Kabanata 2

7 0 0
                                    

The past two weeks, I've just been in school then back sa condo then balik na naman sa school dahil gusto kong matapos in advance ang mga requirements. Kakastart lang ng second term sa fourth year pero intense na ang mga requirements. Naiistress ako pero hindi ko masyadong pinapahalata. I'm like a duck. I look calm on the outside but panicking under.

It would be nice if I can get that kind of sex kapag stressed ako. I slept like a baby after that. And slept some more when I arrived home. I've never slept like that sa buong college years ko so far.

"Brought some pizza." I heard Lottie closed the door habang nakasalpak ako sa sala nagtatrabaho sa plates ko.

"Ganyan ba talaga sa arki? Para kayong naka in a relationship sa plates niyo."

Tumawa lang ako. "Ayoko kasing nagkacram kaya tinatapos ko na in advance."

Pumasok na kaagad si Lottie sa kuwarto niya. Lottie is younger than me. Nagkakilala kami through mutual friends and she was looking for a place to rent. My family came from the province, Bacolod to be exact. They got me a 2-br condo sa Manila when I decided to study college here. Pina-rent ko nalang ang isang kuwarto kay Lottie since she's nice naman and we get along really well.

"Ah, may nagpapatanong pala." Dumungaw siya sa pintuan ng kuwarto niya. "Sabi ni Juswa, pinapatanong daw ng friend niya kung sino si Niana."

Napatigil ako sa pagshade sa canvas.

"Sino?"

"Nakalimutan ko ang name. Pero nandoon daw siya noong birthday ni Juswa."

"Two weeks ago na yun ah."

"May nakausap ka ba? Bigla ka ring nawala that night. Tapos tanghali ka na umuwi. Hindi na kita masyadong tinanong dahil grabe yung hangover ko noon."

Nagkatinginan lang kami at nanlisik ang kanyang mga mata.

"May umuwi ba sa iyo?"

"W-wala." Bumalik ako sa pagguhit sa canvas.

"Teka, icha-chat ko si Juswa kung ano name noong friend niya." Sinarado niya na ulit ang pinto.

It's been two weeks since that night happened. I went home around lunch time. He offered to drive me home pero sabi ko mag-grab nalang ako since one, I don't want him to know where I lived and two, nahiya ako bigla sa nangyari na para bang nahimasmasan ako.

But I have to admit, just thinking about that night makes me so horny and hot. I don't crave it, but it would be nice to have that kind of sex once in awhile, especially when I'm stressed at school.

I don't know the person though and I don't have time to research about him as well. So baka siya iyong nagpapatanong kay Joshua about me.

Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa paggawa ng plate. Maya-maya pa ay lumabas ng kuwarto si Lottie.

"Niana! Si Asher daw!"

"Huh? Sinong Asher?"

"Si Asher daw! Pinapatanong ang number mo! Ibibigay ko ba? Teka nga. Hanapin ko sa Facebook."

I rolled my eyes at her.

"Hoy! Ang guwapo! Gagi!" Tumabi siya sa akin sa sahig at mabilis kong nilayo sa kanya ang plate. Tapos nilapit niya sa akin ang cellphone niya na nakaopen ang Facebook profile ng isang lalaki na may pangalang Asher Villegas.

"Ah, nursing?" Tanong ko kay Lottie dahil naka white na uniform ang suot niya sa profile picture.

"Gagi, med student." Tapos nagscroll-scroll na siya sa profile nito.

Until I Found HerWhere stories live. Discover now