Chapter 9

4.3K 60 4
                                    

SI SABRINA iyong tipo ng tao na diretso kung magsalita. Walang filter. In short, prangka. Ngunit pagdating sa akin, napapansin ko na medyo pinipili niya ang kanyang mga sinasabi.

Pagkauwi ko sa bahay ay hindi pa rin mawala sa isip ko iyong gustong sabihin sa'kin ni Sab. Ite-text naman niya ako kung urgent. What is taking her so long now?

Sa sobrang invested ko sa aking iniisip ay nagitla ako nang tumunog ang aking phone na naka-charge sa bedside table. Napamura pa ako sa aking isip dahil sa gulat.

Dumapa ako sa kama at pagapang na lumapit sa may bedside table. Inabot ko iyong aking phone at tinanggal sa pagkakasaksak sa charger. Hinayaan ko na munang nakasaksak sa socket iyong charger dahil icha-charge ko ulit ang phone ko mamaya.

I tapped the screen of my phone twice. Bumukas ang screen nito at bumungad sa akin ang magandang babae sa aking wallpaper. Napangiti ako nang makita na may message ako galing kay Yumi. I hastily opened the message and read it.

From: Miss Panda
Hi, Keith. Nasa Manila na ako. Thanks sa concern kanina. Nakadating naman ako ng safe sa bahay. Thank you. :)

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ni-dial ko kaagad ang kanyang phone number. Matapos ang tatlong ring ay sinagot niya ang aking tawag.

"Hi, Miss Panda. Just making sure na safe ka nakauwi," panimula ko.

Hindi magkamayaw ang puso ko sa aking dibdib. Tila gusto nitong makawala dahil sa naghalong excitement at kaba. Pakiramdam ko ay kada usap namin ay parang first time palagi. Just thinking about Yumi makes me happy.

Natawa si Yumi ng mahinhin. "Yes, nakadating po ako ng maayos," aniya sa kabilang niya.

"Mabuti naman. Kumusta 'yong byahe mo? Siguradong pagod ka. Mamaya nasuka ka sa byahe," pambibiro ko.

"Uy, hindi, ah. Sanay naman ako sa byahe. Pero nakakapagod rin kahit nakaupo lang," paliwanag ni Yumi. "Ikaw, Keith, how's your day?"

Nagtatalo ang isip ko kung pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol kay Andrea. Labas naman si Yumi sa issue na 'yon kaya hindi na niya dapat pang malaman. At kung sasabihin ko pa sa kanya ay baka ma-turn off lamang siya sa akin. Bawas pogi points pa kung sakali.

"Okay naman. Medyo busy sa school dahil sa upcoming finals. Kailangang pumasa. Syempre may pangarap," sagot ko sa kanyang tanong.

"Maganda 'yan, hindi pabaya sa pag-aaral. May mararating 'yong mga taong may pangarap," sang-ayon ni Yumi sa akin.

Two points!

Umarko ang magkabilang gilid ng aking labi dahil umaayon sa akin ang lahat ng pagkakataon para mapaibig ko si Yumi. Mas lalo kong naramdaman ang determinasyon na maging akin siya.

Kung anu-anong mga ideya ang pumapasok sa isip ko— kung paano ko pa mapapabango ang pangalan ko kay Yumi.

"Tama ka diyan, Miss Panda," wika ko. Tumihaya ako at tumingin sa labas ng nakabukas na bintana sa kwarto. Maraming stars ang kumukutitap sa madilim na kalangitan. Mukhang pati ang universe ay umaayon sa tadhana naming dalawa ni Yumi.

"Teka, kumain ka na ba?" tanong ko kay Yumi.

"Oo, kumain kami sa labas ng parents ko kanina. Na-miss daw nila ako kaya nagyaya si papa na kumain," sagot naman niya.

When The Moonlight Kissed The SeaWhere stories live. Discover now