Chapter 11

4.2K 65 12
                                    

NAPAMULAT NG mabilis ang aking mga mata nang marinig ko ang tunog ng aking alarm sa phone. Inaantok kong kinusot ang aking mga mata bago ko inabot iyong phone na naka-charge pa rin sa may bedside table. Nang maabot ko iyon ay saka ko tiningnan ang oras habang nakasingkit ang mga mata ko.

Seven AM ang nakasaad sa screen ng phone.

Pinilit ko talagang makatulog dahil kailangan kong magmukhang fresh at hindi mukhang napuyat kakagawa ng thesis. Ayokong mapahiya kay Yumi sa unang meet up namin. Alam kong may hitsura ako at hindi ko naman iyon ipinagmamayabang. Sadyang natotorpe lamang ako ngayon dahil sa amazing girl na imi-meet ko mamaya.

Umupo ako at naisipang i-message si Yumi. Hindi pa nga pala namin alam kung saan kami pupunta bukod sa pag-stroll sa mall at kung anong oras kami magkikita. Naisip ko kung tatanungin ko ang mga boys kung saan ang magandang place para ma-impress si Miss Panda.

Napamura na naman ako sa aking isipan dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto ko sana na ako ang dumiskarte nito kaya naisipan kong mag-browse ng mga lugar around Manila kung saan pwedeng i-meet si Yumi. Iyong safe na lugar at siguradong matutuwa siya.

Habang nagba-browse ako ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bahagyang binuksan ng taong kumatok ang pinto.

"Kuya, pahiram ng polo. Aalis ako," wika ni Jude habang nakasilip ang kalahati ng kanyang mukha sa siwang.

"Ang dami mong damit, ah." Naupo ako sa edge ng kama paharap sa kolokoy kong kapatid.

"Jacket na lang, 'yong Monte Carlo."

"Nasa Pilipinas ka, baliw. Walang winter dito at huwag ka nang umasa na ipapahiram ko 'yon. Mahal pa sa buhay mo 'yon," wika ko. "Teka, saan ka ba pupunta?"

"Magde-date kami ng girlfriend ko."

"Saan?" kunot-noo kong tanong.

Mabuti pa itong si kolokoy mayroong strategy. Mukhang supladong tahimik lamang itong si Jude pero alam namin nila mommy at dad na mabuting tao at mapagmahal siya. Minsan naiisip ko kung kuya ba talaga ang turing nitong kolokoy na 'to sa akin. Ang importante naman sa akin ay pinalaki kaming maayos nila mommy.

"'Yong phone mo nagri-ring," ani Jude. Pagkasabi niya niyon ay sinara na niya ang pinto. Mabilis naman akong napatingin sa aking phone sa tabi ko.

Nang tingnan ko ang screen ng phone at mapagsino iyong tumatawag ay tila ba magre-report ako sa harapan ng klase dahil sa kaba.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sinagot agad ang tawag. "Good morning, Miss Panda."

"Good morning, Keith," bati ng magandang dilag sa kabilang linya. Boses pa lamang ay nakaka-in love na. Paano pa kaya mamaya kapag nagkita na kami?

"Kumusta ang tulog mo? Ang aga mo nagising, ah," wika ko.

"Ah, oo. Si mama kasi naghanda na ng almusal. Ngayon ko lang sila nakasama uli kaya sinusulit ko rin ang pagkakataon," aniya sabay hikab.

"Matulog ka pa mamaya kapag natapos na kayong kumain ng almusal."

Kasi ayaw kitang napupuyat, dagdag ko pa sana kaso hindi pa pwede. Ayokong ma-weirdo-han siya sa akin. Napabuntong-hininga tuloy ako.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. Marahil ay narinig niya ang pagbuntong-hininga ko.

"I'm okay. Anong oras ka nga pala pwede mamaya? May prefer ka bang lugar kung saan mo gustong magkita tayo?"

"Okay lang ba kung mamayang six ng gabi? Aalis pa kasi kami nila mama maya-maya, eh," sagot ni Yumi.

"No problem, Miss Panda. Wala naman akong gagawin. Hihintayin na lang kita," nakangiti kong sabi.

Mukha akong tanga dahil kahit hindi niya ako nakikita ay nakangiti pa rin ako sa kahit anong mga salitang lalabas sa kanyang magandang bibig.

"Thank you, Keith. Magkita na lang tayo sa mall? Wala rin kasi akong alam puntahan. Wala naman problema sa'kin kung saan tayo magkikita. Ngayon na lang din kasi ako nakabalik dito. Alam mo naman busy sa beach."

"No worries. Message ko na lang mamaya sa'yo kung saan tayo magkikita," suhestiyon ko.

"Okay."

"Yumi," tawag ko sa kanyang pangalan.

"Yes, Keith?"

"I'm excited to meet you," wika ko at napakagat pa ako sa aking labi.

Hindi ko na kinaya. Kailangan ko nang maiparamdam sa kanya na interesado talaga ako sa kanya kahit sa ganoong simpleng salita lang.

"Me too. See you soon, Keith," ani Yumi. Ramdam ko sa tono ng kanyang boses ang lambing. Hindi ko na maitago ang kilig. "Teka, tawag lang ako saglit sa labas," aniya.

"See you soon din, Yumi. Laters," sambit ko. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti rin siya bago niya binaba ang tawag.

Pabagsak akong humiga sa kama at tumulala na naman sa ceiling. I'm going to meet her in a few hours. And with that, umupo ulit ako ng mabilis at ni-dial ang phone number ni Troye. Matapos ang tatlong ring ay sinagot niya ito.

"Bro, saan pwedeng pumunta sa first date?" Wala nang 'hello' o 'hi', rekta na agad sa pagtatanong.

"Grabe, wala man lang kumustahan. Mukhang magkikita na kayo ng kausap mo, ah."

"Oo, mamayang six PM pa. Natatanga ako. Hindi ko alam kung saan kami pwedeng magkita. May mai-su-suggest ka ba, bro?"

"Hmm, hindi ka mapapahiya kung sa restaurant mo siya dadalhin."

"Naisip ko na 'yan, kaso ang cliché masyado kung sa resto."

"Teka, may bagong art gallery na magbubukas mamayang four ng hapon 'di kalayuan sa school. Doon mo kaya siya i-meet para may mapag-usapan rin kayo?" suhestiyon ni Troye.

"Ayon! Thanks, bro!" sambit ko.

Nagmamadali talaga ako, ewan ko ba. Dahil siguro ito sa excitement na nararamdaman ng buong katawan ko. Magsasalita pa sana si Troye kaso naibaba ko na dahil sa excitement.

Tumayo ako at patakbong lumapit sa closet ko. Pinasadahan ko ang mga damit na naka-hanger. Nang makapili ay inilabas ko ang puting polo ko na long sleeves at black pants para semi-formal ang dating ko dahil art gallery naman iyong pupuntahan namin. Isinampay ko ang hanger ng damit sa knob ng closet pati na ang pants. Hinablot ko ang phone sa kama at nag-compose ako ng message kay Yumi.

From: Keith
Miss Panda, wear semi-formal clothes, sa art gallery tayo mag-meet. Malapit lang 'yon sa school ko. I can pick you up para sabay na tayong pumunta doon sa venue.

Then I pressed the send button.

Hinagis ko ng marahan ang phone sa kama. Lumakad ako papunta sa banyo para makaligo na. Hahawakan ko na sana ang doorknob para buksan ang pinto ng banyo nang biglang tumunog ang phone ko. Napatakbo ako pabalik sa edge ng kama at saka hinablot ang phone ko dahil sa excitement. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng nag-message sa akin. It's from Yumi.

From: Miss Panda
Okay. :) Nabanggit mo na sa akin yung school mo. Doon na lang sana ako magpapasundo. See you soon :)

Nag-dive ako sa aking kama at sumigaw doon para kulob at hindi maalarma si mommy sa ibaba. Then, I composed a response to her.

From: Keith
Text or call me kapag nandoon ka na. Can't wait to see you. :)

Ang landi ko, 'tangina, wika ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng kwarto at nakita si mommy at dad na nasa dining area na nag-aalmusal.

"Himala. Bakit ang aga mong nagising? Kanino ka anak?" tanong ni dad nang tabihan ko si mommy sa hapagkainan.

"Dad, ang gwapo mo talaga," wika ko habang kumukuha ng loaf bread na nakahain sa mesa.

Muntik nang maibuga ni Dad ang kapeng iniinom niya. "Ma, anong nakain ng anak mo?" nagtatakang tanong ni dad kay mommy.

"In love 'yang panganay mo, dad," simpleng sagot ni mommy bago niya isubo ang toasted banana bread na ni-bake niya.

Tinapunan ako ng tingin ni daddy hanggang sa tumawa ito at umiling habang inaabot ang bacon na katabi ng loaf bread.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon