Chapter 5

437 12 0
                                    

"You're obsessed with her, Boss," walang gatol na sambit ni Morris.

Nag-angat siya ng mukha mula sa mga binabasang dokumento. Nasa study room siya ng kanyang mansiyon at pinag-aaralan ang mga financial reports ng lahat ng mga negosyong hawak niya. "Ano'ng sabi mo?"

Tumikhim ito. "Hindi pa kita nakitang nagkaganito sa isang babae, ngayon palang."

Natigilan siya. Pareho lang sila ng naiisip ni Morris, at nagtataka rin siya sa kanyang sarili. Was it her pretty face? Her amazing body? No, he had met a lot of gorgeous women, but he had never acted this way before. So, was it her scent? Tuwing nasasamyo niya ang natural nitong bango ay nawawala siya sa kanyang sarili. Proserpina was just driving him crazy. Binabaliw siya nito.

And if he only wanted to bed her, he could do it anytime. Nasa poder niya ito. Wala itong magagawa. Pero bakit pinagkakaabalahan niya itong bigyan ng oras para mapanatag ang kalooban sa kanya? Bakit gusto niyang bukal sa loob nitong ibigay ang katawan sa kanya?

Muling nagsalita si Morris. "Mahigpit ka rin sa mga taong may pagkakautang sa iyo at hindi ka tumatanggap ng ibang uri ng bayad. Ang madrasta ni Ms. Cruzadas ang lumapit at nanghiram ng pera, kaya bakit mo hinahayaang si Ms. Cruzadas ang magbayad?"

He faked a smile. "Nonsense."

"Mula pagkabata, magkasama na tayo. Kilala kita."

The smile faded away, and his lips twitched into a deep frown. "Why do I feel like you're interrogating me, Morris? Know your place. However I act in front of Proserpina is none of your f*cking business," matigas ang boses niyang sabi. "Hindi ko rin kailangang sabihin sa iyo kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ginagawa ko ngayon."

Napatda naman si Morris at magalang na nagyuko ng ulo. "Pasensya na, Boss."

"Get out. I want to be alone."

Tumango si Morris at tumalikod na. Nakahawak na ito sa seradura ng pinto nang muli siyang magsalita.

"And about Sylvia, she isn't completely off the hook. May paglalagyan din siya."

Nang mapag-isa ay sinubukan niyang ibalik sa binabasang mga dokumento ang atensyon, subalit hindi na niya matutukan ang binabasa. His attention had already been drawn away. Umaalingawngaw pa rin sa tainga niya ang sinabi ni Morris. You're obsessed with her...

Hindi puwedeng patuloy na guluhin ni Proserpina ang utak niya. Obsession is dangerous. Lalo na sa estado niya. He shouldn't feel a strong attachment or desire for anyone or anything, because that will be used against him. Attachment brings nothing but weakness.

Wala rin naman siyang planong habambuhay na ikulong sa poder niya ang dalaga. Just like what he told her, he only came to collect.

Napaungol siya at ibinagsak ang mga hawak na papel sa mesa. Sinapo niya ang ulo at nag-isip nang malalim. Kailangang malaman na niya kung ano ang hinahabul-habol niya kay Proserpina. Maybe, it's really her body.

So, tonight, she will visit her and will make sure that before dawn, all her questions have been clearly answered.

KAMUNTIKAN nang madulas sa sahig si Proserpina nang paglabas niya ng banyo ay ang malaking pigura ni Hades ang bumungad sa kanya. Nasa loob ito ng kanyang silid at nakasandal sa pinto. 

Kakatapos niya lang maligo at nakatapis lang ng kakarampot na tuwalya. Nakalatag pa sa ibabaw ng sofa ang kanyang mga damit panloob at ang pajama set na isusuot dapat niya.

"Mabuti naman at nagiging komportable ka na rito."

Imbes na sagutin iyon ay napahawak lang ang isa niyang kamay sa pinagbuhulan ng tuwalya, ang isa naman ay sa hamba ng pintuan ng banyo. "B-bakit nandito ka?" Natatakot pa rin siya sa Mafia Boss, subalit hindi na tulad noong mga nakaraang araw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SOLD TO THE HEARTLESS MAFIAWhere stories live. Discover now