Chapter Six

5.7K 214 37
                                    



"Loy, alis muna ako ha? Ikaw na muna bahala dito sa shop." Sabi niya kay Eloy bago pumasok sa kanyang sasakyan.


Mula noong bumalik sila ng Maynila ay hindi na muli nagpakita o nagparamdam sa kanya si Adam. It's been three weeks since they got back. Natatandaan niya nung last day nga nila ay halos hindi na siya kinikibo nito. He was so busy preparing for his meeting on Saturday na halos hindi na ito lumabas pa sa kwarto nila.


She has no idea if he's mad at her because of what she said about Princess or if he's just really busy with his outputs.


And as if on cue, nakita niyang lumabas ang sasakyan ni Adam mula sa parking area ng building. Alam niyang madadaanan siya nito dahil one way lang ang street na iyon kaya kaagad niyang binaba ang kanyang bintana.


He didn't use his Bugatti today. He was using his Corvette convertible in black. Napasipol siya dahil sa sobrang ganda ng sasakyan na iyon. Tinawag niya ang pansin ni Adam ng malapit na ito sa kanya. "Adam!"


Tinanguan lang siya nito at pumaharurot na ito ng takbo. Napanganga siya. What the hell? That was the very first time na hindi ito huminto para kausapin lang man siya. Napakunot ang kanyang noo. What was eating him?


Kumibit ang kanyang balikat. She didn't know but she sure as hell will find out about it.


Pagbalik niya sa opisina after a few hours ay may biglang kumatok sa pintuan ng opisina niya.


"Excuse me po, Boss. Si Sir Adam po nasa labas. Gusto daw po kayong kausapin." Sabi ni Eloy mula sa pintuan.


Napakunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Adam never asked permission to talk to her. Pag pumupunta ito dati sa kanya ay dumi-diretso lang ito bahala na kung may ginagawa ka ba o wala. "Sige, Loy."


Pinagpatuloy niya ang pag ta-type ng kanilang sales ng pumasok ito at umupo sa upuan harap niya. But goodness he smelled good. From the moment he walked inside her office ay amoy na amoy niya na ang Polo Blue na pabango nito.


Tiningnan niya ito matapos i-save ang kanyang ginawang file. "Well this is highly unusual, Dam. Asking permission now? Really?"


Nginitian siya nito ng bahagya at bumuntong-hininga bago magsalita. "Ax, I wanted to tell you something."


Napalunok siya. Ano kaya ang sasabihin nito? "Hmm? About what?"


"About how we parted ways after our vacation." Sagot nito sa kanya.


"What about it?" Tanong niya at binalik ang tingin sa kanyang laptop. What the hell is he up to? Bakit ang awkward naming dalawa?


"I just felt na we needed space to think things through. And of course, to clear our minds. Kaya matagal akong lumapit dito sayo para bigyan ka ng panahon mag-isip. Ayokong masira ang pagiging magkaibigan natin because of awkwardness." Whoa, that was definitely a blow to her.

Playing Between the SheetsWhere stories live. Discover now