Chapter Four

50.6K 1.1K 231
                                    

Chapter 4





Napamura siya ng malakas nang makitang nasa sahig na naman ang kanyang tuwalya. Basa at halatang ginamit ng gunggong na iyon. "Pag minamalas ka nga naman." Kinuha niya ang tuwalya at lumabas ng banyo.





Nakita niyang nakahiga sa kama si Adam, nakangiti habang tinitipa ang hawak nitong cellphone. Lumapit siya dito at ibinato sa mukha nito ang kanyang tuwalya. "Aray! Ano ba?" Iritang tanong nito sa kanya.





Gagong 'to. Ito pa ang may ganang mairita? "Talaga bang pinapainit mo yung ulo ko?"





Nakita niyang kumunot ang noo nito. "Ha? Ano na naman ginawa ko sayo?"





Itinuro niya ang tuwalya. "Bakit mo ginamit yang towel ko?!"





"Diyos ko ba naman, Axia. Para towel lang nagkakaganyan ka na. Kala ko kung ano." Ibinalik na nito ang atensyon sa hawak na cellphone at inignora siya.





"Ulol! Towel ko yang ginamit mo! Naiintindihan mo? Kulay pula yung sa akin tapos kulay asul naman yung sayo! Hindi ka na ba marunong mag distinguish ng kulay ha?" Nanlilisik na ang kanyang mata sa sobrang pagkairita.





"Edi gamitin mo yung towel ko! Anong masama doon?" Balewalang sagot nito sa kanya. Napapikit siya ng kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kay Adam.





"Adam, ganito ako pumorma pero maarte ako pagdating sa proper hygiene ko. Di ko naman pwedeng gamitin yung towel mo dahil naipahid mo na 'yan sa ano... sa ano... basta alam mo na kung saan!" Naghalukikip siya sa harap nito.





Nakita niyang biglang ngumisi si Adam. May nakakatawa ba sa sinabi niya? "Hoy! Nakikinig ka ba sa akin?!"





"Ay! Ha? Ano ulit sabi mo?" Clearly ay hindi nga ito nakikinig sa kanya. Ano ba kasing ginagawa nito sa cellphone at palagi itong nangingiti? Hinablot niya ang iPhone nito at tiningnan kung sino ang katext ng hinayupak. It was a text message from Princess.





Bigla atang tumaas ang lahat ng dugo sa kanyang ulo. "Adam! Bakit mo pa katext ang Princess na 'to? Ha?!"





Kumunot naman ang noo ni Adam at hinablot ulit sa kanya ang cellphone. "Ano naman yun sayo?"





Napahilamos siya ng kanyang mukha. Hinding-hindi na ba talaga ito matatauhan? "Adam, di ko alam kung bobo ka ba talaga o ano. That woman is using you for your money! Di ka ba natauhan sa ginawa niya sayo isang taon na ang nakaraan?"





"Pera ko naman 'yon. Hindi sa'yo o kahit kanino so back off! I can use and spend my money anyway I like." Alam niyang naiinis na sa kanya si Adam. Pag namumula na ang dalawang tenga nito ay alam niyang nagagalit na ito.





Pero wala siyang pakialam. Nasisiraan na ata ng bait ang gagong 'to! After what that bitch did to him? After asking for a huge amount of money then dropping him off like a used condom... Okay, that was a gross comparison but still. "Akin na nga 'yang cellphone mo!" Tinangka niyang hablutin ang cellphone nito pero mas mabilis pa sa kabayo ang pag-ilag nito sa kanya.





"Axia, wag mong painitin ang ulo ko ha. Walang ginawa sa'yo si Princess kaya wag kang makialam." Pagbabanta nito sa kanya. Aba't...





"Hoy, Adam! Baka nakalimutan mo kung anong ginawa niya sa'yo? Hiningan ka niya ng halos isang milyon, Dam! Humingi siya tapos ng binigyan mo, iniwan ka na kaagad! Ngayon makikipaglampungan ka na naman sa babaeng 'yon?" Halos maputol na ang ugat niya sa ulo. Seriously he was not that stupid. Seriously.





Playing Between the SheetsWhere stories live. Discover now