Chapter 15 - The Confrontation Phase.

14.6K 170 7
                                    

Matapos ang encounter na iyon ay naisip ni Roxanne na huwag nang masyado'ng maging attached kay Nikko. Unang una, hindi naman sila supposedly dapat maging ganoon ka close.

Yung deal nila na iyon, kaya nya naman gampanan ng hindi sila nagiging close. Tipong kapag kailangan lang sya nito na mag panggap na gf, tsaka lang sya pupunta?

Pangalawa, hindi nya akalain na ganoon ito kayaman, tapos nalaman nya na anak ito ng amo ng parents nya at anak ng may ari ng kumpanya na pinag oo-jt-han nya.

Pangatlo, naiinis sya sa sarili nya. Alam nya sa sarili nya na nagkaka gusto na sya sa lalaki, at ayaw nyang mangyari yun, kaya talagang hindi na sya lalapit dito kung hindi naman kailangan at importante.

"Oh, problema?"

Pinukaw ang kamalayan nya ni Yna. May dala ito'ng dalawang tasa ng kape. Iniabot nito sa kanya ang isa.

"Wala naman."

"Nakakatampo ka na. Tuwing tinatanong kita, palaging wala, okay lang, ek ek." Naka nguso na sabi ng babae.

"Sorry." Mahinang sabi nya.

"Oh, ano nga ang problema kasi?"

"Eh kasi, feeling ko nagkaka gusto na ako kay Nikko." Amin nya.

"What? Talaga? Ngayon pa lang?" Gulat pero natatawa na sabi ni Yna sa kanya. Inilapag nito ang hawak nito'ng tasa. Kasalukuyan sila'ng naka upo sa sahig ng apartment nila.

"Ano'ng ngayon pa lang?"

"Hello! Nakita mo'ng ang gwapo gwapo ni Papa Nikko. Ang cool pa. Mayaman pa. Tapos lagi mo pa'ng kasama. Kala ko noon ka pa me gusto at nag dedeny ka lang." Naiiling na sabi nito.

"Ngek. Hindi no. Eh gusto ko na nga umiwas. Nauurat na ako sa kanya. Ayoko na syang makausap unless kailangan." Sabi nya.

"Oh eh ano ang bala mo ngayon? Eh diba me usapan kayo?"

"Alam ko. Yun na nga eh. Kapag kailangan nya na lang ako, tsaka ko na lang sya kikitain or kakausapin." Sabi nya. Sumimsim din sya sa kape na binigay ni Yna sa kanya.

"Sigurado ka? May chance ka ngang mapaibig sya kung sakali." Malaki ang ngiti na sabi ni Yna.

Bigla syang namula. Bigla nyang naalala ang pag halik sa kanya ng lalaki noong nasa hacienda nito sila. "Actually, may sasabihin pa rin pala ako sayo."

"Ano yun? Ano yun?" Tila na excite si Yna.

"W-we kissed." Amin nya ulit. "P-pero sya yung nauna. I mean, hindi naman ako gumanti or what. Hindi ko kasi namalayan."

Yna's jaw literally dropped. "What?!"

Itinakip nya ang kamay sa mukha nya.

"Oh my God!" Yna exclaimed. "Really? Paano? Ano'ng nangyari?"

Kinwento nya ang nangyari.

"Masarap ba?" Tila kinikilig na tanong ni Yna.

"E-ewan ko." Sagot nya.

"Ang gaga mo ha. Hindi mo alam? Alamin mo. Ikaw naman ang humalik sa kanya. Okay?" Sabi nito.

"Sira ulo ka talaga. Iiwas na nga ako, eh. At oo nga pala, kinausap ako ni Alex nung isa'ng araw. Ramdam ko na naka move on na ako Yna." Masayang sabi nya.

"Mabuti naman. Kagaya ng sinasbai ko sayo, hindi mo deserve ang lalaki na kagaya nya, no. At kita mo naman, lumiliit ka na, bawas na rin ang pimples mo. Grabe. Parang iba'ng tao ka na." Tuwang tuwa na sabi nito.

"B-balak ko nga mamili sa susunod na sweldo." Sweldo kasi ng regular na empleyado ang sinisweldo nya, plus yung pinapadala pa ng nanay at tatay nya na pang bayad sa apartment.

Faking It (Published)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن