Chapter 2

223 4 0
                                    

Isang taon ang matuling lumipas.

Nakaupo ang Mafia Boss sa grandiyosong sala mayor ng napakalaki niyang mansiyon. Sa labas at loob ng mansiyon ay may mga tauhan siyang nakabantay. Siya si Hades de Crassus, ang Boss ng Kratos Group. Si Lukas ang underboss. May isa siyang Consigliere na siyang tumatayong pinakapinagkakatiwalaan niyang tao, si Morris. May tatlong Capos ang grupo, o mga miyembrong may mataas na katungkulan sa samahan. Sa ilalim ng mga ito ay ang mga miyembrong pisikal na nagpapagalaw sa transaksyon ng grupo. May sinumpaan ang mga ito na tinatawag nilang omerta, ang oath of silence.

During his grandfather's time, these men were asked to commit murder to show their loyalty and commitment to the group. Pero binago na niya iyon magmula nang siya na ang naupong leader ng Kratos. Hindi na niya hinihinging pumatay ang mga ito para lang maipabatid ang katapatan ng mga ito sa kanya. Still, he made it very clear to them that no mercy shall be extended to a traitor, and that the punishment for anyone who would breach his trust shall be severe.

"Boss, nahanap na namin siya," imporma sa kanya ni Lukas.

Kumurba ang mapanganib na ngiti sa kanyang mga labi. "Proserpina Cruzadas," matalas niyang sambit sa pangalan ng dalaga. He remembered how her eyes lit in defiance when he ordered her to sign the papers. She's a gentle kitten, but a tigress at the same time. At ganoon ang gusto niya.

Katunayan ay lumayas ito pagkatapos ang insidenteng pagtangay nila rito. Umalis ito sa bahay kung saan parehong nakatira ang madrasta nito at ang anak na babae ng huli. Nangupahan ito sa isang maliit na apartment at ipinagpatuloy ang pag-aaral, habang nagtatrabaho sa gabi sa isang strip club bilang waitress. Little did the kitten know that the strip club was his.

Akala siguro nito ay magagawa nitong magtago sa kanya oras na umalis ito sa poder ng madrasta. Pero hindi nito naisip na ang lalaking nagmamay-ari rito ay ang pinakamakapangyarihang Mafia Boss.

Patuloy niya itong pinasundan at pinabantayan sa mga tauhan niya. Sinisigurong walang maruming kamay ang hahawak dito.

Nitong huling tatlong araw ay bigla na lang nawala sa radar ng mga tauhan niya ang dalaga. Pinahanap niya agad ito. He remembered how furious he was when his men told him that Proserpina was missing. Mabuti na lang at natunton na ng mga ito ngayon ang dalaga.

"Saan siya nagpunta?"

"Sa Sagada, Boss. Nagbakasyon ng tatlong araw."

"Hmmm."

"Boss, hindi ba may boyfriend itong si Ms. Cruzadas?"

Tumango siya, hindi natinag kahit kaunti. Alam na niyang may nobyo ito. Isa iyon sa mga impormasyong pinahalukay niya kay Morris pagkatapos itong ibenta sa kanya ni Sylvia. Ang sinasabing boyfriend nito ay anak ng General Manager ng Vasileía. Vasileía was a multinational technology company, and one of the world's largest technology company. Kilala ang kompanyang iyon sa buong mundo, at isa sa pinakamakapangyarihan. Hindi na mabilang ang bilang ng mga aplikanteng nagbabakasaling makapasok sa naturang kompanya.

"I know him. Alessandro Vesandre. Son of Vasileía's General Manager."

"Gusto n'yo bang alisin na namin sa landas n'yo ang Alessandro na ito?"

He let out a low-toned laugh, it was without humor but it wasn't contemptuous either. "Wala pa siyang nahahawakan sa katawan ni Proserpina na puwedeng maging mitsa ng katapusan ng buhay niya. That spineless mongrel has not even kissed her yet. Pero kapag nagtangka siyang halikan man lang si Proserpina, baka maputol ko ang dila niya."

Proserpina belonged to him, and if a man tries to touch her, he will cut off his arm. If a man tries to kiss her, he will cut off his tongue. If a man tries to win her heart, he will pull out his heart from his chest and watch as it agonizingly gets destroyed in his own hand.

SOLD TO THE HEARTLESS MAFIAWhere stories live. Discover now