Chapter 1

640 13 1
                                    

Nanginginig si Proserpina Cruzadas habang nakaluhod siya sa malamig na baldosa at mahigpit na nakagapos ang kanyang mga kamay. Nasa loob siya ng malapad na silid na wala ni isang bintana. Madilim ang silid na iyon at tanging liwanag na nanggagaling sa nag-iisang bombilyang nasa direktang uluhan niya ang nagsisilbing pinaka-ilaw.

Napapaligiran din siya ng mga lalaking nakaitim na uniporme. Malalaking tao ang mga ito at malalaki ang katawan. May mga baril na nakasuksok sa tagiliran ng mga ito.

Pagkatapos ng klase niya kanina ay uuwi na dapat siya at hinihintay na lang ang driver ng sasakyan nilang dumating upang sunduin siya, doon na biglang huminto sa harap ng gate ng pribadong paaralan ang itim na van at sapilitan siyang kinaladkad papasok ng sasakyan.

Hindi niya alam kung bakit dinala siya ng mga ito sa lugar na iyon. Ang alam niya ay wala siyang taong inagrabyado. Wala siyang kaaway. Mayaman nga siguro ang pamilya niya, pero nakaratay sa ospital ang kanyang ama at hindi pa rin nagkakamalay buhat ng maaksidente ito.

Ang madrasta niya at ang anak nitong babae na kasing-edad niya ay wala namang amor at pagpapahalaga sa kanya. Kaya kung iniisip ng mga taong ito na ipatubos siya kapalit ng malaking halaga ng salapi ay mali ang pinuntirya ng mga ito. Nasisiguro niyang hindi siya pagkakaabalahang iligtas man lang ng madrasta niya.

Kung ganoon ay tatanggapin na lang ba niya ang kanyang kamatayan? There was no other way out for her, except the black bag where they would shove her lifeless body when they're done with her.

Proserpina was too scared that she couldn't speak for almost half an hour after she was forcibly pushed into that cold room. Wala naman ng ginawang masama sa kanya ang mga ito maliban sa iginapos ang mga kamay niya at sapilitan siyang pinaluhod sa baldosa matapos makatanggap ng tawag ang isa sa mga ito.

That man who received the call was called the 'underboss.'

Hindi naglipat minuto ay narinig na niya ang pag-ingit ng bisagra ng pinto. Ang sumunod d'un ay mga yapak. Subalit hindi niya magawang lumingon man lang dahil nangangatog ang buo niyang katawan. Patuloy lang siyang nakayuko at hindi maampat ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga pisngi dala ng labis na pagkahindik at takot.

Her face was red and her lower lip was twitching uncontrollably.

"Is this her?" A man whose voice was so deep, and low-toned spoke.

Bahagya lang niyang inangat ang mukha at nakita niyang naupo ang bagong dating sa nag-iisang silyang nasa loob ng silid. May apat na lalaking nakapuwesto sa likod nito. Nakadekwatro ang lalaki at base sa init na dama niyang tumatagos sa kanyang katawan ay natitiyak niyang titig na titig ito sa kanya ngayon.

"Positibo, Boss," sambit ng underboss.

So, he's the boss, she thought, quivering. Ito ba ang mag-uutos kung kailan siya papatayin?

"Proserpina Cruzadas," mainit nitong sambit sa pangalan niya. His voice had a natural rasp in it.

Ano ba ang kailangan sa kanya ng mga ito? Naisip pa niya kanina na marahil ay maling tao lang ang natangay ng mga ito, subalit sa pagkakabanggit nito ngayon sa pangalan niya ay batid niyang siya talaga ang target ng grupo.

"P-pauwiin n'yo na po ako," sumamo niya, walang tigil sa paghikbi.

"Ah, your tears are so appealing, makes me want to see you cry even more." His tone was cold... cruel even, as if he wanted to hang her on the gallows until her tears ran dry.

Natatakot siya sa lalaki.

"Look at me," he ordered.

Imbes na sundin ang pinag-utos nito ay lalo lang niyang iniyuko ang ulo.

SOLD TO THE HEARTLESS MAFIAWhere stories live. Discover now