Capitulum 21

190 5 0
                                    

"Ama....riah." Nahihirapan na usal ni Ciel, agad akong naalarma at lumapit sa kaniya.

"Shh, I'm here, may masakit ba? Tell me, hmm?" tanong ko sa kaniya, marahan kong hinwakan kamay niya.

"I...can't..breath.." sabi niya, agad ako natakot at tumawag ng doktor.

"How is she, doc?" tanong ko, tumingin siya sa akin.

"Nagsisimula na bumigay ang baga niya." Sabi niya, hinaplos ko naman ang pisngi niya ng marahan, you'll be okay, I promise.

"May gusto ka ba? hmm?" nakatingin lang siya sa akin at kitang kita ko ang panghihina niya, pero mas pinakita kong malakas ako para may sandalan siya.

"I'm... sorry.." sambit niya at naglandasan ang mga luha sa mata niya, I wiped her tears gently.

"Shhh, that's okay, I understand you." I calmed her down and gave her assurance.

"I woke up dahil narinig ko boses mo, nandito ka nga." She smile weakly.

"I told you na nandito lang ako, hmm? And, gusto kita samahan kahit ano pa 'yan." I returned the smile, biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Haven at Reese, kahit sila hindi rin makapaniwala.

"Amariah." Usal ni Reese at pinapasok ko sila.

"Alam mo ba Ciel si Amariah biglang sumisigaw sa room namin?" kwento ni Reese at mahinang tumawa lang si Ciel.

"Tapos nung junior high kami may sinapak 'yang lalaki, 'yon, tulog." Dagdag pa niya napailing nalang ako. Masaya ako ngayon dahil nakikita ko siyang tumatawa, nakatayo lang ako habang pinapanood sila.

"At alam mo Ciel, ikaw lang nagustuhan niya." Sabi ni Haven na kinayuko ko, naman pati ba naman 'yon?

"Korek, mare, sa lahat ng sinabi mo 'yan lang ang tama." Sabi ni Reese, tumatawa lang ng mahina si Ciel, ang ganda niya pa rin.

"Mukha lang talaga mahinhin si Ams pero pag kinanti mo 'yan, ihanda mo na kape at tinapay mo." Bwisit bakit ako ang topic nito?

"Paano mo ba nagustuhan ang gagong 'to?" tanong niya kay Ciel, ngumiti lang si Ciel.

"I like her because I like her. I don't have a reason to like her, I just did." Sabi niya at humiyaw naman ang dalawa, ang ingay.

"1 point Ciel, 0 for Amariah." Sabi ni Reese.

"Kilig nanaman ang isa riyan." Panunukso pa ni Haven.

"Hoy, huwag niyo masyado pagurin si Ciel, kayo ipapalit ko riyan." Banta ko sa kanila.

"Wait, may bibilhin lang ako." They nodded, lumapit muna ako kay Ciel and I kiss her forehead. Nag drive ako papunta sa mall, naghanap ako ng jewelry store.

Nang may makita ako, agad akong pumasok doon at nagtingin-tingin.

"Hi, ma'am, ano po hanap niyo?"

"Engagement ring, 'yong pinakamaganda." Sabi ko at ngumiti, may pinakita naman siya.

"It symbolize the eternal love, ma'am." Sabi niya.

"I'll take this." Binigay ko naman ang card ko sa kaniya at nang maayos na umalis na ako sa store. May nakita akong vegetable salad at agad kong binili.

Nang makabalik na ako sa hospital, agad akong pumunta sa room niya, rinig ko pa rin ang tawanan nila. Binuksan ko ang pinto at nginitian lang sila.

"Ano ginawa mo?" tanong ni Reese.

"Wala lang, salad?" alok ko, tumango naman sila.

Si Ciel hindi masyadong kumain kasi busog na raw siya, hindi ko na pinilit. Samantalang 'yong dalawa ang lakas kumain, nahiya kami rito dalawa. Masaya lang siya nanonood at ako nagnanakaw tingin lang sa kaniya.

"Salamat, balik kami uli." Paalam ni Reese at Haven, tumango lang ako.

"How's your feeling?" tanong ko sa kaniya.

"I'm okay, nandito kana e." Sabi niya.

"You're still gorgeous as ever." Biglang sambit ko.

"Really? Kahit naglalagas na buhok ko?" tanong niya pa.

"Kahit mawalan ka pa ng buhok." Sambit ko, tumawa lang siya ng mahinhin.

"Ang lakas mo mang bola."

"I'm telling the truth, 'no! Look, kahit ano pa maging hitsura mo, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa mga mata ko." Nakatingin lang siya sa akin, hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa kaniya.

"Kaya wala ka dapat ikahiya sa akin, tanggap na tanggap kita." Bigla niya akong niyakap at niyakap ko rin siya pabalik.

"Thank you, I'm so lucky to have you." She said, mas swerte ako kung alam mo lang.

"Gusto mo ba muna matulog?" tanong ko.

"Natatakot ako na baka hindi na kita makita pa." Sabi niya.

"Hindi ako mawawala, nasa tabi mo lang ko." Sabi ko, she nodded at kinumutan ko siya.

"Sleepwell." I kissed her forehead at pumikit na siya.

Babantayan kita.

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now