang gumaling lang po si Nanay." mabilis lang naman siguro gumaling ang trangkaso.

Pagkatapos ko magluto ay inayos ko ang mga gamit ko. Si Tatay na daw ang magdadala ng mga iyon bukas pagsundo niya kay Nanay. Doon na ako dederetso sa mansyon pagkagaling ko sa University para makatipid sa pamasahe. Walking distance lang ang pagitan ng bahay ng mga Hernandez sa WIU.

Itutuloy....

Loving Miss VixenWhere stories live. Discover now