Chapter 2

1.1K 110 12
                                    

Chapter 2

"Help me, please! Help me! Ilayo mo 'ko ng Sta. Carmina. Ilayo mo 'ko kay Papa!"

Iyon ang natatandaan kong paulit-ulit na sinasabi ko pagkababa ko ng jeep. Sinalubong agad ako ni Lonzo at bago pa siya makapagtanong ay hindi na 'ko matigil sa desperadang paghingi ng tulong.

Paulit-ulit na ganoon lang ang sinasabi ko hanggang sa maisakay niya 'ko ng kotse niya at... at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Siguro dahil alam na ng katawan kong ligtas ako, unti-unti na 'kong nakaramdam ng ginhawa.

Kaya't pagkagising ko ngayon sa hindi pamilyar na kuwarto, hindi naman ako nakaramdam ng takot. Pero dahil siguro hindi ko alam kung ano nang nangyayari, naging alerto ulit ang buo kong sistema.

Mabilis akong bumangon ngunit bago pa 'ko makaalis sa kama ay nanakit na ang mga binti ko. Para 'yong namumulikat sa sobrang sakit. Napahikbi ako.

At saka bumukas ang pinto ng kuwarto.

"You're awake!" boses ng babae.

Pagtingala ko ay nalito ako kung bakit nandito si Calysta.

O baka kasi nasa Sta. Carmina pa rin ako at nasa mga De Haro...?

"I understand your confusion but let me just grab you something to drink and eat."

Napakurap ako at natigil agad sa tuluyang pag-iyak. Natulala na lang ako sa pinto hanggang sa bumalik si Calysta dala ang isang breakfast tray na may pagkain at inumin.

Lumapit siya sa 'kin at ipinatong iyon sa side table. Pagkuwa'y inabot niya ang isang baso ng malamig na tubig. Tinanggap ko 'yon at agad na ininom.

"Kaaalis lang ng doktor na tinawagan ni Kuya Lonzo to check on you. Don't worry. Your baby is safe."

Nanlaki ang mga mata ko at muntik nang masamid sa tubig.

Calysta winced. "Don't worry, again. Your secret's safe with me. Kaya rin ako ang pinakiusapan ni Kuya Lonzo na mag-asikaso muna sa 'yo. So, tayong tatlo pa lang nina Kuya Lonzo ang nakakaalam na buntis ka. Oh, pati si Magnus pala. But again, you don't have to worry. Hindi naman tsismoso ang asawa ko."

Napatango na lang ako. Wala naman akong magagawa kung gusto ni Lonzo ipaalam sa pinsan nito ang tungkol sa baby...

Mas inilapit sa 'kin ni Calysta ang pagkaing dala niya. Naramdaman ko na nga ang gutom...

"You should eat na. Para makainom ka na rin ng vitamins for your baby. Ishe-share ko muna ang vitamins ko sa 'yo kasi hindi pa raw nakakabili si Kuya Lonzo."

Tumango na lang ulit ako. Sa totoo lang, parang lumulutang pa ang pakiramdam ko. Na kahit ano lang siguro ang sabihin ni Calysta, susunod lang ako. Basta para sa baby...

Umayos ako ng pagkakaupo sa kama. Pagkalapat ng likod ko sa headboard ay ipinatong ni Calysta ang breakfast tray sa may hita ko. Tiniis ko na lang muna ang pananakit ng mga binti ko. Siguro ngayon ko lang nararamdaman ang pagod sa pagtakbong parang walang katapusan para lang makatakas kay Papa...

Napahinto ako at nakaramdam ng panlalamig. Parang naririnig ko pa rin ang nanggagalaiting boses ni Papa. Nakakatakot na anumang oras ay mahahanap niya 'ko at kakaladkaring pauwi para saktan.

"N-N-Nasaan ako?" unang tanong ko. Namamalat pa ng kaunti ang boses ko.

Napakurap si Calysta na parang nagulat sa pagsasalita ko. "You're in Manila."

DHS #3: Moving CloselyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora