CHAPTER 1

11 1 0
                                    

"Bakit hindi matanggal sa isip ko ang lalaking nakilala ko noong isang linggo?"tanong ko sa kaibigan kong si Heather habang namimili kami ng mga gagamitin namin para sa pasukan.

"Baka, na-love at first sight este meet ka" natatawang saad nito.

"Ano ba kasi ang pangalan niya?"tanong ni Samuel sa akin habang namimili siya ng magandang ballpen.

"Rene. Rene De Los Santos"paggaya ko sa pagkasabi niya noong gabing iyon.

"Red flag!"sabay nilang saad kaya napairap ako.

"Grabe kayo! Pero miss ko siya. He's my type!" napangiwi lamang sa akin si Heather habang si Samuel ay napa-yuck reaction.

I mean, yes! Kahit sabihin niyong malandi ako dahil may natitipuhan na naman ako after kong makipag-break sa seloso kong jowa, wala akong pake!

That's my nature.

Mahilig din kasi ako sa marunong mag-gitara.

"Enchanted to meet him?" natawa lang ako sa naging komento ni Heather. "So mysterious naman niya. Wala pa siyang social media accounts. Halatang pa-fall, halatang hindi interesado" dagdag pa nito at kumuha rin ng ballpen.

How many times I've searched for his social media accounts pero sadyang hindi siya mahilig makipag-socialize dahil wala man lang itong Facebook maski Instagram account!

"Hindi ko nga alam kung bakit siya lumapit sa akin noon eh"

Since the night I met him, hindi ko na siya nakita muli. Ghoster siguro ang taong iyon.

Pagkatapos niya akong pakiligin ng ilang minuto ay hindi na siya magpapakita sa akin? Gosh!

Pero honestly, he's running in my mind all day! Naging favorite ko pa nga na kanta ang Night We Met dahil sa kanya.

Everytime na naaalala ko siya. There is something inside me that's triggering me at kapag naiisip kong malabong makita ko siya muli, parang dinadaganan ako ng mundo.

That was about an hour, less than an hour, I should say but that was too memorable, too special.

"Ano ba kasing nangyari noong gabing iyon? Nag-sex kayo?" hinampas ko si Samuel sa kanyang sinabi at natawa lamang si Heather.

"Napaka-OA mo naman! Hinarana ba naman ako tapos ganun lang? Hindi na siya sisipot? Kagagaling niya nga ng break-up like me."saad ko at kinuha ang aking basket.

"Baka type ka nung boy" komento naman ni Heather.

"Imposible. Kung mahal niya ako edi sana nagpakita siya sa akin."

"Type, hindi love" pagtatama ni Samuel sa sinabi ko. "Tignan mo! Ikaw yata may gusto sa lalaking iyon eh!" bulyaw nito sa akin.

"Never! Hindi na ulit ako magpapauto sa lalaki! Ano yung parang one night stand lang?" natatawang saad ko.

"Nag-sex kayo?!" pinandilatan ko sila nang mata dahil sa sigaw nila.

"Ano ba?! Hindi nga!" sigaw ko.

"Weh?" pangungulit nila sa akin.

"Ayokong maging batang ina 'no! Grade 11 pa lamang tayo sa pasukan, magkakaaanak na ako?" saad ko sa kanila.

"Bakit mo kasi naman inihalintulad sa One night stand aber!" natatawang saad ni Heather habang papunta na kami sa counter.

Naging lutang lang ang isip ko habang nagbabayad habang iniisip na naman siya.

ASYMPTOTE LOVE (SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #2)Where stories live. Discover now