Kabanata 3

7 0 0
                                    

Stress na stress na ako dahil malapit na ang exams sa midterms. Ang daming requirements kaya gustohin ko man sumama sa pag-aayang pag-inom ng mga blockmates ko, hindi ko magawa. Minsan ay sasama ako, one bottle lang, tapos uuwi na para gumawa ng plates.

Hindi ko alam kung bakit parang ang bilis lang nila gumawa pero kasi mababa lang din ang score na natatanggap. Ayoko ng ganun. Ayoko ng half-half. Gusto ko, pag magcocommit sa isang bagay, 100% iyon.

Maliban nalang dito sa setup namin ni Asher. We had sex last Friday bago siya umuwi ng bahay.

We actually did it in his car. Gusto niya sanang magdrive sa condo niya pero pagod na ako kaya sabi ko, doon nalang. Quickie lang naman. As usual, kahit quickie, mind-blowing pa rin.

I told him na hindi muna ako makikipagkita since exam week and I don't want to be distracted. He agreed since exam week din naman nila and maraming presentation ang nakaline up sa requirements niya.

Nasa third year na siya ng med school which makes him 23 now. 3 years lang naman pala ang gap namin.

Unknown number
Busy?

Me
Yes.

Unknown number
Okay. Anything I can help?

Me
Nope. We good here.

Unknown number
Aw, okay.

Me
Ikaw ba? Hindi ka busy? Mukhang hindi given na may time kang magtext.

Unknown number
Wow. First time mahaba ang reply.
On a break. Pagod na akong mag-aral.
Where are you?

Me
Bahay.

Unknown number
Okay.

Hindi na ako nag-reply sa kanya kasi hindi naman kareply-reply ang message niya.

I started working on my plate and took a photo of it. I posted it on Instagram and captioned on the story na 'I hope you're worth the sleepless nights'

Unknown number
Nasa lobby ako.

Ha? Anong nasa lobby? Nang-uulol ba to?

Me
Gago. Bakit nasa lobby ka

Unknown number
Don't worry. May iaabot lang.

Me
Okay?

Mabilis akong bumaba na nakahoodie at sweatshorts at sliders. Nakita ko nga siya sa lobby na nakaupo sa isang couch.

May dala siyang paper bag at naka uniform pa.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanya habang papalapit.

He smiled. "Here."

"Ano to?"

"Damit mo na naiwan sa kotse last time."

I took a peek and saw my black panty sa loob ng paperbag along with other stuff.

"Ano to? I mean, I can see it but ano itong iba?"

"Ah, snacks. Something. Naglunch kami kanina sa japanese resto sa Makati so I got you a takeout."

"Okay?"

"I mean don't get me wrong. Still purely non-feelings."

"Okay?"

"Okay. So that's it. Balik muna ako sa school."

I stood there as he started walking to the door.

"May pasok ka pa?" I asked.

He looked back. "Wala na. Pero tatambay nalang muna ako doon kasi baka makatulog ako sa bahay."

Don't make me say this.

Until I Found HerWhere stories live. Discover now