Prologue

496K 10.2K 3.4K
                                    

NAIA Terminal 2


Wearing her pink red empire waist dress matched with pair of red chuck taylor, she walks with a smile on her lips.


Walang may alam na bumalik na siya sa Pilipinas. She wants to surprise her brothers and friends. After four years, she decided to come back home. Why? Because after fixing herself, she believes that TRUE LOVE has a habit of coming back. But who's that true love she's talking about?


Pumara siya ng taxi at agad na sumakay. Hinintay niyang maikarga ng driver ang maleta niya sa compartment.


"Saan po tayo, ma'am?" tanong ng taxi driver nang makabalik ito sa driver's seat.


"Mount Ridge Cemetery." Sagot niya.


Natahimik na ang driver at nagsimula na itong mag-drive.


Isang taong gusto niyang kausapin bago bumalik sa Abellano's mansion. Isang taong gusto niyang una niyang sasalubungin sa pagbabalik niya sa Pilipinas. She wants to talk to that person, in peace. And she wants to tell to that person how much she loves..


"You, manong! You're staring at me kanina pa. You want me to tusok your eyeballs? Psh. Could you just drive and look at daan?" mataray na sabi niya sa driver nang maansin niyang nakatingin ito sa kaniya mula sa rearview mirror.


Mukha namang nasindak ang driver kaya umiwas na ito ng tingin at itinuon ang sarili sa pagda-drive.


Maya maya pa ay nakarating sila sa sementeryo kung saan nakalibing ang taong gusto niyang sabihang, "I'm back."


Nagbayad siya ng bill sa taxi. Pagkatapos ibaba ang kaniyang maleta ay naiwan na siyang mag-isa roon. She walks towards the grass with lots of grave. Then she stopped at one particular grave.


"You missed me? I'm back." She said with tears in her eyes.


She sat on the grass and looks at the name etched at the grave. Then she heard the sound of gentle breeze. Ramdam niya ang hanging iyon na tila yumakap sa katawan niya. Lalo siyang naiyak.


"Kung nandito ka lang sana.." bulong niya saka niyakap ang kanyang tuhod saka yumuko.


Nakuha lang ang atensyon niya ng asong lumapit sa kaniya. Asong puti na pomeranian.


"Arf! Arf!"


Nagulat siya kaya napatayo siya. "Hey! Doggie! Don't arf arf me! I'm not takot to you ha!" she screamed but deep inside she's shaking.


"Devs!"


Nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ng isang lalaki kaya napatingin siya sa pinanggalingan ng boses nito. Hindi niya alam kung bakit mabilis ang tibok ng puso niya. Napako ang tingin niya sa lalaking mukhang nagulat rin na makita siya.


"You're back, little devil." The guy said then the next thing she knew, nakayakap na sa kaniya ang lalaking iyon.



CRAZY INLOVE WITH THE LITTLE DEVIL

By Pinkyjhewelii, 2015


Crazy in love with the little devilWhere stories live. Discover now