Prologue

17 0 0
                                    

"Sumama ka na this weekend. Para makapag-relax ka naman. Ang busy mo the past few weeks ah!" Yaya sakin ni Lottie.

May outing ang bangkong pinagtatrabahuan niya this weekend and pwede daw magdala ng plus one. Since wala naman siyang boyfriend, ako ang naisipang kulitin.

"Tinatamad talaga ako." I told her. "Itong weekend lang ako mafifree-up so I was planning to sleep."

"Niana, I know rest is needed. Pero aside from rest, subsob ka sa trabaho. Holiday naman sa Monday kaya itulog mo nalang iyon. I'm only looking out for you."

I stared at her habang nakataas ang kilay ko.

"True ba talaga?"

"Oo nga kasi." She grinned. "So okay na? Isasign up na kita ha? Ikaw na plus one ko."

I rolled my eyes and she knew that I was sold. Wala naman akong choice diba? And maybe this is good din kasi true naman na medyo busy talaga ako the past few months dahil sa mga projects na sunod-sunod at sabay-sabay. Stressed na rin naman talaga ako so maybe a change of scenery will help.

Weekend came and sinabihan ko na ang mga kasama ko sa opisina na unreachable ako sa weekend dahil magcacamping kami. Pero actually magbibeach kami sa Zambales. Apparently, may nirent silang Airbnb with private beach. Doon daw gaganapin ang kanilang team building.

6AM ang call time nila sa branch ng bangko na pinagtatrabahuan ni Lottie. Nag-rent na sila ng bus para hindi na daw mapagod sa pag-drive at marelax na lang sila since iinom din daw naman doon sa Zambales.

Nakarating ako ng 6:15AM sa branch at nakita ko na agad si Lottie.

"Akala ko iindiyanin mo na ako." Tawa siya ng tawa. "Nagchachat ako sa iyo pero hindi mo ako nirereplyan."

"Kasi nga nagmamadali na ako. Late na ako nakalabas sa office kagabi." Sabi ko sa kanya habang paakyat na kami sa bus.

"Guys! Bff ko, si Niana. Siya ang forever plus one ko." Pakilala sa akin ni Lottie sa mga kasama niya na nakaupo na sa bus. "Madam Miriam, ano maganda ba?" Tanong niya sa babaeng naka upo sa pinakaharap.

"Good morning po. Thank you po at nakasama ako." Bati ko sa kanina. "Good morning Ma'am." Bati ko rin sa babaeng nakaupo sa harap. Ito siguro ang branch manager dahil bongga ang aura.

"Good morning. Umupo na kayo. Kaunting antay pa at gagayak na tayo." Sagot ni Madam Miriam.

Umupo na kami sa gitna banda at nahalata ko na agad na nakatingin sa akin ang mga kasamang lalaki ni Lottie.

"Hay naku, tingnan mo iyang mga iyan. Parang ngayon lang nakakita ng dyosa habang araw-araw naman akong pumapasok?" She scowled and rolled her eyes.

Tumawa ako ng mahina. "Diba may mga pamilya na mga kasama mo?"

"Oo pero mga intern iyang mga iyan at mga bagong joiners. Yung dalawa intern. Yung tatlo nasa new accounts at back-office. Huwag mo masyadong papansinin at baka umasa."

Tumawa ulit ako. "Salbahe nito."

Medyo malayo ang byahe kaya nakabawi ako ng tulog. Si Lottie naman nanood lang ng Korean drama habang nasa byahe.

Mga 6 hours din ang byahe dahil sakto lang ang pagpapatakbo ng bus driver. Mga alas dos na kami nakarating sa beach resort. Sabi ni Lottie, sa pamilya daw ito nila Madam Miriam at pinaparentahan nila through Airbnb.

Sana all, may beach resort.

"Nagdala ka ba ng swimsuit?" Tanong sakin ni Lottie ng makapasok na kami sa assigned room. Bale may 8 na rooms ang Airbnb at shared bedrooms ito. Yung ibang rooms, may limang beds while yung iba naman ay naka twin bed and queen bed. Sakto naka twin  bed yung naassign sa amin. Yung mga lalaki daw, doon inassign sa shared bedrooms.

Until I Found HerWhere stories live. Discover now