Chapter 14 - The Awkward Phase

14.4K 243 11
                                    

Kitang kita ni Roxanne ang fondness sa mukha ng lalaki habang nag lalaro ang mga bata sa harap nila. Palakpak ito ng palakpak at todo ang ngiti. Natatawa na rin sya.

Hindi nya akalain na doon pa sila ulit magkikita. Siguro ay doon din ito naka tira, sa building na iyon. Parang nagsisisi tuloy sya at parang ini-snob nya ito noon. Pero ang weird naman kasi ng lalaki. Bigla syang kakausapin out of the blue.

Nilaro nya na lang si Raven. Gigil na gigil sya rito, since na miss nya talaga ito ng todo. Mukhang mapapadalas sya roon, bukod pa sa bibisitahin nya si Raven ay magvovolunteer na rin sya pag pwede sya. Na excite sya sa naisip.

Ilang sandali pa at oras na para kumain ang mga bata. Guess what? Tumulong ang lalaki mag abot ng mga plato sa mga kakain. Hindi nito alam kung gaano ka cool ang tingin nya rito sa mga oras na iyon. Halatang giliw na giliw ito.

Pakiramdam nya ay natutunaw sya sa nakikitang ginagawa ng lalaki. Parang crush nya na nga ito. Ano ba? Natawa sya sa sarili.

"Roxanne, ako na lang magkakarga kay Raven. Ikuha mo na lang tayo ng pagkain." Sabi ni Elisa na katabi nya. May karga rin ito'ng bata na ka edad lang din ni Raven. Matanda lang ito ng isa'ng taon sa kanya at two years na daw syang volunteer.

"Sige. Salamat." Sabi nya. Ibinigay nya rito si Raven at pumila.

Habang papalapit sya sa kuhaan ng plato, which is ang pinaka unang kukunin, hindi nya mapigilan ngumiti. Nagkakangitian at nagkaka tinginan na sila, at ng malapit na sya ay kinausap sya nito.

"Hi. Volunteer ka pala." Sabi nito.

"Actually, ngayon lang, pero kapag may time ako, mag vovolunteer na rin ako. Small world." Sabi nya.

Nahihiya sya dahil pinagtinginan sila ng iba'ng nasa pila.

"Oo nga eh." He smiled. Parang matutunaw sya sa ngiti nito.

Inabutan na sya nito ng plato.

"Eat well." Sabi pa nito, bago nya ito tuluyang lampas an sa pila.

Hindi mawala wala ang ngiti nya hanggang sa makabalik na sya sa upuan nila ni Elisa. Sabay nilang pinakain ng sopas at friend chicken ang mga bata. Medyo madilim na.

Nag send na lang sya ng message kay Yna na gagabihin sya dahil nga dinalaw nya si Raven. Hindi na sila masyadong nakakapag bonding nito. Minsan nga pakiramdam nya ay nagtatampo na si Yna sa kanya.

Nang tapos na kumain si Raven, sumubo rin sya ng kaunti. Ng maubos nya na nag tira ay nilaro nya na si Raven. Kasalukuyang nag bibigay na ng mga donations ang mga naroon.

May nagbigay ng dalawang service car para sa DSWD, may nagbigay ng pondo para maipaayos at mapaganda ta mapa improve ang play ground, tapos, si Miguel naman, well, nag donate ito ng isa'ng milyon, in check. Naalala nya tuloy si Nikko.

"Hi. Uuwi ka na ba?" Nagulat sya ng muli syang lapitan ng lalaki.

"Oy. Nakakagulat ka naman." Nagulat naman talaga kasi sya. Focus sya kay Raven. "O-oo. Tapos na ba?"

Tumango ito. "You seemed to be very fond with him." Tukoy nit okay Raven.

"Ah, sya? Oo. Alam mo ba na may naglagay kay Raven sa grocery cart namin ng samahan ko yung kakilala ko one time mag grocery? Pinapage namin sya pero walang nag claim." Malungkot nakwento nya.

"Really? Parang destiny na mapunta sa inyo." Sabi nito.

Natawa sya. "Then hayun, after a week, we turned him over here. This is my first time na dinalaw sya after a week." Sabi nya.

"I see. By the way, I'm Miguel." Inilahad nito ang palad nito.

Natawa sya. "I know, sabi ng emcee kanina. I'm Roxanne." Nakipag kamay sya rito. "May condo ka rin ba dun?" Tukoy nya sa una nilang pinagkitaan.

Faking It (Published)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora