Chapter Seven

9.6K 345 120
                                    


Kasalukuyan siyang nasa isang car show sa BGC. She was invited by one of the organizers kaya naman ay napagpasya niyang pumunta. Andito kaya si Adam? Knowing Adam, he loved cars. More than women I would dare say.


She remembered the very first time itong binigyan ng sasakyan ng ama nito. Oh she cannot forget his smile that day.


It was Adam's 19th birthday today. Tiningnan niya ang kanyang hawak na regalo para dito. It was a Kurt Cobain's shirt. Yun ang napili niyang regalong iyon dahil sa addiction nit okay Kurt Cobain. He even had a huge poster of him inside his room.


Ungas na iyon. Kinunan niya pa ang savings niya para sa regalong iyon. Di naman niya alam na hahalaga ng dalawang libo ang shirt na iyon eh. Limited edition lang kasi iyon at nag-uunahan ang mga taong makabili. Buti na nga lang at nakakuha pa siya ng size bago iyon naubos.


At syempre di siya magpapatalo sa pabonggahan ng regalo. Binigyan kasi siya nito ng CD's at posters ni Bon Jovi nung birthday niya. Alam kasi nito na may huge crush siya kay Bon Jovi at yun ang napili nitong bilhin.


Nung malapit na siya sa bahay nila Adam ay may biglang bumusina sa kanya mula sa likod. Napalingon siya at nakitang si Jack, Greg at Kostas ay sabay sa isang sasakyan. "Hi, Miss! Gusto mo bang maki hitch sa amin?" Kalokong tanong sa kanya ni Kostas at kinindatan siya.


Napatawa siya at kunwaring susuntukin ito. "Heh! Hitch mo yang mukha mo." Pero sumakay pa rin siya dahil tatlong kalye pa ang lalakarin niya at nagsisimula nang pawisin ang kili-kili niya.


"Ganda ng sasakyan mo, Jack! Ba't di mo to dinadala sa school?" Tanong niya dito. It was a Lexus RX 350. Alam naman niyang mayaman sila Jack pero di niya akalaing ganoon pala ito ka yaman.


Kumibit lang ito ng balikat. "Di naman 'to sa akin, spare car lang. Sa daddy ko 'to pero pina talyer kasi yung Honda ko kasi butas ang dalawang gulong."


Napatango siya. Tindi ha? Isang Lexus lang naman ang spare car nito.


Nang makarating sila sa bahay ni Adam ay kaagad naman silang sinalubong nito. Isang malaking ngiti ang bungad nito sa kanila. "Happy Birthday, Dam!" Sabay bati nila rito at isa-isang binigay ang mga regalo. Napalaki ang mata niya ng makitang pareho ang regalong binili nila ni Greg.


Napahiyaw sa tuwa si Adam. "Yes! Kurt Cobain! Salamat, pre! Tagal ko na tong pinagiinitan eh! Teka, magpapalit muna ako ng damit." Yun lang at pumasok na ito sa isang kwarto.


Napahilaw ang ngiti niya. Shit. Pareho sila ng regalo ni Greg. Anong gagawin niya sa shirt na iyon? Dalawang libo pa naman ang halaga niyon.


Tiningnan siya ni Jack. "Anong regalo mo kay Adam? Baka pareho tayo ha?"


Hilaw siyang napatawa. "H-Hindi. Di pa ako nakabili eh. Sa susunod ko nalang ibibigay yung sa akin."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Playing Between the SheetsWhere stories live. Discover now