Chapter 11 - First Kiss.

14.8K 236 9
                                    

Literal na napa-nganga si Roxanne ng makita ang water fall. Ang linaw ng tubig na binabagsakan nito, halatang may kalaliman at nakaka mangha ang mga bulaklak sa paligid.

"Wow! Ang ganda naman dito!" She exclaimed.

"Oh, dba? Tapos ayaw mo pa sumama." Tila naninisi pa na sabi ni Nikko. Itinali nito sa isa'ng puno ang tali ni Scyte.

"Sa inyo pa rin ba 'to? Hindi ko to alam. Ngayon ko lang to nakita." Mangha pa rin na sabi nya. Madalas din syang pumunta sa Hacienda kapag pinapayagan syang tumulong ng nanay at tatay nya.

Pero hindi talaga sila iminulat sa mga gawain sa hacienda ng nanay at tatay nila ng ate nya. Talagang gusto ng mga ito na mag-aral sila sa Maynila at makatapos ng kolehiyo kaya kung nakita nya man ang lalaki noon ay hindi nya na ito namukhaan.

"Yes, of course. Iilan lang talaga ang may alam nito. Actually, si mommy ang nag preserve nito, before she started her business in Paris so kami na lang nag alaga." Paliwanag nya.

Nilingon ni Roxanne ang lalaki. Nakita nyang lumungkot ang mga mata nito ng mabanggit ang ina.

"And you did a good job." Puri nya rito.

"Is that a compliment?" Tila inosente pa na tanong nito. Bumalik ang sigla ng boses nito.

Ngumuso sya. "Ewan ko sayo." Sabi nya na lang.

"Hindi ka ba maliligo?" Tanong nito maya-maya. Naglakad ito palapit sa falls.

"Baliw ka ba? Pinag suot mo ako ng pajama tapos maliligo? Sira ulo ka pala talaga." Inis na sabi nya. The water looks inviting! Pero wala sa isip nya ang maligo dahil nga sa suot nya.

Tumawa ang lalaki. "Wala ka bang undies?" Tanong nito while starting to undress.

"Ayoko nga! Hoy bastos ka bakit dito ka naghuhubad?" Agad syang tumingin palayo rito. Ilang sandali pa at narinig nya na lang ang splash ng tubig kasabay ng sigaw ng lalaki.

"Roxanneeeeee!" may echo pa na tawag nito. "Ang sarap maligo! Bilis!"

Hindi pa rin sya kumikibo. Nakakabuysit ang lalaking ito. Pinag pajama sya, maliligo pala sila! Sino ba naman ang matutuwa doon diba?

Bago nya pa mamalayan ay nasa likod nya na ito ulit. He's dripping wet, and he only has his green swimming tunks on. Nakakailang talaga.

"Huy, tara na. Ang arte nito!" Kinuha nito ang kamay nya at pilit syang pinapatayo.

"Ikaw na lang nga!" Wala talagang sensitivity ang lalaking ito. Hindi pang model ang katawan nya, hindi ba nito alam na madaming insecurities ang mga tao o babaeng kagaya nya?"

"Tara na kasi! The water is so refreshing!" Sabi pa nito.

Sa inis nya ay tumayo sya. "Wag ka ngang makulit! Hindi ako kagaya ng mga model o artista na naghahabol sayo na basta basta kayang mag hubad at mag two piece! Buysit!" Sabi nya at naglakad papalapit sa falls.

Naramdaman nyang sumunod ang lalaki. "Ang sensitive mo naman! I was just trying to make you appreciate the water." Tila sumeryoso na ang lalaki.

Bumuntong hininga sya.

"Okay, okay. I'm sorry. Maligo ka na lang kahit naka pajama ka. Pwede na yan."

"Ayoko. Sige na, ikaw na lang ang-- aaaaahhhhhh!" Bago nya pa matapos ang sasabihin nya ay nag splash na lang sya sa tubig at narinig nya ang tawa ni Nikko bago rin ito lumusong.

Ang inaakala nyang mababaw na tubig ay hindi maabot ng paa nya. What?

Hindi nga rin pala sya marunong lumagoy!!!!!!!!

Faking It (Published)Where stories live. Discover now