Prologue

2.2K 138 27
                                    

This novel is fiction.

Everything written here was only a product of my imagination. Names, places, and events used are not existing in real life. In case they do, it's just a coincidence.

Read at your own discretion.

Thank you!

-Minyonette

💛

💛💛

Prologue


Gusto ko nang lumayo at tumakbo kanina paalis.

Pero hindi ko rin naman kayang gawin iyon. Lalo na at malilintikan ako kung hindi ako pupunta rito sa mga Conrado.

"Ikaw ang pinapunta ng mga Laforteza? It's my first time seeing you, hija! Are you even a relative, or perhaps a lawyer?" matalim na tanong ng matandang Don at patriyarka ng mga Conrado.

Napalunok ako, pilit itinatago ang panginginig ko. Sanay na 'kong humarap sa mga taong galit. Ang pinagkaiba lang talaga kapag sa labas ng bahay, bawal ako umiyak.

"O-opo, D-Don Arsenio... Ahm, ah... I'm Kiara's cousin." Second-degree cousin, to be specific. Ang mga ama namin ang mag-pinsang buo. "I'm M-Mayor S-Saulo Laforteza's second d-daughter..."

Nanginginig na ang mga tuhod ko. Kahit nakaupo na 'ko, parang babagsak pa rin ako. Lalo na nang mapasulyap ako sa kaliwa ni Don Arsenio. Nandoon ang asawa ni Kiara na si Florian Conrado. Ang talim at seryoso ng tingin habang tahimik na nakatayo.

"May pangalawang anak pa pala ang alkalde? Akala ko ay isa lang?"

That's the common misconception of the people of Sta. Carmina. Hindi naman kasi ako pinapalabas ni Papa ng mansyon. Actually, hindi ako pinapalabas kung wala lang inuutos. Katulad ngayon.

"O-Opo... Ahm, ako po ang bunsong anak." Hindi naman ako mahina magsalita, tama lang para marinig sa malaking sala. Pero alam kong masyadong malumanay at walang buhay ang tono ko.

"K-Kaya ako po ang ipinadala rito ngayon. Abala po kasi si Tito Samuel," tukoy ko sa ama ni Kiara. Na hindi naman ako malapit. Wala akong malapit na kahit kanino sa kamag-anak ko. Kahit sa Ate Nichole ko at kay Papa, hindi ako malapit kahit gustuhin ko.

"Ang mga abogado naman po para sa annulment ay nasa Maynila pang lahat. K-Kaya po... ahm..."

Napahinto at napalunok ako dahil lalong nagsasalubong ang mga kilay ni Don Arsenio. Tila lalong nagalit sa mga sinasabi ko.

"Are you even close with Kiara?" singit ni Florian, seryoso ang tono pero kalmado lang. Hindi naman kasinggalit katulad ng Lolo nito. "If you're really her cousin, why didn't I see you on our wedding years ago?"

Dahan-dahan akong bumuga ng hangin. Ito talaga ang mahirap kapag nagpapaliwanag akong Laforteza din naman ako. Walang mabilis na maniniwala dahil nga hindi ako nakikita sa kahit anong event. Palaging si Ate ang kasama ni Papa sa mga importanteng social and public events. At kahit family affairs, hindi ako parte.

Sumakit ang dibdib ko nang maalala na naman kung gaano ako ka-outcast sa pamilya ko. Pero hindi oras ngayon para isipin iyon.

Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang mga ID ko.

"I really am her relative..." Ipinatong ko sa center table ang tatlong government IDs ko.

Yumuko si Florian at inabot agad ang isa. Binasa nito saglit bago inabot kay Don Arsenio. Kumuha ulit ito ng isa at isa pa. Para siguro ma-check ang legitimacy.

DHS #3: Moving CloselyWhere stories live. Discover now