Chapter 11

1.2K 124 29
                                    

Chapter 11

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang nakaupo at nagpapainit sa harap ng fireplace.

Hindi nakabukas ang aircon sa cottage na kinuha ni Lonzo dito sa Baguio Country Club. Pero napakalamig pa rin talaga! At mula nang tumapak ako rito sa Baguio, hinayaan kong yakapin ako ng napakalamig na temperatura ng lugar.

Hindi ako makapaniwalang nandito na 'ko ngayon! Na totoo pala talaga ang nababasa at napapanood ko noon tungkol dito sa Baguio. Unang beses kong makapunta sa lugar na buong araw ay malamig! Lalo na raw ngayong "ber" month.

"Not tired yet?"

Napalingon ako kay Lonzo. Kalalabas niya lang mula sa kuwarto na inookupa niya. Naka-sweat pants at sweater siya habang may hawak na kopita ng alak sa isang kamay.

"The bodyguards said you almost went to all of the parks here."

Nanatili ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa kanya. Tumango ako. "Ang ganda dito sa Baguio, Lonzo. Salamat sa pagdala sa 'kin dito," I wholeheartedly thank him. Even though it's just the first day, I could cry in joy that I finally experienced another place I never thought I'd ever see in person.

Umupo rin si Lonzo sa carpet katulad ko. Tumitig siya sa apoy habang sumisimsim ng alak. "I never thought how serious your father locked you up until now." Gumalaw ang panga niya at napailing-iling. "You didn't even see the half of Baguio yet, and you're thanking me already like it's the best place you've ever been to."

I blinked and shyly looked away. Napatitig na rin ako sa nagbabagang apoy at dinama ang init na binibigay niyon sa napakalamig na gabing 'to.

"How can a father let one of his daughters have everything while depriving the other?" Sumimsim ulit siya ng wine at sumingkit ang mga mata. "Lolo raised me and Eli with equal attention. Always even in every tangible and intangible things—"

Biglang tumigil si Lonzo. "Sorry, let's not talk about these things. You should be enjoying your first time here in Baguio."

"A-Ayos lang naman. Totoo rin naman ang sinabi mo. Nakakatuwa na hindi kailanman pinaramdam sa inyo ni Don Eloy na may lamang sa inyong magpinsan. Wala siyang paborito." Itinaas ko ang mga binti ko at niyakap iyon.

"Kailan ang unang beses mong makapunta rito sa Baguio, Lonzo?" tanong ko sa kanya.

"When I was ten. Lolo brought the whole family here. Kumpleto kaming magpipinsan," diretsong sagot ni Lonzo. Walang makikitang emosyon sa mukha't tinig niya, pero ang mga mata ay halatang may kislap dulot ng magandang alaala.

"Nagpa-member si Lolo dito sa BCC. Pagkatapos maaprubahan, dinala niya kami agad dito. You know Sta. Carmina's weather. Always in a high temperature unless there's a storm. Gusto ni Lolo na maranasan naman namin ang lamig dito tuwing summer."

Napangiti na naman ako nang ma-imagine ko si Lonzo na bata pa kasama sina Calysta. Siguro ay mas magulo at maingay sila noong mga maliliit pa.

"Ang saya-saya naman niyon. Siguro kapag malaki na si Baby Lonzo, puwede mo rin siyang dalhin dito. I think he will enjoy the cool breeze."

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong napabaling sa 'kin si Lonzo. 

"Dinala ako kanina nina Imre sa PMA. Maganda roon. Tuwang-tuwa ako sa mga tangke. Siguro, lalaki talaga ang baby sa tiyan ko. Nagpa-picture pa 'ko roon. Pati sa mga artillery." I chuckled. I was honestly thrilled with those war equipment. 

"Ras and Cerek graduated in PMA."

"Talaga? Nakakatuwa naman! Nakakita mga rin ako mg mga cadets kanina. Nag-martsa sila. Nakakamanghang makita kung gaano sila ka-disiplinado sa paglalakad at sa linis ng pila nila. I took a picture with one student holding a big rifle gun!"

DHS #3: Moving CloselyWhere stories live. Discover now