KABANATA 8 (Mystical Unwonderland's stories: Ang nakasisilaw na silahis)

1 0 0
                                    

Chum: Kopico Kapuccino ala starbucks coffee / sticks of Fortune lights

Dreams are for travelers who doesn't know the destination but sattisfied by the journey wherever it may go. Malayo-layo ang paglalakbay na ito. Pero sasakay lang tayo sa ating mga tsinelas. Maglalakad. Wala kasi tayong pambayad sa cruise ship, airplane, stream ship, taxi o airconditioned bus. Pang tricycle lang siguro at pang jeep pero, gastos lang yun. Mas masarap parin ang maglakad. Gamit ang bagong biling Havaianas..
Ay! Havanas nga lang pala..

Insert stories #1: Ang Ritwal
...anim na pu't anim na tupa. Anim na pu't pitong tupa. Animnapu't walong tupa. Animnapu't siyam na tupa. An.. Aaahh (hikab) pitumpu na mga tupa. Pitumpu't isang tupa. Pitumpu't dalawang tupa. Pitumpu't tatlong tupa. Pitumpu't apat na tupa. Pitumpu't limang tupa. (hikab) pitumpu't anim na tupa . Pitumpu at pitong tupa. Pitumpu't walong tupa. Pitumpung s'yam na tupa. Pitum- walumpu. Walumpu't isang tupa. Walumpu't tat- (hikab) na tupa. Walumpu't apat na tupa. Walumpung lima na tupa. Walumpungnganim na tupa. Walumpung.. Pitontupa. Walumpu't walong tupa. Walom... Walumpu't s'yam na tupa. S'yampu. Syampu't isang tupa. Syampu't dal'wang tupa. Syampu- s-syam.. Sya... Ssss...zzzzzz
Wala na ang mga tupa nang lumitaw ang nakasisilaw na silahis.

Stories # 2: Banal na Abo
Bukas ang bintana, kayat malayang naglalagos ang malamyang hanging pang hating gabi sa isang kabahayang puno ng mga santo. Iba't ibang hugis, laki, bigat, hitsura ng mga niluluhurang banal na kahoy. Mula sa banal na kamay na umukit nito: may Santa Mariang mula sa banal na Sicamorro; Santa Fe na mula sa Mahogany na nakuha pa sa banal na kabundukan ng Trala-la; Santa Maria Magdalena mula sa punong hindi pa napapangalanan; ang maliit na banal na Nazarenong gawa naman sa tsok -na hindi mauuri bilang banal, pero dahil pinangalanan ay banal na rin; Santo Antonio na mula pa sa isang matandang paring Dominikano noong panahon pa ni Rizal; at may mga marmol ding banal. Isa si Santo Niñong puno ng mga beads ang nangingintab na damit. Sinulsi ito ng mga deboto sa Parokya ng Kristong Banal Church. Tangan ang Krus at koronang kulay ginto sa kaliwang kamay ng Santo Niñong naghihimala raw tuwing magiging kulay asul ang itim nitong mga mata; At marami pa.
Ang ilan ay magkakasama sa banal na altar. Isang lamesang laging may haing kakanin at arnibal at hindi pinapatiran ng pagtirik ng kandila. Araw-araw may nakatakdang magtirik ng kandila rito at magdadasal ng Ave Maria nang tatlumpung beses ang sinumang hindi tutupad sa kanyang takdang tungkulin.
Ngunit nang gabing iyon, bukas ang bintana. Humihip nang malakas ang hanging mabilis naglagos sa buong banal na lugar. Natatangay ang bagong labang kurtina ng bintana, hanggang napalapit sa pakalahati ng kandila. Napadikit. Matutumba ang kandila at mabilis na kakapit sa tela ng damit ng mga banal na santo. Kakalat sa bagong labang kurtina. Gagapang sa kabuuan ng bahay. Ilang banal na kahoy na ang nagliliyab. Naglalagablab. Natutupok na dahil sa kandilang kanina naman ay malamlam ang pagtanglaw ngunit biglang lumikha ng nakasisilaw na liwanag.

Ang paglitaw ng nakasisilaw na silahis na madaling tutupok ng buong banal na lugar na iyon. Kabilang ang ilang banal na kahoy na sa malao't madali ay magiging banal na abo na.

Stories # 3: Posporo
Nagyoyosi si Fe habang nagkakape. Nakadungaw siya sa bintana, at pinagmamasdan ang maliwanag na buwan. Ang tanging liwanag na tumatanglaw sa kinatitirikan ng kanyang bahay. Walang ilaw sa kanyang munting dampang nirerentahan lamang. Hindi brown-out. Naputulan lang siya ng ilaw, noong nakaraang buwan. Pasong-paso na notice of disconnection. Mas inuna niya ang bayad sa renta ng bahay at bayad sa tubig. Maputulan na ng linya ng kuryente wag lang ng tubig. Ayaw niyang pumasok ng trabaho nang hindi naliligo. Baka langawin siya sa puwesto. Hindi mga parokyano kundi literal na langaw. Mahirap na. Mas lalong mawawalan ng pangkain o nang pambili ng gatas sana para sa kanyang sampung buwang gulang na anak.


Nagising siya sa kwarto ng ospital nang wala na ang kanyang anak. At ang kanyang walang hiyang hilaw na byanan ang kumuha. Tsk. Humigop siya. Isang lagok, kahit umuusok pa ang kape sa tasa. Naalala niya ang anak, dalawang buwan na itong nasa matanda. Kamusta na kaya ang anak ko, naibulong sa sarili. Nakakainom na kaya ng branded na gatas? Malusog na ngayon, alaga sa poder ng matanda. Tsk! Maigi na 'yon. Ano nga bang magagawa ng isang putang inang gaya ko, kalinga? Aruga? Hindi sa isang tulad na maruming babaeng ang kaya lang pasusuhin ay mga parukyano.. Tsk! Prosti nga e, puta in short! Ang pwede lang malaan sa batang yun, bearbrand siguro. O Kape. Anong maipipilit ko e, sa hindi nga makapag breastfeed- breastfeed na yan. Himas-himasin ma't pigain ang walang'yang susong 'to, pawis lang ang kayang ilabas.. Tsk, dugo siguro kung ngangatngatin 'tong utong ko! Putragis! Shit kang puta ka! Sheeet!
Pinitik sa daliri ang nangangalahati palang na sigarilyo. Tikom ang palad, may bahagyang panginginig. Waring nag-iipon ng pwersang binubuo ng siklab sa kanyang damdamin. Kinuha niya ang baso ng kape. Nanginginig ang kanyang kamay. Muling humigop. Ngunit bigla nabitawan niya ang baso. Nahulog. Natapon ang kape. Kumalat sa sahig. Ganoon man, hindi nabasag ang basong kapihan. Pinipigilan niya ang panginginig, ang galit, ang hinanakit. Hindi lang sa matandang babaeng kumuha ng kanyang anak. Kundi ay galit sa mundo at sa kanyang sarili. Hindi niya pinansin ang natapong kape. Kinuha niya ang kaha ng sigarilyo. Kumuha ng isa. Panindi? Kinapa sa bulsa. Hinagilap ang posporong bagong bili lang sa tindahang inutangan niya ng isang kaha ng sigarilyo. Wala. Napatingin siya sa sahig. Nahulog roon ang posporong hinahanap. Agad niyang pinulot at naglabas ng isang palito. Nanginginig ang kamay niya habang kinikiskis sa silabang-liha. Ilang kiskis. Ayaw sumindi. Tinapon niya ang isa at kumuhang muli ng isa pa. Nabasa ito ng kape. 

DAIGDIG NG TAG-INIT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon