Chapter 3- Lame kiss

2.8K 84 9
                                    


Chapter 3

BECKY

Hell! She bit my upper lip! She really looks shock after she saw me. Well? What? Ngayon lang nahalikan ng babae? Haha!

I was expecting my friends to cheer 'coz I did their stupid dare. But what now? Bakit parang gulat na gulat pa sila at parang mukhang kinakabahan?

"What? Give me my money. Ginawa ko ang dare." Nilahad ko ang kanang kamay ko sa kanila. "Come on!"

"Girl!" hinila ako ni Yuki sa tabi niya. "Hindi mo ba nakilala 'yong hinalikan mo?"

"Hmm?" I opened a can of beer. "Why?"

"Gaga! Si Miss Terror 'yon! Professor sa Dong Feng! Ano ka ba?!" She worriedly said. "Gagi! Lagot tayo nito! Baka pag-initan tayo."

"Empleyado lang siya doon. Okay? Sino ba ako? Sino?" Pagyayabang ko sa kanila. "Enjoy the night!"

Miss Terror huh? Her lips taste strawberry.

Uminom ulit ako and hell. Humapdi ang labi ko. Miss Terror pala ha? Napapatingin ako sa table nila. May pagtingin sa akin si Miss Terror. Masama nga lang. Me being such a tease, itinaas ko pa ang canned beer para kunwari ay alukin siya.

The lights got dimmed so I didn't see her reaction. Truth be told, she has the most tasteful lips I ever kissed.

"Becky! Nakakaloka ka? Bakit ka nangingisi diyan? Ano na naman 'yan?" said Jea. "Hindi ka nakakatuwa kapag ganyan ka!"

"Hmm? Nothing really. Umuwi na tayo maya-maya. Maaga ang klase natin bukas."

---

I can't believe it! It's almost midnight, gising pa rin si Papa. Mukhang hinihintay talaga niya ako. Dito pa sa living room niya naisipang gawin ang trabaho niya.

"'Pa, why you still awake?" Bebeso sana ako sa kanya pero itinuro niya ang maliit na sofa.

"Maupo ka."

"Antok na ako 'Pa. Bukas na lang po tayo mag-usap."

"I said maupo ka."

Darn! Wala na akong nagawa kung hindi maupo sa maliit na upuan. Isinara niya ang laptop saka iniabot sa akin ang isang envelope. May mga pictures sa envelope at mga back statements ng account ko.

"You're not attending your classes. Your dating different women at the same time. Nagwawaldas ka ng pera. Ano bang plano mo sa buhay Rebecca Patricia?"

"'Pa, I'm enjoying my life. At least hindi lalaki. Safe ako sa teenage pregnancy, right?"

It was supposed to be a joke! Pero seryoso si Papa na nakatingin sa akin. Humalukipkip pa siya. "Ano bang dulot sa'yo ng pambababae mo? Nakakahiya ka! Mga anak pa naman ng kaibigan namin ng Mama mo 'yang iba."

"Hmm, and? At lea—"

"Huwag mo akong ma-at least atleast, Patricia. Mas magastos ka pa sa amin ng Mama mo. Gold ba ang mga babaeng 'yan para gastusan mo sila?"

"Fine. Give me capital. Then magnenegosyo ako para pera ko ang gagamitin ko."

"Here we go again! Ilang negosyo na ba ang nalugi dahil sa kakagastos mo? No. You're not wasting money again."

"Okay. Baka pwedeng ibigay niyo na lang ang inheritance ko. Then bahala na ako kung paano ko palalaguhin? I'll live independently. Hindi ko kayo guguluhin ni Mama."

Natameme si Papa. Nakipagmatigasan din ako ng titig sa kanya. I know she's soft for me. I'm their only child after all. A miracle baby since pareho silang babae ni Mama. I'm brought to life through IVF. Hindi niya pababayaang maging miserable ang buhay ng nag-iisa niyang anak.

Give Me Your ForeverWhere stories live. Discover now