page three

72 11 20
                                    

Page 3 of 10: Hi, Mysterious Writer

---

Dear Calliope,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dear Calliope,

Sabi nila, kapag mystery ang genre ng isang story, madalas, misteryoso rin ang writer nito.

Halos lahat naman ng writers na nakilala ko ay misteryoso. They were all strangers. Pero sa pagdaan ng panahon, some of them become more popular. They become more popular because of their looks, their connections, and their fandom. They become, undeniably, more popular than their stories.

But several writers remained the same. May iilan nga na bigla na lang nawala ng ilang taon tapos biglang bumabalik. Sana all, pwedeng bumalik.

It’s been two years since I started reading stories. Isang buwan na lang din at magtatapos na ako sa high school pero kami ni Ellie, mukhang tapos na. It’s been a week nang malaman kong sila na ni Joshua.

Akala ko, sa mga story lang ako masasaktan, pati rin pala sa reality. Ang sakit lang. Sobra. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko dahil bukod kay Joshua na best friend ko, kay Ellie lang ako nakakapagkwento. Ayaw ko namang sabihin kay Mama dahil ayaw kong mag-alala pa siya. Ayaw ko ring ikwento sa Ate ko dahil siguradong pagtatawanan lang niya ako.

Buti na lang at nandiyan ka.

Yes. You, calliope.

Isn’t ironic? Your stories comforted me when they’re being criticized by some readers. And that’s made me even more furious!

Your stories may not be that too popular compare to other stories but they don’t deserve to be criticized. I guess, hindi lang talaga ma-appreciate ng ibang readers ang mga likha mo. Gano’n din siguro ang dahilan ng ilang publishing companies kaya hindi nila pina-publish ang mga gawa mo. Kung ano lang kasi ang sikat, ‘yon ang lang ang kanilang pina-published.

I might look like bias but for some reasons, I’m telling the truth. I tried reading those stories na nasa paperback na, but I always ended up regretting buying them. Sa sobrang loyal ko siguro sa stories mo, nagkaroon na ako ng standards as a reader.

Pero may mali ba do’n? I mean, nagiging judgemental na rin kasi ako sa ibang works ng ibang authors. O sadyang nasanay lang talaga ako sa writing style mo at ‘yon ang naging standards ko?

To be honest, your stories become deeper just like you. Napansin ko lang, habang tumatagal, mas nagiging mas malalim ang mga salitang ginagamit mo sa pagsusulat. Siguro, ‘yon ang naging dahilan para iwasan ng ibang readers na basahin ang mga gawa mo. Idagdag mo pa na ang napaka-delay na updates. Kumpara kasi sa ibang writers, malimit lang ang mga salitang ginagamit nila para basahin ito ng readers. Lalo na kung ang target readers mo ay high school students pa lang.

But don’t get me wrong. I’m saying all of these not to criticize your works or your writing style but to awaken you. I’ve always wanted to be noticed by you just to share my thoughts as one of your true readers. I don’t know why but every time na binabalak kong magbasa ng ibang stories na gawa ng ibang writers, pakiramdam ko, pinagtataksilan kita.

Letters to CalliopeWhere stories live. Discover now