Chapter Five

32.2K 846 175
                                    

"Jarvis, I'm on my vacation! Can you please spare me the boring details about the meeting?" Rinig niyang reklamo ni Adam sa cellphone. She rolled her eyes and continued brushing her hair.





Kahit noon pa man ay wala talaga itong pakealam pag dating sa negosyo ng pamilya nito. He did graduate as a Magna Cum Laude in Harvard but he only did it to prove to his grandfather he was more than just a man who can drive fast cars.





Adam's passion belonged to the race tracks. She knew his first love was definitely not a woman but a car. Noon pa man kahit high school pa sila ay mahilig na ito sa mga sasakyan. Hindi niya alam kung saan nagsimula ang addiction nito.





When his grandfather wanted him to be the heir of the company, he refused. Dapat daw ay ang ama nito ang namamahala ng negosyo ng pamilya at hindi siya.





But since his father left them when he was only fourteen years old, he had no other choice but to give up his dream and proceed to do his responsibilities.





Kaya nga ay hanggang ngayon, hindi pa din nito masyadong sineseryoso ang trabaho. Sa tingin niya'y nagdadalawang-isip pa din ito na tanggapin ng buong-buo ang trabahong dapat ay ginagawa ng sariling ama nito.





"Ax, I have some very bad news. We have to cut short the vacation. We'll leave on Friday. Kailangan kong bumalik sa Maynila before Saturday. Something came up." Lukot-mukhang pahayag nito sa kanya.





Tiningnan niya ito mula sa salamin. "Is everything okay? We can leave now if you want."





"We don't have to. Sa Saturday pa naman darating yung mga investors mula sa ibang bansa so we have all the time we need to enjoy our vacation."





Kumibit siya ng balikat. "If you say so. You're the boss."





Pagkaraan ng sampung minuto ay lumabas na sila ng kanilang kwarto at pinasyal ang Boracay. It was actually her first time to visit the place while Adam, on the other hand, obviously had been there multiple times. Alam na nito ang pasikot-sikot at alam na din nito kung saan sila kakain ng tanghalian.





Napapansin niya ding madaming babaeng tumitingin o nagnanakaw-tingin sa kanyang kasama. Mga babaeng ubod ng kaseksihan kumpara sa kanya. Mga babaeng papasa sa beauty pageants dahil sa kagandahang taglay. There were even some who waved at him but... weird as it may seem, Adam ignored them.





Anong problema nito? "Adam." Nilingon siya nito.





"Ba't hindi mo pinapansin yung mga babaeng kanina pa nagpapaduding sa harap mo? Kulang nalang eh maghubad sila sa harap mo para makuha lang yung atensyon mo eh?" Nagtatakang tanong niya. This was so unusual of Adam.





Pag alam nitong may nagkakainteres na babae rito ay kaagad nitong nilalapitan at nagpapakilala. That was the Adam she knew.





Kumunot ang noo nito. "You want me to acknowledge them even if I'm with you?"





Nagkibit siya ng balikat. "Well, why not? Alam kong kanina ka pang kating-kati diyan na lapitan sila pero pinipigilan mo lang yung sarili mo dahil kasama mo ako. It's perfectly fine with me, Dam. Alam ko namang ginusto mong pumunta dito sa Bora para maka-score ka sa mga babaeng hipon."





Matagal din siyang tinitigan nito. Napailing nalang ito pagkaraan ng ilang minuto at nagsimula na ulit sa paglakad. "Let's just continue to walk."





Playing Between the SheetsWhere stories live. Discover now