Shot 9

151 9 0
                                    

Warning⚠️⚠️⚠️
Sensitive words/scenes ahead!

A One Shot story.




Shot 9: Mobile Legends

Kasalukuyang naglalaro si Miguel ng mobile legends habang nanonood ng balita kasama ang pamilya.

"You have been slain!" sambit ng nagsasalita mula sa kanyang nilalaro at inis naman siyang napasinghal.

"Hoy, ikaw. Kung maggaganyan ka lang dyan, wag ka ng maglaro. Loss streak ka naman." may halong inis na sermon sa kanya ng nakatatandang kapatid.

Hindi niya naman ito pinansin at naglaro muli. Maya-maya lamang ay napatigil siya sa paglalaro nang marinig ang sinabi ng nagbabalita mula sa telebisyon.

"Isang dalaga ang natagpuang patay sa harap ng isang bahay ilang araw lamang ang nakakalipas. Inakalang tumalon ito mula sa itaas ng abandonadong bahay na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay." pagbabalita ng isang reporter mula sa telebisyon na nakakuha ng atensyon ni Miguel.

"Kawawa naman yung dalaga, mukang bata pa. Bakit kaya siya nagpakamatay?" naaawang sabi naman ng Lolo ni Miguel.

Hindi naman kumikibo si Miguel at agad na pumasok sa kaniyang isip ang kaniyang mga ginawa nung araw na iyon.

-------

*Flashback*

Kasalukuyang naglalakad ang magkasintahan papunta sa lugar na hindi nalalaman ng babae. Ang sabi kase ng kasintahan nito na may sorpresa ito sa kanya.

Nakarating sila sa isang tahimik na lugar at pumasok sa may abandonadong bahay. Pinaupo ng lalaki ang kasintahan at sinabing may kukunin lang ito saglit.

Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik ang lalaki. Nagsisimula ng mag-alala ang dalaga sa kasintahan at akmang tatayo na siya mula sa kanyang pwesto nang may biglang pumasok sa kwarto kung nasaan siya.

Nagtaka ang dalaga at kinilala ang mga ito. Napagtanto niyang mga kaibigan ito ng kaniyang kasintahan kaya naman agad siyang lumapit sa mga ito upang tanungin kung nasaan ang lalaki.

Nagtinginan lamang ang dalawang lalaki at nagngisian sa isa't-isa. Dito na napagtanto ng dalaga na may masamang balak ang mga ito sa kaniya.

Nagulat ang dalaga nang bigla na lamang siya tinakpan ng mga ito sa bibig at binuhat papunta sa kabilang kwarto. Nilock naman ng kasama nito ang pinto nang makapasok na sila.

Hindi na nagsayang ng oras ang dalawang lalaki at sinimulan ang balak sa dalaga. Nasa kabilang kwarto naman si Miguel at naglalaro lamang ito ng mobile legends habang naghihintay na matapos ang ginagawa nila.

Natapos ang pagtatangka ng dalawang lalaki sa dalaga ay pumasok na si Miguel sa kwarto kung saan nangyari ang kahayupang ginawa nila sa dalaga.

Naabutan niyang wala ng saplot ang kasintahan at nakitang nagbibihis ng damit ang dalawang kaibigan.

"Pre, hindi mo sinabing virgin pa pala itong jowa mo. Akala ba naman namin nakascore ka na sa kanya, ang tagal niyo ng magkarelasyon pero wala man lang nangyari?" dismayadong sambit ng kaibigan kay Miguel.

"Tsk. Huwag nga kayong paepal dyan. Pasalamat ka na lang, pinauna ko kayo." inis na sabi naman ni Miguel sa mga kaibigan.

"Oh eto, ayan yung email tyaka password ng ml ko. Sayo na 'yan, mataas na rank niyan." sabi pa ng kaibigan at iniabot sa kaniya ang papel na may sulat.

"Sige na, pre. Una na kami, enjoy ka dyan." pahabol pa nung isa bago tuluyang makalabas ng kwarto.

Napangisi naman si Miguel at hinarap ang kasintahan. Kasalukuyan itong walang malay, puno ng pasa at sugat ang katawan. Binalewala lamang ito ni Miguel at itinuloy ang balak sa dalaga.

------

Naglalakad ang dalaga paakyat ng hagdanan sa loob ng abandonadong bahay. Malinaw pa sa kanyang isip ang mga kahayupang ginawa sa kanya ng kanyang kasintahan at ng mga kaibigan nito.

Hindi niya lubos maisip na kayang gawin sa kanya ng mga taong pinagkakatiwalaan niya ang kahayupang iyon. Tinatanong niya ang sarili, ano bang nagawa kong mali upang ganituhin nila ako?

Sobrang pinandidirihan niya ang sarili dahil sa nangyari. Hindi niya mawari ngunit ito lamang ang nalalaman niyang paraan upang mawala ang sakit na kaniyang nararamdaman.

Nakarating na siya sa pinakatuktok ng bahay at walang pagdadalawang isip na tumalon. Sa wakas, matatapos na rin ang kaniyang pagdurusa.

*End of Flashback*

------

Nabalik sa reyalidad si Miguel nang may kumatok mula sa pinto ng kanilang bahay. "Anong kailangan nila?" tanong ng Lolo ni Miguel sa mga ito.

"Mga pulis po kami. Dito po ba nakatira si Sir Miguel Lazaro?" tanong naman ng mga ito.






See you next update! 💕
______________________________________

This One Shot is suggested by my siblings! Hindi ko na iisa-isahin, marami kami. (⁠ᗒ⁠ᗩ⁠ᗕ⁠)

Thank you for your suggestion and for the Nice title! Love it!

---------------------------------------------------------

If you like this One shot, don't forget to vote, comment and share!

Comment and feedbacks about this One shot is allowed. I need your opinions! Thank you!

===Edited===

MY ONE SHIT✓Where stories live. Discover now