Chapter 26

4.6K 59 7
                                    

5 DAYS BEFORE GRADUATION DAY

"Oh, nakahanda na ba ang lahat?" tanong ni Troye habang nasa tapat kami ng aming bahay.

Ito ang araw na magta-travel kami papunta sa Malapascua Island sa Cebu kung saan naninirahan si Yumi.

"Ready na! Si Keith mukhang hindi pa, eh. Nakasuot pa ng pajama," wika ni Aiden habang kinakamot ang kanyang batok.

Nakatabi sa gilid ng kalsada ang mga sasakyan na gagamitin. Nag-arkila na lamang ng driver sina Troye at Rian dahil walang magmamaneho ng sasakyan ni Troye pabalik sa kanilang bahay.

"Magpapaiwan ako," saad ko kay Aiden. "May gagawin pa kasi ako dito. Pero susunod ako sa inyo. Alam na nila Tobi ang gagawin pagkarating ninyo doon," dagdag ko pa.

"Okay," ani Aiden at nagkibit-balikat pa ito.

Lumapit si Sabrina sa akin na may ngiti sa kanyang labi, pagkatapos ay niyakap niya ako. "Congrats, Keith. This is it na talaga," aniya nang humiwalay.

"Salamat, Sab. Congrats rin sa'yo. Siguradong Suma Cum Laude ka," ngiti ko naman sa kanya.

"Thank you," aniya naman. "Akala ko ga-graduate akong single. Mukhang hindi na pala," ani Sab. "May ka-talking stage ako ngayon. Sana tumagal." Nag-fingers crossed si Sab.

"Kilalanin mo lang ng maayos at huwag magpapatianod kaagad sa matatamis na salita," paalala ko sa kanya.

"Yes, sir," aniya naman.

Lumapit ako kay Troye na kasalukuyang inaayossa trunk ng van ang mga gamit pang-grill na hiniram nila sa kay mommy.

"Troye," sambit ko sa kanyang pangalan. "Ikaw na ang bahala. Hindi alam ni Yumi 'yong surpresa ko sa kanya. Basta ang alam niya, pupunta tayo doon para mag-travel at bisitahin siya," wika ko.

"All good, Keith. Alam na namin ang gagawin. Hihintayin ka na lang namin doon. Pagdating mo, nakahanda na ang lahat," saad ni Troye sa akin.

"Maraming salamat," ngiti ko sa kanya at saka niya tinapik ang balikat ko.

"Sigurado akong papayag si Yumi sa proposal mo."

"Malakas ang pakiramdam kong tama ka sa sinabi mo," pagsang-ayon ko.

"Sige na, mauna na kami. Hindi na makapaghintay 'yong mga girls. Alam mo naman silang tatlo."

"Sige. Mag-iingat kayo," wika ko.

Sinara ni Troye ang trunk ng van at saka sila nagsipasukan sa loob ng sasakyan. Dalawang van ang dala nila. Sumilip si Dani at Aiden sa bintana ng van at kumaway sa akin.

"Bye, Keith! See you later!" paalam ni Dani sa akin.

"Laters, brother!" ani Aiden. Kumaway rin ako sa kanila at pagkatapos ay sinara na nila ang mga bintana at tuluyan nang umalis.

Pumasok ako sa loob ng bahay at nilapitan si dad na nakatayo pala sa bungad ng pinto at pinapanood kami ng mga kaibigan ko. May ngiting nakaukit sa labi ni dad kaya naman ngumiti rin ako sa kanya.

"This is it, anak?" tanong ni dad sa akin nang makalapit ako sa kanya.

"Opo, dad. I'm gonna propose to her today," wika ko na may halong pagmamalaki sa tono ng aking boses.

"Good luck, my son. Ang advance congratulations sa upcoming graduation mo," proud na sambit ni daddy sa akin and I couldn't be more happier.

Pumasa ako sa final exams namin last month gaya ng inasahan ko. Muntik pang hindi makasama sa listahan ng mga graduates si Aiden dahil bagsak iyong isang major subject niya. Humingi siya ng pagkakataon sa kanyang professor na mahila niya iyong grade niya. Mabuti na lamang ay mabait 'yong professor niya kaya sabay-sabay kaming ga-graduate kagaya ng pinangako namin sa isa't isa.

When The Moonlight Kissed The SeaWhere stories live. Discover now