CHAPTER 3

7 1 0
                                    

I'm an official senior high school student.

Grabe, ang bilis ng araw! Parang noon lang ako naglalaro sa kanal tapos ngayon Senior High na ako.

"Magandang morning sa maganda kong ina at pogi kong ama!"maligayang saad ko nang lumabas na ako sa aking kwarto.

Nasa kusina sila pareho. My Mom is preparing our breakfast while my Dad is doing some chores.

"Good morning"they said in chorus kaya napangiti ako.

Lumabas muna ako sa bahay para makalanghap ng preskong hangin at matunghayan na rin ang sunrise, my favorite scenery.

Makikita mo talaga ng mabuti ang pagsikat ng araw mula sa bahay namin dahil malapit lang din kami sa bundok.

Kaya sa bawat araw ay sinisikap kong gumising ng maaga upang matunghayan ang pagsikat nito. It was so beautiful, so peaceful.

Tuwing nakikita ko ang pagsikat ng araw, ito ang nagpapaalala sa akin ang magandang simula. Na pagkatapos ng isang madilim na gabi ay sisikat ang araw.

Magliliwanag ang buhay pagkatapos ng madilim na gabi.

Sa mga sumunod na minuto ay binilisan ko lang ang naging galaw ko sapagkat susunduin pala ako nina Heather at Sam sa bahay.

Sa kabilang kanto lang ang bahay ng mga iyon eh.

"Ma, Pa, una na po kami! Nandiyan na po ang mga kaibigan ko"paalam ko sa kanila.

"Ingat kayo"saad ni Mama.

Nilapitan ko siya at binigyan ng isang halik sa kanyang pisngi.

Ganoon din ang ginawa ko kay Papa na nasa likod ng bahay namin.

"Ingat kayo anak. Yung sinabi ko ah, huwag munang--"

"Mag-bo-boyfriend" we said in chorus at pareho din kaming tumawa.

Lumabas na ako ng bahay at bumungad sa akin ang mga bruhang mga kaibigan ko.

Ang lawak ng ngiti nila! Halatang excited pumasok! Grabe.

"Nag-friend request na siya sa'yo?"bungad na tanong nila sa akin kaya kumunot ang noo ko at nauna nang naglakad sa kanila.

"Silence means yes ba 'yan?"natatawang saad ni Samuel.

"Or baka, kayo na kaya ka hindi makasagot?"

Hinarang ko sila at inirapan ng pabiro. "Ano yun?"

Napangiwi sila pareho sa naging tanong ko kaya bahagya akong napatawa. "Ano ba?! Ano nga yun?!"natatawang saad ko.

"Tinatanong namin kung nagfriend request na ba siya sa'yo?"inis na ulit ni Heather sa tanong nila kanina.

"Ofcourse"saad ko kaya nakita ko kung paano namilog ang mata nila. "Ofcourse, not"dagdag ko kaya halos masampal nila ako sa inis.

"Kaya walang nagtatagal sa'yo dahil sa nakakabwisit na humor mo"inis na sambit ni Heather kaya hinampas ko siya.

"Hoy! Isang taon kami ni Shammyr 'no! Matagal na 'yon kaysa naman yong internet love mong umabot lang kayo ng 2 days!"biro ko at tumawa ng malakas si Samuel.

"Huwag kang tumawa riyan, Junior!"

Natawa ako sa sinabi ni Heather. Junior High palang kasi si Samuel. He's currently Grade 10 student.

"Grabe ka sa akin! Kung maka-junior naman 'to"napailing nalang ako sa biruan namin.

Ganito kami palagi basta magkasama. Bardagulan.

ASYMPTOTE LOVE (SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #2)Where stories live. Discover now