Chapter 12

1.3K 143 49
                                    

Chapter 12


Inangat ko ang sketch na ginawa ko. Isang lalaki at isang batang lalaki na nakasakay sa bangka at nagtatawanan.

Napangiti ako. Unang beses akong nagandahan sa sarili kong gawa. Pagkakita ko kanina ng isang notepad at lapis sa tabi ng landline phone ng cottage, naramdaman ko lang na gusto kong mag-drawing.

Mas tinitigan ko pa ang drawing. Sa tingin ko, ito mismo ang eksaktong nararamdaman kanina ng baby sa tiyan ko nang nag-boating kami ni Lonzo. Kaming dalawa lang sa bangka habang siya nga ang nagsasagwan. Hindi naman kami nagtatawanan katulad sa drawing ko.

Ngunit napakasaya ng naramdam ko habang kaming dalawa lang sa bangka. Akala ko kasi magiging tahimik lang kami sa loob ng kalahating oras na pagrenta namin. To my surprise, Lonzo initiated the conversation about our personal likes and dislikes.

Habang hindi ako makasagot sa ilang mga bagay na gusto at hindi ko gusto, malaya namang ibinahagi ni Lonzo ang mga paborito niya...

"I have no favorite food," he said with his monotone voice while navigating the boat paddles. "Hindi ako mahilig kumain. Pero kung masarap ang luto, I appreciate it."

"S-Salamat at kinakain mo ang mga niluluto ko sa condo. P-Pasensya na kung hindi ganoon kasarap. Pagbubutihin ko pa sa susunod."

Napatingin si Lonzo sa 'kin mula sa sagwan. "You cook good. Didn't I tell you before? Gusto ko ang luto mo," dire-deretsong saad niya. "The fact that I'm eating it means I like the taste of it, Naomy. Kung hindi, magkakape lang ako kahit gabi."

Kahit may iba pa kaming napag-usapan, iyon talaga ang pinakatumatak sa 'kin. Hanggang ngayong nakabalik na kami sa tinutuluyan namin ay napapangiti pa rin ako. At ang kabog ng puso ko ay bumibilis na naman.

Dala-dala ang maliit na notepad, humiga ako sa kama at kinipkip iyon malapit sa dibdib. Na-imagine ko na paglabas ni Baby Lonzo, masaya itong magbo-boating kasama ang Daddy Lonzo nito. At paniguradong mas interesado si Lonzo malaman ang mga gusto at hindi gusto ng anak.

Lonzo promised earlier that we'll go back to Baguio once the baby comes out. He said he'll take the child boating. Kaya ko siguro na-drawing agad 'to pagkauwi na pagkauwi pa lang namin. Nasasabik ako para sa bata.

Hinaplos ko ang maliit na umbok sa tiyan ko. "Baby, Daddy's favorite subjects when he was still studying were Mathematics and Science. He's into puzzles, building a process, and researching. Ang talino ni Daddy, ano?

"He gets bored easily on things that cannot exercise his thinking skills. Kaya siguro gustong-gusto niya maging CEO, baby. That position needs great decision-making skills as a leader. They figure out how to keep the business running and progressing. They find and approve good business strategies. Sometimes, sila mismo ang nag-iisip ng strategy. Daddy Lonzo's perfect for that position. Sana siya na lang ang maging CEO."

Hindi ko pa nakikilala si Eli De Haro ng personal. At nakabase lang ako palagi sa kuwento nina Calysta. Siguro, deserve din ni Eli ang pagiging CEO dahil hindi naman sila magiging mahigpit na magkatunggali ni Lonzo kung hindi.

Pero ngayong mas nakikilala ko si Lonzo, nakikita ko kung bakit ganoon ang pangarap niya at kung bakit nararapat naman niyang maabot ang pangarap na iyon.

"Your Daddy likes black coffee. No sugar, no cream. He always likes it hot and freshly brewed. For him, coffee helps him think. But he's not addicted to it. He can live with just one cup of coffee a day. Unless ayaw niya raw kumain. Nagka-kape na lang ulit siya."

Ang dami ko talagang nalaman kanina kay Lonzo. Mas nakilala ko pa siya sa thirty-minute boat ride na iyon kaysa sa mga nakalipas na buwan na nasa condo lang kami pareho.

DHS #3: Moving CloselyWhere stories live. Discover now