Fancy 23

61.6K 1.6K 1.6K
                                    

Sydd POV

AYOKONG lumabas ang bad side ko. Ayokong maging masamang tao para sa taong nananakit sa damdamin ng babaeng mahal ko dahil baka mabasag ko ang pagmumukha niya.

Nang makalapit ako sa kinatatayuan niya ay sinuntok ko siya ng isa. Isa lang naman.

"Bakla ka ba?" Tanong ko.

Pinunasan niya ang dugo sa labi niya. Kulang pa 'yan sa pagpapaiyak niya sa prinsesa ng buhay ko.

"Hindi ikaw ang gusto kong makausap, Sydd." Aniya.

"At ano? Kakausapin mo na naman si Fancy para piliting mahalin ka? Damn you, man! Sardinas ka ba, ha? Bakit kailangan mong ipagpilitan ang sarili mo sa kanya? Hindi ka na niya mahal. Gaano kahirap intindihin iyon?"

"Mahal nya ako."

Pinigilan ko ang kamao ko bago pa ulit ito dumapo sa mukha niya.

"Ilang beses bang dapat sabihin ni Fancy sa'yo na hindi ka na niya mahal? Gaano ba kahirap intindihin at paniwalaan 'yon?!"

"Sobrang hirap na parang mas gusto ko nalang mamatay. Oo, ilang beses na niyang sinabi sa akin na hindi na niya ako mahal pero may bahagi sa puso ko na nagsasabing kahit kaunti, meron pa din!!

"Putangina ng puso mo dahil pinapaasa ka lang niyan! Hindi ka na mahal ni Fancy!"

"Bakit? Dahil ba ikaw na ang mahal niya, Sydd? Kaya ba ang lakas na ng loob mong humarap sa akin ngayon dahil alam mong panalo ka na?" Sinamaan niya ako ng tingin.

I gritted my teeth. "Kahit pa noong talo ako, kaya kitang harapin. Dahil hindi ako tulad mo na hindi kayang tumanggap ng pagkatalo!"

Tumawa siya. "Ano 'to laro? Hindi ito laro, Sydd. Mahal namin ni Jewel ang isa't isa. Pinaubaya ko lang siya sa 'yo noon!"

Mas ngumisi ako. "Pinaubaya? Yeah, you are fucking right, Blake. Pinaubaya mo siya sa akin. Ibig sabihin, pinakawalan mo siya at mas pinili mong masaktan siya kesa hayaan siyang manatili sa 'yo kahit alam niyang may sakit ka noon. Naiintindihan ko na binitawan mo siya dahil ayaw mo siyang mahirapan dahil sa sitwasyon mo noon. Sana ngayon kaya mo ring palayain siya dahil alam mong nahihirapan siya at nasasaktan sa ginagawa mo ngayon!"

"No. I came back alive. Nagpalakas ako para sa kaniya. Gumaling ako para sa kaniya. I did my best for her! Para makabalik sa kaniya. All I want is her. I really love her."

"Kung mahal mo siya, hayaan mo siyang sumaya. Set her free." Sabi ko.

Wala akong problema kay Blake pero hangga't siya ang nagiging dahilan ng pag-iyak ni Fancy, kaaway ko na siya.

"Kaya ko siyang pasayahin!"

"You're too much, man. Hindi ka ba talaga titigil? Hindi pa ba sapat sa iyo na masaktan mo ulit si Fancy?"

"I won't stop until I get her. Una siyang naging akin, Sydd. Kaya tangina, huwag kang sagabal!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin ulit siya. Isa, dalawa, tatlo, apat.

"Apat na suntok para kay Fancy. Apat na suntok 'yan na ang ibig sabihin ay Hindi Ka Niya Mahal. Tangina mo!"

Gumanti siya ng suntok. Tinamaan ako pero nailagan ko ang pangalawang suntok.

"Tangina mo din, Sydd! Akin siya!"

Nagsuntukan kami. Wala akong pakialam kung magbasagan kami ng mukha. Kung para kay Fancy, gagawin ko. Hindi ko 'to ginagaea para masolo ko at sa akin mapunta si Fancy kundi ginagawa ko 'to dahil itong gago na 'to ang nananakit kay Fancy at hindi ko itotolerate iyon.

Crazy in love with the little devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon