Kabanata 1

7 0 0
                                    

"Subsob ka na naman diyan sa plates mo." Sabi ni Lottie habang umiinom ng tubig sa gilid ko.

"Ayusin mo Lottie, baka mabasa mo ang plates."

Naglakad siya papalayo sa akin. "Ayan na. Malayo na ako ah."

Bigla namang tumunog ang phone niya.

"Uy, birthday ni Juswa bukas! May paparty siya sa BGC. Tapos naman na iyang plates mo diba? Tara, party tayo." Yaya niya sa akin.

Napakamot ako ng ulo. Oo, tapos ko na nga ang plates ko pero hindi pa ako satisfied.

"Libre lahat ng drinks! Tara na! Uhaw na uhaw na ako. Alam mo bang 1 week na akong di umiinom dahil nagtitipid ako? Kakabili ko lang ng skincare! Kaya hulog talaga ng langit si Juswa at magpapa-inom pa!"

Napatingin ako sa plates ko. Gusto ko rin naman uminom at mag-party. Kungsabagay, dalawang buwan na rin akong subsob sa pag-aaral. Especially noong napapanaginipan ko na naman yung buwakanang ex ko. Isang taon na ah!

"Sige. Sama ako." Sabi ko sa kanya at niligpit na ang plates ko. "Saan ba?"

"Sa Envy." Tinapon niya ang phone niya sa couch. "Nag-confirm na ako ah. Inadd na daw ni Juswa ang pangalan mo sa guest list."

Pumasok na siya sa kuwarto niya at nagpatuloy ako sa pagliligpit ng plates at ng gamit.

"Uy, anong oras?!" Sigaw ko galing sa sala. Narinig ko naman na sumagot si Lottie ng alas diyes.

The next day, madilim na ng nakarating ako ng condo. Ang dami pa kasing chika nila Margie kaya nagkwek-kwek muna kami sa labas ng school.

Pero since alas diyes pa naman ang party ng friend ni Lottie, kumain nalang kami ng dinner sa bahay bago naghanda. Naligo ako at nagpatuyo ng buhok bago ito kinulot. I wore a black halter backless dress. The strap was in gold metal chain and paired it with a black strappy stileto. I had a simple makeup mostly focusing on my eyes with a sultry eye makeup. Sakto siya sa olive skintone ko and dark brown hair.

"Grabe naman, minsan lang lumabas pero lumalavarrnn!" Bati ni Lottie sa akin ng lumabas ako ng kuwarto. Nasa sala na pala siya at kanina pa nakapaghanda.

"Hindi ka naman masyadong excited?"

Ngumiti kaagad siya. "Beshiewaps, uhaw na ako. Tara na?"

"Yep, magbobook na ako ng Grab."

Mag-eeleven na ng dumating kami sa club. Pinakilala lang ako ni Lottie sa mga friends at kumuha na kami ng mga drinks. May VIP table sila sa taas kaya doon na muna ako tumambay pagkatapos naming sumayaw.

Ang daming lumalapit na lalaki and tried to grind their body with me pero wala pa akong natitipuhan.

I grabbed a drink from their table and leaned on the railing habang tinitingnan ang mga nasa dance floor trying to search faces and see if may matitipuhan akong lalaki.

This year, after the breakup, I've been really living on the edge. Dahil medyo possessive yung ex ko dati, I made sure na after noong relationship na iyon, I would enjoy my college life and that includes being open to whatever experience the men can offer.

"A friend of Josh?" I heard someone asked kaya napatingin ako sa gilid ko. He was leaning with his elbows on the railing habang nakahawak sa isang baso.

"Not really. A friend of a friend."

"Ah, plus one." He said bago lumagok ng inumin.

Nagkibit-balikat ako, "You can say that."

"So with whom?" Turo niya sa dance floor. "If I were him, I wouldn't leave you alone in this club."

I observed him from the corner of my eye. He was smirking now while still looking at the people sa dancefloor.

Until I Found HerWhere stories live. Discover now