CHAPTER 5

6 1 0
                                    

"Rene!"saad ko at lumingon ito sa akin pero hindi naglaon ay umiwas din siya ng tingin at nagsimula nang maglakad.

I want to chase him. I missed him. Gusto kong sabihin sa kanyang gusto ko siya.

Gusto kong sabihin sa kanyang crush ko siya pero masyadong madali, baka tawagin niya pa akong desperada.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Malabo talaga. Okay lang, sino ba naman kasi ako. Ano ba iyan" bulong ko sa sarili ko at mapait na ngumiti.

Pumunta nalang ako sa malapit sa Ezra Coffee Shop at doon bumili ng takuyaki since roon din ako kadalasang bumibili.

Habang kumakain ako ay iniisip ko ang mga nangyari kanina at sa mga nakaraang araw.

From that time na nag-away sina Mama at Papa, from that time na nagmakaawa sa akin si Shammyr, at ang hindi pagpansin sa akin ni Rene.

Subo lang ako nang subo kahit mainit ang kinakain ko. Napakabigat ng damdamin ko ngayon dahil sa mga nangyari.

"Ang OA mo naman! Hindi big deal ang hindi niya pagpansin sa'yo 'no, hindi ka naman kasi type nun" bulong ko sa hangin.

Pero the question is, bakit siya nasa tapat ng school namin?

.

Today is Saturday at napagdesisyunan naming gumala kasama ang mga kaibigan ko.

"Saan tayo pupunta?"tanong ni Sam habang inaayos ang kanyang bag.

"Sa Park of Love nalang, mas maraming space o di kaya sa Ezra Coffee Shop nalang din, diba? Nag-ki-crave ako ng milktea" suhestyon ko at napatingin sila sa akin na para bang may mali akong nasabi.

"Ay wow, lahat ng sinabi ay ang lugar na pwedeng makita si Rene. Hindi ka lang napansin, napaparanoid na ka naman!"ani Heather.

Pabiro ko siyang inirapan. "Sinadya niyang hindi ako pinansin 'no! Para siyang nagsayang ng isang milyon kapag hindi niya papatulan ang isang magandang kagaya ko"napangiwi si Samuel sa sinabi mo.

"Grabe. The audacity! Maganda pero tiklop naman sa gitarista!"biro nito at nagsimula na kaming naglakad.

Sa waiting shed kami pupunta para maghintay ng masasakyan papunta sa lugar na hindi pa namin alam kung saan.

Wala naman kaming kotseng tatlo kaya hanggang commute nalang muna, hindi na bale kapag may stable job na kami.

"Pero nag-beg talaga sa'yo si Shammyr 'no?"tanong ni Heather at tumango naman ako.

"Oo. Pero wala. Ayoko na siyang pagbigyan at hindi naman na ako kinukulit"paliwanag ko kaya tumango lang silang dalawa.

"Si Rene naman, kumusta?"pang-aasar na tanong ni Sam na para bang hindi niya alam ang nangyari.

"Pero iniyakan mo eh 'no, ang hindi niya pagpansin sa'yo?"dagdag pa ni Heather.

"Hoy! Hindi ah! Never na akong iiyak sa lalaki" depensa ko pero tinignan lang nila ako ng nakaloloko kaya inirapan ko sila.

"Masakit bang ma-ignore ng crush?"biro pa nila sa akin.

"Psh. Bahala siya. Uncrush ko na. Kaasar" sagot ko.

Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit hindi niya ako napansin eh halata namang narinig niya ang pangalan niya eh.

Is he ignoring me? Masyado lang ba akong assuming na may gusto siya sa akin?

"Pero baka ikaw ang pinuntahan at hindi ka lang talaga napansin" pangungulit ni Heather kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"If that's true then, bakit hindi niya ako pinansin?"pagtataray ko ngunit nagkibit balikat lang siya.

ASYMPTOTE LOVE (SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #2)Where stories live. Discover now