Shot 6

226 14 0
                                    

A Short story.



Shot 6: Somnambulist

Kasalukuyan akong naglalakad sa isang madilim na hallway at hindi ko malaman kung saan ako papunta. Patuloy lamang ako sa paglalakad na para bang may ibang taong kumokontrol sa aking katawan.

Tumigil ako sa tapat ng isang pintuan at bigla itong bumukas kahit wala naman ibang tao sa loob maliban sa lalaking nananatiling nakaupo sa isang upuan katapat ng isang malaking piano.

Lumingon ito sa direksyon ko ngunit hindi ako nakaramdam man lang ng kaba o takot bagkus ay naramdaman ko ang galak at tuwa habang nakatingin ako sa kanya.

Para akong hinahatak palapit ng kanyang mga tingin at di ko namalayang nakaupo na pala ako sa tabi niya. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha, tanging ang mga pula at singkit niyang mga mata lang ang aking nakikita.

----

Agad akong napadilat nang marinig ang malakas na busina ng sinasakyan kong taxi. "Ma'am, nandito na po tayo." sambit ng driver sa akin at tulala naman akong nakatingin lang sa kanya.

Hanggang ngayon ay nagtataka ako sa mga panaginip ko? Bakit sa tuwing mananaginip ako lagi na lang naroon ang lalaking 'yon? Tyaka, laging ang mga mata niya lang ang aking nakikita.

Sino kaya siya?

Pakiramdam ko, totoo siya.....

Hindi ko na lamang iyon inalala at nag-abot ng bayad kay manong. "Maraming salamat ho!" sabi ko bago bumaba ng sasakyan. Kinuha ko naman ang mga dala ko sa compartment at kaagad namang umalis ang taxi pagkatapos.

Nasa tapat ako ngayon ng isang tahanan na gawa sa kahoy at kasalukuyan ko itong pinagmamasdan mula sa labas. Mahahalatang may kalumaan na ito dahil sa mga naglilitawang biyak sa pader nito.

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang tawagin ako ng isang matandang lalaki, ang caretaker ng bahay. Sa totoo lang, nandito ako sa lugar na ito upang alamin ang mga kababalaghang nababalitaan namin tungkol sa bahay na ito.

Isa akong news writer at na-assign ako sa task na ito. Himala talaga na nagkaroon ako ng tyansa na makapunta rito at mag-stay in ng isang gabi.

Marami kaseng mga sikat na blogger at mga news writer na katulad ko ang sumubok na magpaalam na mag-stay in sa lugar na ito ngunit hindi sila pinapayagan ng may-ari kaya naman nakakapagtaka na kakapaalam ko lamang ay agad akong pinayagan nito.

Favoritism.

Napabaling naman ang tingin ko sa isang matanda nang salubungin ako nito. "Iha, ikaw ba ang tutuloy dito ngayong gabi?" agad niyang tanong at tumango naman ako.

"Opo. Ako nga pala si Angelica Marin. Isa po akong news writer sa isang publishing corp. Nice to meet you po." pagpapakilala ko naman at nakipagkamay pa sa kanya.

Tinanggap niya naman ito at nagpakilala rin. "Masaya rin akong makilala ka, Agath---este Angelica. Ako si Fernando Juanco, mas kilala akong Nando bilang tagapangalaga ng mansion." mahabang sabi niya naman at inaya na akong pumasok sa loob.

I wonder kung anong salita ang nabanggit niya kanina?

Umakyat kami sa hagdan dahil naroon ang daanan papasok sa loob ng bahay. Bumungad sa akin ang naglalakihang salas at kakaibang kakaiba ang itsura nito sa loob kumpara sa pader na makikita mula sa labas.

"Ikaw ang kauna-unahang tao na nakatungtong sa bahay na ito maliban sa angkan namin. Alam mo ba iyon?" biglang sambit ng matanda at inanyayahan akong maupo.

MY ONE SHIT✓Where stories live. Discover now