Special Shot

200 10 0
                                    

A One Shot story.




Regalo

Nakahiga si Jave sa kaniyang kama, kagigising niya lamang mula sa pagkakatulog.

"Pasko na." singhal niya habang nananatiling nakahiga. "Ayoko talaga ng pasko." dagdag niya pa.

Napagpasiyahan niyang tumayo mula sa pagkakahiga bago dumiretso ng banyo at lumabas ng kwarto pagkatapos.

Ayaw na ayaw niya talaga ang araw na ito dahil sa mga dumaan na pasko ay walang nangyaring maganda sa kaniya, tingin niya ay puro ito kamalasan. Wala kaseng nagreregalo sa kaniya, wala rin siyang mga kaibigan upang makasama para magdiwang at ang mga kasama naman niya sa bahay ay may kanya-kanyang abala.

"Ano kayang pwede kong gawin ngayong araw? Wala naman para sa akin ang pasko kaya magliliwaliw na lang ako." sambit niya sa sarili.

Dumating ang gabi kung saan lahat ng kaniyang mga kapit-bahay ay nagdiriwang ng pasko, naglalakad kase siya sa daan at nakikita ang mga ito. Galing siya sa isang convenience store upang bumili ng mangunguya dahil magliliwaliw nga siya ngayong gabi.

Nasa tapat na siya ng pinto at naalalang sinara niya ito bago umalis ng bahay kaya naman kinuha niya ang susi mula sa bulsa bago ito buksan ngunit kinabahan siya nang mapagtantong bukàs na ang pinto. Huminga naman siya ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.

"SURPRISE!" bungad na sigaw ng mga kamag-anak niya dahilan upang siya'y magulat. Hindi niya mawari kung ano ang magiging reaksyon dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Nadatnan niya na lamang ang sarili na umaagos ang kaniyang mga luha sa pisngi. "Oh? Jave? Bakit ka umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan ang sorpresa namin sa iyo?" nag-aalalang tanong ng kaniyang ina na inaasahan niyang pumasok sa kaniyang trabaho.

"Tears of Joy po siguro." tugon niya naman habang nagpupunas ng kaniyang luha. "Hindi ko po kase akalain na nandito kayo ngayon dahil hindi naman ganito ang senaryo natin noon tuwing pasko." dagdag niya pa at napansin niya namang lumapit sa pwesto nila ang kanyang lola.

"Apo, narito kami dahil nais namin na magkasama-sama tayo ngayong pasko at katulad nga noon ay hindi tayo nagkakasama-sama, napapansin din namin na nagtatampo ka sa amin kaya narito kami ngayon sa harapan mo." mahabang sambit ng kaniyang lola. "Huwag ka mag-alala dahil simula ngayon ay palagi na tayong magkakasama at lagi kang makakatanggap ng sari-saring mga regalo mula sa amin." dagdag pa nito dahilan upang makaramdam ng tuwa si Jave mula sa kanyang puso.

Lubos naman siyang napangiti bago magsalita. "Hindi ko na po kailangan ng mga materyalismong regalo katulad ng ibinibigay ng ibang tao dahil kayo na po ang mismong regalo na ibinigay sa akin ng pasko." buong galak na sambit ni Jave bago sila yakapin.

"Huwag mong kakalimutan na mahal ka namin, anak." sabi naman ng kaniyang ina habang nakayakap sila sa isa't-isa.

"Mahal ko rin po kayo." tugon naman ni Jave.

Simula noon, nag-iba na ang tingin ni Jave sa sariling depinisyon niya ng pasko. Hindi lamang ito tungkol sa pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo bagkus ay simbolo rin ito ng pagmamahalan ng bawat pamilya sa mundo.





See you next update! 💕
---------------------------------------------------------

If you like this One shot, don't forget to vote, comment and share!

Comment and feedbacks about this One shot is allowed. I need your opinions! Thank you!

===Edited===

MY ONE SHIT✓Where stories live. Discover now