KABANATA 11 (Bato-bato Pik sa saliw ng Pangwakas na Awit)

3 0 0
                                    


Chum: 1 bottle mineral water/

Isang pagbuntong hininga lang ang nagawa ko nang matiyak kong nakauwi na si Jessica. Napatingin ako sa langit. Walang mga tala, walang mga ulap. Wala lahat.

Napatingin ako sa paligid, pinagala ang paningin sa kung saang kayang marating ng paningin. Nagmasid-masid. Maingay ang pag-alog ng tambyolo ng Bingo mula sa harap ng bahay nila Wilma, dapat kagabi ay huling lamay na daw pero pinagpaliban dahil darating ang mama nila na nakapagpabook na daw matapos payagan in last minute ng amo nito sa Kuwait. Kaya diretso ang lamayan. Umpukan na ang mga tao sa kanya-kanyang session sa bawat lamesa; Sa kabilang banda, nagsasara ng beauty parlor si ate Kris -na dating siga, pero noong iwanan ng asawa ay naglaro na ng manika; katabi nun ang karinderya naman ni aleng Pilar na kanina pa bugaw nang bugaw ng langaw gamit yung manipis na istik ng kawayan na may nakatali sa dulo na ginupit-gupit na plastik bag –nilalangaw na siguro ang mga tinda niya; at sa katabi banda ay yung langaw at bangaw sa garbage bag na bitbit ni aleng Bibe. Tiyak nang deretso sa tabing ilog yung basura nilang hanggang dito sa amin umaabot ang bango ng alingasaw; sa tapat naman ng bahay nila Jessica, paparada pa lang yung tricycle ni kuya Monching. Pagarahe na sa tapat ng kanilang tinda-tindahan; habang takaw pansin naman ang mga pakendeng-kendeng na lakad ng mga wow sa hubog ng katawan. Saglit na natuon ang paningin ko sa kanila: ayus sa micro-mini-skirt na tinernuhan ng pang-itaas na masikip na tube na tanging pumipigil sa pagluwa ng kanilang mga dibdib. Puno ng kolorete ang mga mukhang pinaputi at pinakinis ng facepowder –ang residente ng pugad-langaw na nagbibigay aliw sa mga nais maaliw, mga parokyanong nais magpalipas ng gabi sa kanlungan ng mga anghel na ang hatid ay langit? Kapag nagkapera ako, papasok ako sa isa sa mga kwebang iyon na puno ng patay sinding ilaw. At para masaksihang muli ang misteryosong big night show tuwing holidays at holyweeks.

Naalala ko yung mga extreme na palabas: yung mga naglalagablab na apoy sa kamay ng mga babaeng gumigiling-giling; yung mga lumululon ng espada. Sana malaman ko rin kung paano nakakayanan ng mga babae ng pugad-langaw ang paglulon ng mahabang espada na iyon; yung magic. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung ano kayang misteryo ang nasa likod ng pagkawala ng perang papel na iniipit sa bibig ng mga bote habang may gumigiling pababa sa ibabaw ng lamesa. Misteryong masasaksihan mo lang kung makakapasok ka sa kweba na iyon tuwing big-night.
Wala na ang mga babae. Busog na ang mga mata ko sa pamamasid sa paligid pero mukhang bitin ang isip.

Sinara ko ang pinto. Dumiretso ako sa banyo. Ni-lock. Sandali akong napatingin sa bowl, at naalala ko ang pwesto niya roon. Napapailing tuloy ako, kinawag-kawag ang ulo sa imahinasyong gumuguhit sa isipan. Pinilit mabura. Pinulot ko ang mabangong sabon sa sahig. Madulas at mahirap hawakan. Pumiglas, ngunit nadampot din. Nagsabon sa mukha, mga ilang pahid. Ilang pagkuskos. Binuksan ko ang gripo at sumirit ang tubig mula roon. Malakas ang bagsak ng tubig sa balde. Pinatagal ko ang sabon saking mukha. Nakakangalay. Naupo ako. Nagmuni-muni. Pero biglang nabasag ang saglit kong katahimikan nang narinig ko ang alingawngaw ng speaker na nagmumula sa katabing bahay. Nagpi-feedback. Masakit sa tenga, garalgal pa ang tunog nito. Maya-maya'y tumugtog ang isang pamilyar na kanta ng namayapang pop icon na si Michael Jackson –yung kantang 'Yesterday'.

Isang buntong hininga, pinatugtog na naman ng pasikat na kapit-bahay ang bago nilang component. Mabuti na lang ay paborito ko yung kanta. Ang kanta ni pop idol Michael Jackson, na pinagpasa-pasahan ng mga nahilig sa pop songs ni M.J, na nagkaroon ng iba't ibang bersyon. Mga humigit kumulang 2,000 na interpretasyon ng mga kilala at hindi kilalang artists. Yung kantang iyon na una kong narinig sa tricycle ni kuya Monching. Malakas na sound-trip habang nakasakay ako sa loob ng kanyang tricycle habang dumadaan kami sa lubak-lubak na daan. Para akong napapaindak noon dahil sa kanta o dahil na rin sa lubak-lubak na dinaanan namin. Yung lubak na halos nang-aalog ng buong pagkatao, na para akong itlog na binabati sa isang bowl o parang ako yung nagbabati ng itlog. Ganoong pakiramdam. Nakatatawa at nakatutuwa na habang nakaupo sa trono –ay naalala ko ito, hindi yung pakiramdam na may background song na M.J. siguro ay yung pakiramdam na may dinadaanang lubak yung sinakyan kong tricycle ay para akong itlog na binabati o yung taong nagbabati ng itlog.

Umaapaw na yung tubig sa balde nang may kumatok. Pigil ko bigla ang salita. Si Tatang, naisip ko.

"may tao?" kasabay ng pagkatok nang malakas. Nakilala ko yung boses. Hindi pala si Tatang.

"walang tao!" Sigaw ko. Si Ayang 'yon, ang isa sa tatlo kong kapatid na babae. Pinihit ko ang gripo.


"bilisan mo kuya, naiihi na ako," mula sa labas ang tinig, natiyak kong naroon na nga silang tatlo kong kapatid. Kakauwi lang galing eskwelahan. Ibig-sabihin pasado alas-sais na. Ayos! Wala pa kong nalulutong pang-hapunan. Toka ko ngayon ang pagsasaing.

"sandali. Patapos na ko!" Sigaw ko. Agad ang pagtayo ko. Dali-daling nagbanlaw. Bumaling muli sa kubeta.

"bilis kuya! Sasabog na pantog ko!"

"oo na, saglit!" tugon ko.

Nagmadali na ko. Narinig ko pa yung pagbulusok ng tubig nang ibuhos ko ang isang timbang tubig. Umiikot ang kung ano. Ikot. Ikot. Ikot. Ayaw lumubog. Buhos uli. At Ayos! May biglang tumilamsik... dumampi sa paa ko. Mainit-init.

...

DAIGDIG NG TAG-INIT (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن