Fancy 18

98.7K 2.8K 1.8K
                                    

PAGDATING ko sa mansyon ay dumiretso ako sa bar counter malapit sa garden. Hindi ko maintindihan kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. I just kept on crying until I arrived here.

Umupo ako sa stool. Kasunod ko si Yaya Madonna.

"Mam Pansi, you is okay orayt ba? There is tulo tulo ng luha sa eyes mo po." Nag-aalalang tanong niya.

Of course, mag-aalala siya dahil never naman niya akong nakita na ganito. Usually ay nagtataray ako at laging heads up kapag umuuwi dito sa mansyon.

I heaved a sigh and looked at her. "Give me a shot glass and bucket of ice."

Biglang nanlaki ang mga mata niya saka tinakpan ang bibig niya. "Oh my, Mam Pansi! You is nagsalita ng english po na diretso!"

Mas huminga pa ako ng malalim. "Pakibilisan nalang, Yaya."

"Oh my ulit! Tagalog naman po na diretso ngayon? What is happen happen to you, Mam Pansi?"

I simply glared at her.

"Sabi ko nga po, I am kukuha na ng shot glass at daming yilo!"

Tinalikuran na niya ako. Maybe, I'm not in the mood of speaking fancy language. Well, kaya ko naman i-kontrol. There were times lang na ganito... iyong basta nalang nagdidiretso ang dila ko. Is it because I am hurt?

And it's because of Dragon Sydd.

Bumalik si Yaya Madonna na may dalang bucket of ice and a glass. Ipinatong niya iyon sa harap ko.

"Mam Pansi, you is ayos lang ba? You is iinom at becoming lasing."

"Leave me alone, Yaya. And don't try to speak again." I shot her a death glare.

Tinakpan niya ang bibig niya saka tumango. Iniwan niya na akong mag-isa.

I looked at the glass and opened the bottle of brandy. This is not the first time na iinom ako. I just felt of... drinking alcohol. Ang sakit kasi ng bandang puso ko and I can't think of anything na makakaalis nito. Just a bottle of alcohol. It's enough.

Naglagay ako ng ice cube sa baso saka naglagay ng brandy. I sighed again.

Paulit ulit na nagpe-play sa isip ko ang pagtatawanan nina Dragon Sydd at Boobie girl. I hate it. I hate it big time!

Ininom ko ang alak. I don't mind kung makita ako ni Patrick or even Reid. I just don't care because I need this now.

Tumunog ang cellphone ko. I got a text message.

From: Blake
Hi, Jewel. Where are you? Let's meet?

I smirked. Hindi ko na maintindihan kung bakit dati naman, laging nagre-react ang buong sistema ko kay Blake. But now, it feels nothing. Parang wala lang. Parang wala akong ibang nararamdaman kung hindi inis, galit, tampo at... masakit sa bandang dibdib ko. At iyon ay dahil kay Sydd.

Muli akong naglagay ng brandy sa baso ko saka nagpatuloy sa pag-inom. Tumunog ulit ang cellphone ko.

From: Dragon Sydd
Where are you?

I smiled bitterly. Bakit niya tinatanong kung nasaan ako? Gusto ba niyang ipamukha ulit sa akin kung gaano ako kasama sa ginawa ko kay boobie girl?  Gusto ba niyang sigaw sigawan ulit ako? Gusto ba niyang ipakita sa akin kung gaano siya ka-cold?

My tears started to fall again. Why is it painful? Hindi naman dapat ako umiiyak because I'm Fancy Jewel Abellano.

Wala akong sinagot na text message. Nagpatuloy ako sa pag-inom.

Muling tumunog ang cellphone ko pero this time, tawag na iyon at hindi text message.

Dragon Sydd calling...

Crazy in love with the little devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon