Shot 7

188 9 0
                                    

A Long Short story.






Shot 7: Desire

Nasa sementeryo ako ngayon at kasalukuyang ipinapasok na ang mga kabaong ng mga magulang ko sa loob ng nitso.

Patuloy pa rin ang pagdaloy ng aking mga luha sa pisngi habang humihikbi. Dinadamayan naman ako ng mga tiyahin ko na dumalo sa libing.

Natapos ang libing ay inaya na ako ng mga kamag-anak kong umuwi at bago pa man ako makasakay sa sasakyan ay may biglang lumapit na isang lalaki sa akin.

"Sorry for the nuisance. Can I talk to Ms. Jane for a minute?" magalang na tanong nito sa mga tiyahin ko.

Tiningnan naman nila ako at tumango na lang ako bago sumunod sa lalaki. Nasa ilalim kami ngayon ng isang puno at naupo sa isa sa mga bench doon.

"A-ano pong k-kailangan niyo s-sa'kin?" utal na tanong ko habang pinapatahan ang sarili mula sa pagkakaiyak.

"Ms. Jane, I'm the assigned investigator that is looking after the incident of your parents. Here's my identity card." panimula niya at binigay sa akin ang card.

Tinanggap ko naman iyon at tiningnan. "Bakit po may pulis na involve? Diba po aksidente ang nangyari?" takang tanong ko naman habang hawak ang identity card niya.

"No, iha. May kutob ako na hindi aksidente ang nangyari sa mga magulang mo." desididong sabi niya at nakaramdam naman ako ng kaba.

Hindi maaari.....

Napailing-iling naman ako na para bang hindi ko pinaniniwalaan ang mga sinasabi niya at mukang maiiyak muli.

"Please don't cry, Ms. Jane. Kung totoo man na hindi aksidente ang nangyari, hayaan mo na tulungan kitang makamit ang hustisya sa pagkawala ng mga magulang mo." pagpapatahan niya sa akin at pinunas-punasan ko naman ang mga luha sa pisngi ko.

"Anyway, can I get your number? I need to be keep in touch with you while I'm investigating the incident if it's fine to you?" mahabang tanong niya naman at iniabot ang phone niya sa akin.

Tumango naman ako bago tanggapin ang phone at sinave ang number ko. Ibinalik ko na muli sa kanya ang phone pagkatapos. Napagpasyahan naman na namin na tapusin na ang usapan at sabay na kaming naglakad pabalik sa sasakyan.

"I guess, you'll be fine here so I can go now. Condolence." paalam niya at dali-daling umalis.

Sumakay naman na ako sa sasakyan at tulalang nakatingin lamang sa bintana hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.

------

Nagising ako dahil sa pagyugyog sa akin ng pinsan ko. "Jane, gising na. Nandito na tayo." sambit nito at napatingin naman ako sa bintana.

Totoo ngang nakauwi na kami.

Napabuntong hininga pa ako bago tumayo sa pwesto ko at bumaba ng sasakyan. Napatitig naman ako sa kabuuan ng bahay kung saan ako lumaki kasama ang mga magulang ko.

Iisipin ko pa lamang na wala na sila ay naiiyak na ako. Hindi ko lubos maisip na mawawala lang sila ng ganon ganon lang. Simula ng ampunin nila ako, sa kanila na umikot ang buhay ko at sila ang nag-iisang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon sa mundong ito.

Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob at nagsipag pahinga. Ako naman ay dumiretso sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.

Pagod na pagod yung katawan ko dahil sa kakaiyak kaya naman pakiramdam ko ay inaantok ako.

------

Kinabukasan, bumangon ako ng maaga upang pumasok sa eskwelahan. Ayaw sana akong papasukin nila tita ngunit ako ang nagpumilit na pumasok.

MY ONE SHIT✓Where stories live. Discover now