Fancy 27

53.3K 1.5K 642
                                    

PILIT kong pinipigilan ang luha kong tumulo dahil ayokong makita ni Blake na mahina ako. Gusto kong ipakita sa kaniya na hinding hindi ako papayag sa gusto niya.

"Love... let's eat please? It's almost two midnight."

Hindi ako umimik. Kanina pa niya ako kinukulit pero hindi ako umaalis dito sa pwesto ko. Nakaupo ako sa sulok ng kwarto.

Kailangan kong makuha ang phone ko. Iyon nalang ang tanging paraan para malaman ni Sydd kung nasaan ako. I'm sure, nag aalala na siya sa akin.

Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpauto ako kay Blake. Naniwala ako na tatapusin niya ang ugnayan namin.

"Love, bakit ba ayaw mong maniwala sa akin na kapag nagsama tayo dito, mare-realize mo na ako talaga ang mahal mo. Ako pa rin. First love never dies, Jewel."

Umiling ako. "Higit sa kahit sino, ako ang nakakaalam ng nakakaramdam ko, Blake. Sinabi ko na sa 'yo, si Sydd ang mahal ko. Siya! Siya na at hindi na ikaw. Oo nga, ikaw ang unang minahal ko pero sigurado ako sa sarili ko na hindi ikaw ang huli. So please, if you really love me, iuuwi mo ako. Kung pinapahalagahan mo ako, hindi mo ako hahayaang masaktan."

"Yes, love. Hindi naman kita hahayaang masaktan. Kaya nga narito tayo sa secret place natin. Para sumaya. Gagawin ko lahat para mapakita sa 'yo kung gaano ako karapat dapat sa 'yo."

"Wala kang dapat gawin, wala kang dapat ipakita at wala kang dapat patunayan dahil wala na, Blake. Wala na."

Tumayo siya. Lumapit siya sa akin saka lumuhod. Hinaplos niya ako sa pisngi ko.

"Love..."

"Blake, please. I'm begging you. I want to go home."

"Hilingin mo na sa akin ang lahat, huwag lang iyan." Tumayo siya. "I'll get you some cookies. Nagdala ako and I bought it from a famous bakery."

Napailing nalang ako. Hindi ko na alam kung nababaliw na ba si Blake. Hindi niya ako pinapakinggan. Wala siyang tinatanggap na salita.

Wala na akong maisip na pwede kong gawin para makaalis dito. Oo, secret place ito kaya sigurado akong mahihirapan si Sydd na alamin kung nasaan ako.

Kung nasa akin lang sana ang phone ko.

Pero kung iisipin, kahit nasa akin ang phone ko, hindi ko rin maipaliliwanag kung nasaan ako.

Huminga ako nang malalim. Gaano katagal na ba akong nawawala? Siguradong nagkakagulo na sa mansyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang may kumalabog. Napatayo ako saka tumakbo sa may pinto. Sino 'yon?! Binuksan ko ang pinto atnanlaki ang mga mata ko nang makita si Sydd.

Tama, si Sydd!

Hindi ako nagkakamali. Hindi ako namamalikmata.

"S-Sydd..."

"Gusto kitang patayin, hayop ka!"

Sinuntok ni Sydd si Blake na mukhang gulat na gulat. Kahit ako, parang hindi makapaniwalang narito si Sydd. Nanghihina ang mga tuhod ko.

Napahawak ako sa may pinto habang nakatingin sa kanila.

"Stop it kid. Enough. May paglalagyan ang lalaking 'yan."

Tuluyan na akong naiyak nang pati si Reid ay sumulpot. Paano nila ako nahanap? Paano...

"Wifey." Mabilis akong dinaluhan ni Sydd. Niyakap niya ako ng mahigpit at sa pagkakataong ito, ramdam kong ligtas na ako.

"S-Sorry... sorry, Sydd..."

Kung hindi ko sana pinagkatiwalaan si Blake, hindi mangyayari 'to. Kung sana sinabi ko sa kanila at kung sana hindi ako sumamang mag-isa.

Crazy in love with the little devilWhere stories live. Discover now