Capitulum 20

189 5 0
                                    

"Ano ba ang tinatago niyo sa akin?" dahan dahan akong naglakad papunta sa kaniya.

"A-Amariah." Mahinang usal niya.

"Sabihin niyo, ano ang dapat kong malaman?" nakatingin lang siya sa akin na para bang nakakita ng multo.

"Please lang, huwag na tayo mag lokohan dito, narinig ko na." Napalunok naman siya ng ilang beses at walang gana ko lang siya tinignan.

"About sa......deal." Napapikit siya na para bang nag aalinalangan kung sasabihin niya.

"Hindi totoo na tungkol 'yon sa business." I creased my eyebrows because of confusion, ano ibig sabihin no'n?

"Ihanda mo sarili mo kung gusto mo malaman."

"Ciel's father and I are good friends since college. Nakita mo na siya kaso hindi mo lang maalala. The reason why we create a deal is because of Ciel's wish." Nagulat ako sa mga nalaman ko pero mas tinatatagan ko pa ang loob ko.

"Why?" tanong ko, napapikit uli siya at napalunok.

"May taning na si Ciel, at itong deal lang na 'to ang dahilan upang makasama ka niya. Matagal ka na niya nakikita, hindi ka lang aware sa kaniya noon. Kaya binigyan ko kayo ng tatlong buwan dahil sabi ng doktor, tatlong buwan nalang ang itatagal niya." Halos gumuho ang mundo ko dahil sa narinig ko kay dad, all this time ang deal na pala 'to ay hindi dahil sa business nila, kung hindi para sa taong mahal ko na mawawala na rin pala?

Nararamdaman ko ang panghihina ng tuhod ko, napahilamos nalang ako sa mukha ko. Naramdaman ko ang nagbabadya kong mga luha.

"Kaya kita ilalayo pagtapos nito dahil gusto rin ni Ciel kasi ayaw ka niyang masaktan. Amariah, Ciel is......dying." I bit my lower lip to prevent myself from crying upon hearing those words from him. Hindi ko na talaga kaya at napahagulgol na ako.

Ciel is dying

"I don't care, dad! Kahit may taning siya o wala, gusto ko pa rin samahan siya!" sigaw ko sa kaniya, I pointed my finger at him.

"Hindi ko na iisipin kung masasaktan pa ako ngayon. Ang gusto ko nasa tabi ko siya kahit na sa oras na mawalan na siya ng hininga, Dad! I'm willing to risk everything! Fucking everything!" sinabutan ko ang buhok ko habang sinasambit ang mga salita na 'yon. Fuck! Bakit sa akin pa?! Hindi pa ba sapat ang sakit na pinagdaanan ko simula bata pa ako. Mula kay mom at ngayon si Ciel?

"Amariah...." nanghihinang sambit niya, humagulgol lang ako. I throw away everything in his office kahit mga babasagin.

"Dad! I can't lose her.....I just can't." Minsan na nga lang ako sumaya ganito pa ang kapalit, tell me ano nagawa ko para pagdaanan ko ang mga ito?

"Pupuntahan ko siya." Sabi ko at nagmamadaling umalis, wala na akong pake kung naka pambahay pa rin ako, kailangan ko siyang puntahan. Please wait for me, Ciel.

"I'm coming with you, sa sasakyan na tayo sumakay." At sumakay kami sa sasakyan niya. Hindi ako mapakali habang nasa loob. Nang makarating na kami agad akong nag doorbell.

"Ciel!" tawag ko pa, lumabas ang kasamabahay nila.

"Sinugod po si Ciel nung nakaraang linggo dahil nagsuka ng dugo at nahimatay." May pag aalala na sabi ng maid nila. Halos manlumo ako dahil sa narinig ko.

"Saang hospital?" sinabi naman niya sa amin at agad kaming pumunta. Nang makarating kami nagtanong agad kami.

"Ciel Clemente?" pagkabigay ng room agad akong tumakbo, I don't care kung pinagtitinginan na ako, basta makita ko siya. Nang makarating na ako sa tapat ng kwarto niya, huminga muna ako ng malalim. Nanginginig ako habang binubuksan ang pinto, pagkabukas ko nakita ko ang parents niya sa loob, at nakita ko rin siya.

Sobrang laki ng pinayat niya at naglalagas na buhok niya. Dahan-dahan akong lumapit sa nakahiga na babaeng minamahal ko. Bawat hakbang ko papalapit ay siyang pagbagsak ng mga luha ko, she's sleeping.

"Ciel..." nanghihina kong tawag.

"N-Nandito na ako......hinding-hindi kita iiwan." I wiped my tears. Alam ko naririnig niya ako.

"Natutulog siya, alam mo ba sa tuwing kinukwento ka niya, ramdam ko ang saya ng anak ko." Narinig ko ang dad niya na nagsalita.

"Alam kong alam mo na ang dahilan, kaya ka nga nandito. Pasensya kung hindi namin sinabi, si Ciel din may kagustuhan." My tears continuously streamed down my face.

"Ilang taon pinipilit niyang lumaban pero natatalo na siya. Mahal na mahal ka ng anak ko mula noon pa man, hindi lang niya masabi sa'yo kasi alam niya na kahit sabihin niya pa, iiwan at iiwan kana rin niya." Nagpatuloy pa rin ako sa pag iyak habang minamasdan siya, siya pa rin ang taong minahal ko kahit ano mangyari.

"Thank you, Amariah. You granted her wish even the last remaining days of her life." Her dad said while looking at her.

Mas gusto ko nalang pala na layuan niya ako kesa malapit naman pero ganito ang kalagayan niya, kung kaya ko lang saluhin nararamdaman niya, gagawin ko. If I could offer my life, I would gladly do it.

"Please, wake up, nandito na ako. Hindi ba gusto mo pa ako kasama sumakay sa carousel? Marami pa tayong amusement park na pupuntahan. Dadalhan mo pa kami ni Reese at Haven ng mga luto mo. Marami ka pang gulay na ipapakain sa akin, kahit na number one enemy ko 'yon, gagawin ko pa rin. Papagalitan mo pa ako hindi ba sa tuwing aawayin ko si Reese? Gising na, Ciel ko. P-Please hindi ko na kakayanin kung ikaw mawawala rin."

I held her hand and kiss it gently, I close my eyes while crying. Please, lumaban ka kahit alam mong wala na rin, sasamahan kita hanggang dulo. Hindi ko kayang mawala ka, mahal na mahal kita.

I will always love you.

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now