Capitulum 18

162 5 0
                                    

Kahit 8 na ng gabi nag maneho pa rin ako papunta sa kanila, kailangan kong maliwanagan, alam ko may alam din siya. Napansin kong umaambon na pero hindi ko na iniisip 'yon, tanging gusto ko lang malaman ay ang katotohanan, bakit mo gustong umalis ako?

Nandito na ako sa tapat ng bahay niya, nag doorbell ako hoping na sana may sumagot. Ang kaninang ambon ay paunti-unti na lumalakas.

"Ciel!" tawag ko, medyo nilakasan ko na boses ko. Bumukas ang gate nila at nakapayong siya, hindi ko mabasa kung ano ang emosyon niya ngayon.

"Baka magkasakit ka, Amariah." Malambing ang tono ng boses niya, pero hindi ko 'yon inintindi.

"T-Tell me." Nanghihinang sambit ko habang nakayuko ang ulo ko.

"B-Bakit gusto mo akong lumayo?" I clenched my fist and bit my lower lip.

"A-Amariah." tawag lang niya na may pag aalinlangan.

"Just tell me, Ciel! Fuck, Why?!" tumaas na ang boses ko at tumingin sa kaniya, nanlambot naman ang ekspresiyon niya, para bang hindi makapaniwala.

"G-Gusto mo ba talaga, Ciel?" hindi ko na talaga napigilan mabasag ang boses ko, ramdam ko ang pinaghalong ulan at luha na dumadaloy sa mukha ko.

"Oo, Amariah! Ako may kagustuhan no'n!" tumaas na rin ang boses niya at halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, bakit Ciel? Why are you doing this to me?

"Masaya ka na? Oo, ako ang may kagustuhan na lumayo ka pagkatapos nito! Amariah, satingin mo madali rin sa akin 'to? Hindi! Kahit gusto kong makasama ka, wala na akong magagawa!" sigaw niya sa akin habang patuloy na kumakawala ang luha sa mga mata niya, pinunasan niya 'yon.

"I-I like you, Ciel, please, huwag mo naman ako palayuin. If I need to beg you para lang hindi ka lumayo, gagawin ko, j-just tell me." I said with a pleading voice. Halos lumuhod na ako para lang hindi niya ako palayuin.

"Amariah, please, tama na. You making it hard for me." Ramdam ko ang pait sa boses niya habang lumuluha pa rin, nabitawan na niya ang payong niya.

"J-Just go. I'm begging you, Amariah. I'm begging you to let me go and just forget me." She said right through my eyes, ang sakit.

Sobrang sakit. She's begging me to let her go.

"Hindi ko kayo maintindihan ni dad, bakit niyo ginagawa 'to?" may hinanakit kong tanong sa kaniya, I wiped my tears.

"Much better kung wala kang alam, Amariah.” Ngumiti sa akin ng mapait habang pinapahid ang mga luha niya.

"Mas mabuti pang sundin mo nalang ang ama mo." Niyuko niya ang ulo niya habang sinasambit ang mga salita na ‘yon.

Ramdam ko ang panghihina ngayon, sumasakit na masyado ang dibdib ko at ramdam ko ang hapdi sa mga mata ko.

"Bakit ang dali lang sa'yo sabihin 'yan? Hindi ko naman hinihiling na suklian mo ang nararamdaman ko sa'yo pero kahit huwag mo nalang akong palayuan, iniisip ko palang, parang pinapatay na ako." I pointed my chest, wala pa rin siyang sagot at halos iyak lang niya ang naririnig ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait.

"Some things are better left unsaid, Amariah. From now on, let's stop seeing each other. L-Let's be strangers again."

Huling sinabi niya bago siya naglakad papalayo. Naiwan lang ako sa labas ng gate nila na tulala pa rin. Napaluhod nalang ako habang sinasalo ng mga palad ko ang mukha ko. Sabi na nga ba ako rin masasaktan sa huli. Tumayo na ako at pinahid mga luha ko, ang sakit pala. Hindi ko naman hinihiling na gustuhin niya ako pabalik, sana naman huwag niya akong palayuin.

Umuwi akong basang-basa at durog na durog pagkapasok ko sa loob nakita ko si Nanang.

"Oh, anak, ano nangyari sa'yo?" tanong niya at bakas ang pag aalala, niyakap ko siya at umiyak sa kaniya.

"Shh, tahan na anak, ano nangyari?" hinahaplos niya ang likod ko na marahan, nagpatuloy lang ako sa pag iyak.

"Ang...sakit po pala." Nahihirapan kong sambit.

"Gusto ko po siya pero bakit niya ako pinapalayo?" patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang sinasambit ang mga salitang 'yon.

"Minsan, hindi naman nila gusto na palayuin tayo, naiipit lang sila sa mga bagay na hindi nila masabi. Kaya ang ending, nabibitawan nila ang mga salita na hindi dapat. Palipasin mo muna bago mo siya uli kausapin, baka may pinagdadanan lang 'yong tao." Malambing na sabi niya. Humiwalay siya at tinignan ako, she wiped my tears.

"Basta anak, huwag mong isipin na masama silang tao dahil sa nagawa nila, habang hindi mo pa nalalaman ang katotohanan kung bakit nagkaganoon." I nodded my head.

"Osiya, maligo kana baka magkasakit ka pa, basang basa kana, gusto mo ba kumain?" umiling ako, tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko. Naligo ako at pagkatapos ko maligo pumunta muna ako sa balcony.

I can't hate you, Ciel. Kahit na alam kong nabitawan mo mga bagay na 'yon, hindi pa rin kita aayawan.

I will never regret liking you, though it hurts but I still want you.

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now