Chapter 10 - Everything Nice.

16.3K 265 26
                                    

"P-pasok kayo." Linuwagan nya ang bukas nang pinto. Kinuha nya si Raven kay Nikko at agad itong linawayan.

"Hinid na kita tinawagan. Nakita ko'ng ito'ng nag iisang bahay na bukas ang ilaw eh." Sabi ni Nikko.

Noon din naman ang paglabas nang mag-asawa sa kwarto.

"Nay, tay, si Sir Nikko po." Diniinan nya ang salitang 'sir'.

"M-magandang gabi ho. Pasensya na po kayo sa istorbo." Magalang na sabi ni Nikko.

"Aba'y kalaki mo na nga? Huling beses kitang nakita, trese anyos ka pa lang senyorito." Nakangiting bati ni Rosita.

"Maupo po kayo Senyorito." Sabi naman ni Lando.

Alas dose na nang madaling araw ngunit gising na gising pa rin si Roxanne. Katabi nila nang nanay nya si Raven, samantalang si Nikko naman ay katabi ang tatay nya sa kabilang kwarto.

Ang nanay nya ang nagsabi na roon na lamang matulog si Nikko kung nais nito. Bagamat alam nyang nag atubili ito ay nagulat sya nang pumayag ito. Nagboluntaryo ang tatay nya na sa sofa na lamang matulog ngunit sabi ni Nikko, magtabi na lamang sila.

Payapang natutulog si Raven sa gitna nila nang nanay nya sa kwarto nya. Nakakatuwa dahil napa payag nila si Nikko na matulog kahit alam nyang hindi ito kumportable dahil electric fan lang gamit nila.

Bumalik naman sa hacienda sila Minda at ang driver. Nagulat sya nang biglang umilaw ang cellphone nya. Gising pa ang lalaki, nagtext pa ito kung gising pa daw sya.

Oo gcng pa aq. D ka mk2log? Tanong nya rito.

Mabilis na nagreply si Nikko. Yup, not because it's uncomportable, but it feels so good.

Mukha mo. If I know npilitan ka lng na m2log samin. Reply nya.

No, I'm telli'n the truth. Muli ay text nito.

Watever. M2log kna. Dpat 6am gcng ka na. Sabi nya.

Y? He asked.

Dhil province po i2. Pipol hir wake up as early as 4am! Sabi nya.

Hindi na ito nagreply hanggang sa nakatulog na rin sya.

Kinabukasan, nagising sya sa ingay na tila napakarami ng tao sa kanila. Agad syang bumangon ng makita na wala na sa tabi nya ang nanay nya at si Raven. Nagtali sya ng buhok at lumabas na.

Naabutan nya ang nanay nya na karga si Raven at pinapakain ito, habang si Minda ay nasa kusina. Hindi nya makita ang tatay nya at si Nikko.

"Gising ka nap ala Roxanne. Aba'y tinanghali ka yata ng gising." Bati ng nanay nya na busy sa pag papakain sa bata.

Napakamot sya sa ulo ng makita na pasado alas otso na ang oras sa relo. "Psensya na Nay, medyo napagod ako sa byahe kahapon. Hindi na ako sanay." Pagdadahilan nya. "Asan ho ang tatay? At si Nik- senyorito Nikko?" Muntik na syang madulas.

"Nasa bakuran sila, nagsisibak ng kahoy. Gusto raw matuto ng senyorito. Hindi na namin napigilan. Pumunta na rin sila ng ilog kanina at nangisda."

Napangiwi sya. Ano ang ginagawa nito?

"Kumain ka na dyan, o kung gusto mo ay hinatin mo ang nilagang baka na niluluto ni Minda." Sabi ulit ng nanay nya.

"Nilagang baka?" Nagtataka na sabi nya.

"Nagpadala ang senyorito kay Minda bago ito pinapunta dito. Nako mukhang tuwang tuwa at ignorante sa mga Gawain kaya hinahayaan na namin."

Umiling iling sya. "Hihintayin ko na lang po yung niluluto ni Minda. Miss ko na rin naman kumain ng baka." Sabi nya na tumabi sa nanay nya.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now