Chapter 8 - Grandmother

2.1K 49 8
                                    


Chapter 8

FREEN

It's not gonna be an ordinary weekend. Papasyal si lola dito. And as usual maagang aalis si Daddy. It has always been like this. Inaayos niya ang mga fishing rod sa trunk ng kotse.

"'Ddy, sama ako. Saan ka magfi-fishing ngayon?"

"Wala kang class today 'Nak?"

Umiling ako. "I gave up my Saturday classes. May sumalo ng schedule kaya I'm all good to go every weekend. So? Pwdeng sumama?"

Daddy closes the trunk and shakes her head. "You stay here with your Mama. Gusto mo bang madagdagan pa ang tampo ng lola mo?"

"She's not even considering me as her apo." Marami akong naipong tampo kay Lola. Never kong naramdaman na kadugo niya ako. Every painful memory seems like yesterday lang.

Tinapik niya ako sa braso. Siguro para pakalmahin din ako.

"Come on, Freen. Ikaw ang mas nakakaunawa kaya ikaw ang magpasensya muna sa lola mo."

"Buong buhay ko nagpapasensya na ako sa kanya, 'Ddy. Hahayaan ko lang sila ni Mama mamaya. Kung babanggitin na naman ni Lola 'yang mana ni Mama baka sumagot na ako."

Daddy pats my head. "'Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Napag-usapan na namin ng Mama mo 'yan. Kahit wala siyang makukuhang mana sa family niya it wouldn't change anything. She chose us. Okay? Kaya nga kami nagsikap para hindi ka inggitin ng mga pinsan mo."

Mama comes with a bag of foods for Daddy. "Sorry, Mahal. Hanggang ngayon ganito pa rin tayo."

Daddy kisses her forehead. "Hayaan mo na. Kesa naman atakehin sa puso ang Nanay mo kapag nakita ang kapogian ko. haha! I'll go ahead na. Mag-uuwi ako ng pating na pasalubong sa inyo. Iihaw natin mamaya."

---

May isang oras na rin si Lola dito. Nagmano lang ako kanina saka ako pumanhik sa kwarto ko. Stubborn as it may look like, but this is more peaceful that to be around her. Hinayaan ko lang naman na half-open. Baka sakali lang na tawagin ako ni Mama. Though, she rarely does that kapag nandito si Lola. It's her way to protect me din siguro.

Angkulit na naman nina Kade. Gusto na daw nilang kulamin si Lola nang mabawasan ang magiging maldita.

"Tama na. You're wishing ill na kay Lola Filepa." Awat ko na sa kanila. "Let her be."

"Anong let her be?!" sinundan ito ni Jim ng mga angry emojis. "Sumosobra na kaya 'yang lola mo. Palibahasa ano? Maagang nabiyuda! Haha! Kulang sa dilig! Kailan ba siya susunod?"

Silang tatlo na ang nagkwentuhan. Kanya-kanyang masasamang balak laban kay Lola. Mas nasasaktan pa nga sila kapag nagkukwento ako ng mga emotional struggles ko kay Lola kaya naunawaan ko sila kapag ganyan sila.

Mama knocks at my door. Tuluyan na niya itong binuksan.

"What is it po?"

"Gusto kang makausap ng Lola mo."

I look at her confusedly. "For what? Alam ba niya ang wedding?"

Umiling si Mama. "That would upset her lalo. May sasabihin daw siya."

I followed pa rin kahit labag sa loob ko. Lola has this authoritarian gaze at me again. She always does that. Make me feel inferior. Noon siguro kayang-kaya niya pakabahin but not hindi na. I'm just full of disappointments towards her.

"Ano po 'yon, 'La?"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Babalik na ng Pilipinas sina Lux Ivy."

Her favorite grandchild. Anak ng panganay niya at sunod-sunuran sa mga gusto niya. No wonder, sa kanila siya laging pabor.

"Mag-e-enroll siya sa Dong Feng. Bantayan mo ang pinsan mo."

Nagiging kamag-anak ko lang talaga sila kapag mayroong silang hihilinging pabor.

"Narinig mo ba ang sinabi ko, Freen?"

Tumango ako. "Is that it po? I have some works to do pa,'La."

Mama must have understood me kaya hindi na niya ako sinaway nang tumayo ako.

"Nagpapalaki kayo ng suwail na bata. Bastos na gaya ng asawa mo."

TO BE CONTINUED....


-----

Give Me Your Forever by mixup15 (pricelist) Payment via Gcash or PaymayaPhp 200- facebook private groupPhp 300-pdf (available on Monday, May 15, 2023)Completed Story. Kung ano ang nasa private group, 'yon din ang nasa pdf. Walang labis, walang kulang sa atensyon.. 55 chaps121,000 wordcountFreebies: stress, overthinking, sama ng loob, kung single ka mas mararamdaman mong malungkot ka. PM: Winter Fallen if interested. :)

 :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lux Ivy Tolentino (Freen's cousin) more revelation about her character in the continuation of the story

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lux Ivy Tolentino (Freen's cousin) more revelation about her character in the continuation of the story. :) 

Give Me Your ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon