Chapter 14

4.3K 80 5
                                    

PARA BANG nakasalalay ang buhay ko sa pagkapit ni Yumi sa braso ko.

Pagkatapos kasi niyang magpasalamat sa akin sa pagdala ko sa kanya rito sa art gallery ay kumapit na siya sa aking braso. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung pwedeng ganito na lamang kami hanggang mamaya ngunit baka ma-awkward naman siya at ma-conscious.

Tiningnan namin isa-isa iyong mga paintings. Syempre, hinayaan ko siyang titigan ang mga iyon. Kinalas niya ang pagkakakapit sa aking braso at maligaya niyang nilapitan ang painting ng isang reyna. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kaligaya sa kanyang mga nakikitang obra. Nasa likod niya lamang ako habang siya naman ay nakatitig sa painting ni Queen Elizabeth I.

"Alam mo ba kung bakit ganyan ang hitsura ni Queen Elizabeth I?" tanong niya sa'kin habang nakatitig siya sa painting. Tumabi naman ako sa kanya para tingnan ng maayos ang reyna.

Sa katunayan, nasa tabi ko na ang reyna ko. Segway ko lang.

"Tell me," I said.

"She used mercury as her makeup para itago ang imperfections sa mukha niya. Even her lipstick. Sobrang na-damage ang mukha niya dahil sa mercury kasi poisonous 'yon. She even used a wig to cover her balding head. Dahil sa poison ng mercury kaya siya namatay. But she made sure na mapapatawan ng punishment si Mary, Queen of Scots, for treason, who, at that time ay nagkaroon ng anak na lalaki. Mary was beheaded as per Queen Elizabeth's command. But Mary had the best revenge. Matapos ng kanyang pagkamatay ay naging hari ang anak niya." Itinuro ni Yumi ang katabing painting ni Queen Elizabeth I. "Si King James VI na naging hari ng England, Scotland, at Ireland."

Napatitig na lamang ako sa kanya dahil sa amazement. She is really into royals. Hindi na ako magtataka kung bakit napaka-classy ni Yumi sa kanyang dress at ribbon. Posible bang ma-in love ng ganito kabilis? I admire her intelligence about something that she has a passion for.

"Thank you, Miss Panda, for sharing your knowledge about their history."

Syempre, dapat polite. Ayokong mapahiya sa amazing girl na kasama ko ngayon.

Tumingin-tingin pa kami sa iba pang mga paintings at natawa ako when she asked me to take photos of her with the paintings as the background. Tumalikod siya sa akin habang nakatingin sa isang painting. Napaka-aesthetic tuloy niyang tingnan. Ang ganda ng wavy hair niya at bagay na bagay sa kanya iyong ribbon na suot niya sa kanyang buhok. Isama na rin ang suot niyang dress. Simple pero elegante. Everything about her is perfect for me.

"Keith, kuhanin mo rin ako dito!" Nagmamadali siyang tumabi sa isang statue ng isang babae at ginaya ang pose nito. Natawa ako kasi kuhang-kuha niya. Mahilig nga talaga siya sa mga ganitong lugar.

"Okay na, Miss Panda. Saan mo pa gusto?" nakangiti kong tanong habang hawak ko ang phone ko. Pasimple lamang ako dito pero feeling boyfriend ang dating ko ngayon at kinukuhanan ng pictures ang aking girlfriend.

How I wish na maging akin si Yumi.

"Doon!" turo niya sa isa na namang painting ng mga emperors at empresses. Hinayaan ko siya sa kanyang kaligayahan habang nakangiti akong pinapanood siya at kumukuha ng photos niya. May mga candid photos siya na sigurado akong magugustuhan niya.

Umabot kami ng isa't kalahating oras sa art gallery at napagpasyahang umalis na. Nagtatawanan kaming dalawa sa paglabas namin sa building ng art gallery.

"Akala ko madudulas ako doon sa loob. Hindi ko alam na basa pala 'yong sahig," tumatawang wika ni Yumi.

"Mag-ingat ka kasi sa susunod. Paano kung wala ako doon?" May bahid man ng pag-aalala ang aking boses ay nagawa ko pa ring ngumiti para hindi siya mahiya sa akin.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon