PROLOGUE

36 2 0
                                    

"Stop! Bitawan mo ako! Nasasaktan ako, Shammyr!"sigaw ko habang patuloy lang ang paghila niya sa akin palabas ng parke.

"Anong sabi ko sa'yo? Sabi kong huwag kang lalapit sa mga ibang lalaki diba?"galit na galit nitong saad and his dark gaze was darted on me.

"Ano ba?! Pati ba naman kaibigan ko pinagseselosan mo?! Ganyan ka na bang kawalang katiwala sa akin?!"dinala niya ako sa isang liblib na parte ng labas ng park para walang masyadong makarinig sa amin.

Malalim na ang gabi pero marami pa ring tao rito sapagkat sikat ang parke na ito. It's the park of love.

"Bakit? Kaano-ano mo ba si Samuel, huh?" hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso at ramdam ko ang kanyang matalim na kuko sa aking balat.

"Ganyan ka na ka-grabe magselos?!" tinulak ko siya ng buong lakas ko habang malalalim ang aking paghinga. "Pati ba naman bakla, pinagseselosan mo?!"sigaw ko at isang sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

Napapikit ako nang dumaloy ang sakit nito sa buong mukha ko.

"Talagang sumasagot ka pa? Ano?!"sasampalin niya sana ulit ako nang bigla akong sumigaw.

"We're done Shammyr! Pagod na pagod na ako sa ugali mo!"sigaw ko sa kanya na para bang desido na akong hiwalayan siya ulit.

Our relationship is that too toxic! Away bati, away bati. Dahil lamang sa pagiging seloso nito!

"Iyan din ang gusto kong mangyari dahil nakakasakal ka na rin!"sigaw nito dahilan na mapahawak ako sa aking dibdib.

That was hurt. Kahit alam kong tama ang naging pasya ko but it still hurts.

Isang taon lang naman kami pero sobrang tanga kong napamahal ako sa kanya nang sobra.

"You will never have me again, Shammyr. Hindi ako pumapatol sa lalaking nananakit ng babae"matapang na saad ko rito, sobbing.

"And I will never beg to a useless woman like you!"sigaw nito at tinulak ako dahilan para mapaupo ako sa damuhan.

"I've never expect na ganyan ka kawalang respetong lalaki! Sana hindi nalang kita binalikan noon pa man!"napapaos na ang boses ko dahil sa pagsigaw ko and my tears are rapidly rolling down from my eyes.

"Hindi ko rin alam na napamahal ako sa babaeng hindi naman kamahal-mahal"

Cruel and harsh, that's it.

Those last words that he uttered suddenly broke my kind heart into pieces.

Pinaharurot niya ang kanyang motor habang ako ay pinapanood lang ang kanyang pag-alis at nang hindi ko na matanaw ang kanyang kotse, tumayo ako at pumasok sa park.

Umupo ako sa dulong bahagi ng parke na kung saan makikita mo ang mga taong masasayang naglalakad sa park.

As I let the cold gentle breeze embraced me, hindi ko na mapigilang mapahagulgol.

I tried to call Hannah and Samuel--- my friends pero hindi ko sila matawagan.

It's been eleven in the evening kaya siguro nakatulog na ang mga 'yon. Habang ako, nagdurusa sapagkat katatapos lang namin nagbreak ng walang hiya kong boyfriend.

"Ano ba naman kasi 'yan, Mallory! Junior High ka palang, ang landi landi mo na" natatawang saad ko habang pinupunasan ang aking maalat na luha na dumadaloy na sa aking bibig.

"Are you okay?"a baritone voice caught my attention.

Napatigil ako sa pag-iyak at madaling pinunasan ang aking mukha bago binalingan ng tingin ang lalaking nagsalita sa aking tabi.

ASYMPTOTE LOVE (SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #2)Where stories live. Discover now