Chapter 4

1.1K 106 43
                                    

Chapter 4

Kung puwede lang na isubsob ulit ang buo kong mukha sa sahig, ginawa ko na. At dahil sa labis na kahihiyan, hindi ko pa matanggal ang mukha ko sa mga damit ni Lonzo.

"S-S-Sorry..."

"That's not the answer to my question, Naomy."

Napangiwi ako. Baka magalit si Lonzo sa 'kin kung hindi ako aayos. Unti-unti 'kong binaba ang mga damit niya mula sa mukha ko. Ipinatong ko 'yon nang maayos sa center table at saka tumuwid sa pagkakaupo. Pero nanatiling nakayuko ang ulo ko.

"L-Lonzo, p-pasensya na... k-kung i-inaamoy ko ang d-damit mo..." Tahimik akong suminghap ng hangin. "S-Sana huwag kang m-magalit..."

"Why are you smelling it?" Tunog naiinip na siya. Pero naghihintay pa rin sa dapat na sagot ko.

"N-Nag... nag... Ahm, p-pinaglilihian ko siguro ang a-amoy... ang amoy m-mo..." Pag-amin ko na lang. I think there's no point lying. Ang dami ko pang tinatago kay Lonzo, ayoko nang madagdag ito.

"Naglilihi ka... sa amoy ko?"

Marahan akong tumango. I know how weird it sounds. Pero ngayon ko lang din naman ginawa 'to at hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nabasa ko sa binigay na libro ng OB, puwedeng paglilihi ang mga repetitive cravings ng isang nagbubuntis—whether in watching, eating, and smelling.

Ang tagal naming tahimik ni Lonzo. Hanggang sa nakita ko ang paa niyang humakbang at saka umupo sa katapat na sofa kung saan ako nakaupo.

"Why are you always looking at my feet?"

Agad naman akong nag-angat ng tingin. Muntik na 'kong malagutan ng hininga nang magsalubong ang mga mata namin. Mapupungay na ang kanya na parang inaantok na.

"I-I'm sorry, Lonzo... H-Hindi ko na ulit aamuyin ang d-damit mo. Pasensya na talaga..."

Umiling siya. "I don't know how pregnancy works but I'm aware about some unusual cravings and behaviors that pregnant women do. May mga pinsan at kaibigan akong may asawa't mga anak na. Nakukuwento nila 'yon sa 'kin."

"I-I'm still s-sorry... B-Baka ang weird kong tingnan kanina n-nang nakita mo 'ko." Nag-iwas ako ng mga mata sa kanya. Pero hindi naman na 'ko yumuko. Napatingin na lang ako sa white v-neck cotton shirt na suot niya. Nakapares din iyon sa puti ring cotton shorts. Mukhang pantulog niya.

"Yeah, it's unusual. Pero kung pinaglilihian mo ang amoy ko, maybe I can give you the cologne I'm using."

Hindi naman cologne niya lang ang naamoy ko kanina. Humalo na sa damit ang natural niyang amoy, pawis, o kung ano pa man.

"H-Huwag na, L-Lonzo. A-Ayos lang ako... N-Ngayon ko lang g-ginawa iyon, maniwala ka. Ngayon ko lang nalaman n-na... na naglilihi siguro ako sa amoy mo... S-Siguro, n-nagustuhan lang ng baby ang amoy ng... daddy niya?"

Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

Sumandal si Lonzo sa sofa at nag-dekuwatro. Ang mga braso ay pinatong pa sa magkabilang side ng armrest. "Daddy... That's what you have decided the baby would call me?"

Napakurap ako at tumango na lang. "A-Ayaw mo ba? K-Kung ano na lang ang g-gusto mo, Lonzo..."

Ayokong "Papa" ang itawag ng baby ko kay Lonzo dahil naiisip ko palagi si Papa na malupit sa 'kin.

"The term 'Daddy' or 'Dad' is fine. That's what I used to call my father before, too." He shrugged.

Nahihiyang ngumiti ako. "G-Ganoon ba? M-Mabuti naman. Ahm, n-ngayon na lang ulit tayo nagkita k-kaya gusto ko lang personal na magpasalamat sa mga vitamins at gatas na pinabili mo para sa baby. A-At saka sa pagpo-provide mo ng lahat ng k-kailangan ko rito. P-Pati ng security..."

DHS #3: Moving CloselyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang